Kabanata Siyam

55K 832 7
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"Missy, alam ko nasaktan kita ng todo dahil sa pag-alis ko noon. Hindi ako umaasa na mapapatawad mo ako ng lubos pero ang hiling ko lang ay bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Missy, pwede bang maging tayo ulit?"


Sabi ko na nga ba e. May pakulo na naman 'tong si Paul. Pero hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon. Kasi kapag binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon, parang binigyan ko na rin siya ng pagkakataon para masaktan niya ulit ako.

Aaminin ko, hindi pa talaga ako nakalimot. Hindi pa rin tuluyang nawala yung pagmamahal ko para kay Paul pero iba na kasi ngayon e. Dati, sigurado akong si Paul lang ang gusto ko. Ngayon, hindi na ako sigurado kung siya nga lang ang gusto ko.

Nakatingin pa rin sa akin si Paul. Nakaluhod pa rin at naghihintay sa sagot ko. Ayaw ko sana siyang saktan pero sa tingin ko masa masasaktan lang siya kung magsisinungaling ako.

"Paul, bago ko sabihin yung sagot ko sa tanong mo, tumayo ka muna diyan o."

Tumayo na siya pero hawak pa rin niya yung mga kamay ko. Medyo naluluha na ako nung mga oras na yun pero kailangan kong magpakatatag kasi para naman ito sa ikabubuti naming dalawa (kahit na sa opinyon ko lang).

"Missy wag ka namang umiyak o."

"Paul, ayaw ko namang masaktan ka e, Kaya lang, mas masasaktan ka kapag hindi ako magsasabi ng totoo. Paul, sa tingin ko, hindi ko pa maibibigay yung hinihingi mong pagkakataon sa akin. Hindi na rin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko e. Sana maintindihan mo."

Pagkatapos kong sabihin yun, bigla siyang bumitaw mula sa pagkakahawak ng aming mga kamay. Parang naguluhan siya sa sinabi ko o sadyang hindi pa niya kayang tanggapin yun.

"Missy, sabihin mo, dahil ba 'to kay Josh? Gusto mo na ba talaga siya? Hindi mo na ba ako mahal?"

"Paul, hindi ko alam e. Sige, aaminin ko may nararamdaman pa ako para sa'yo pero hindi na yun katulad ng dati e. Paul, may lamat na yung relasyon natin at kahit kailan hindi mo na mababago yun."

"Missy, parang awa mo naman. Bigyan mo pa ako ng isang pang pagkakataon. Sinuway ko yung utos ng mga magulang ko para lang makasama ka ulit. Missy, hindi biro yung ginawa ko para lang ipaglaban yung pagmamahal ko sa'yo."

"Paul, hindi rin biro ang pinagdaanan ko nung iniwan mo ako. Hindi lumipas ang isang araw na hindi ako makatulog ng maayos. Tinatanong ko sa sarili ko kung ano bang nagawa ko sa'yo at iniwan mo na lang ako ng wala man lang aasahan mula sa'yo. Ngayon, kung wala ka ng sasabihin, uuwi na ako."

Nung mga panahong yun, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Masyado ng masakit e. Naglakad na ako papalayo kay Paul. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin ulit pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Hanggang sa pag-uwi ko, iyak pa rin ako ng iyak. Hindi na ako nakakain ng hapunan. Nakatulog na lang ako dahil na rin siguro sa pagod sa pag-iyak.

Kinabukasan, pagpasok ko, nagulat ako kasi nakatingin ang lahat ng mga kaklase ko sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Nung pumasok na ako sa silid-aralan namin para ibaba yung gamit ko sa upuan ko, dun ko nalaman ang dahilan kung bakit nakatingin sa akin. May mga bulaklak sa lamesa ko. Binasa kung ano ang nandun sa maliit na papel na nakasingit sa mga bulaklak. Ang nakasulat lang ay:

Sana palagi kang maging masaya.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa.
Pero sana naman, bigyan mo ako ng pag-asa.


Tinignan ko ulit yung mga kaklase ko pero bigla silang umiwas ng tingin sa akin. Kanino naman kaya galing ito? Hay.

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon