THIRTY FOUR

75.1K 2.1K 1.2K
                                    

Minulat ko ang aking mga mata nang maramdamang huminto ang kotse. Babalik na sana ako sa pag-idlip ngunit nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay ni Angelov.

Sinamahan ako ni Jaxon sa mga tests kanina sa ospital. Mula roon ay wala na kaming imikan. Ngayon pa lang din yata nag-sink in sa kanya ang nangyari. The caresses and comfort he's shown me. Kaya heto, balik na ulit kami sa dati.

Dire-diretso ang lakad ko papasok sa bahay, hinihila na ako ng kama ko. Subalit hindi ko kayang balewalain ang humahabol na mga yapak ni Jaxon sa likod. 

Pagka-unlock ko ng pinto ay lumingon ako at hinarap siya. Humarang ako sa pintuan.

"Hindi ka pa uuwi?"

Shit. I asked the wrong way. Napangiwi ako sa sariling tanong.

Ikinagulat rin ito ni Jaxon. He froze in place. Sa malamlam niyang mga mata, tumunaw ito't hinalo ang sakit na ikinalukot ng puso ko. Isang kakulangan ang pagbaba niya ng tingin, tila sumusuko sa nais kong mangyari. Bumagsak ang kanyang balikat.

He's damn tired, Davina! Tapos ganon ganon ang itatrato mo? After everything he's done? Ni simpleng thank you nga wala kang sinabi.

"Hindi ko kaya..." basag ang boses niyang bulong. Humigpit ang pagkuyumos sa tiyan ko.

"May girl—"

"Don't—"His voice strained. Mariin siyang pumikit at nag-tiim bagang, mukhang kinakastigo ang sarili. Malalim siyang huminga saka dumilat. Nagsusumamo ang mga mata niya. "Vin, please. Hindi ko kaya...let me stay here."

I hate the fear in his plea. Hindi sa ayaw kong marinig, ayaw ko lang sa hinatid nitong epekto sa akin. I'm a hundred and one ways into being subdued. It's like he has already owned a fragile piece of me and he easily can pass through his way into taming it.

Walang salita akong pumayag nang umatras at tumalikod. Hinayaan kong bukas ang pinto. Hinayaan ko siyang sumunod.

He's just a friend crashing for the night, is all, Davina. Let it be that way.

Paglapat pa lang ng likod ko sa kama ay napapikit na agad ako. Sa pagod at sakit ng katawan, nangangalahati ang lakas kong gumawa nikaunting bagay tulad ng pagbibihis.

Lumubog ang kama sa aking paanan. Dumilat ako at nakitang inaabot ni Jaxon ang aking paa at nilagay sa kanyang binti.

"Don't you want to see a therapist or a counselor?" tanong niya habang inaalis ang pagkakatali ng aking boots.

Tumitig ako sa kanyang mukha, it's shadowed due to the dimlight. Tiredness is highlighted. Siguro mabuti ring dito muna siya kesa magmaneho siyang pagod. It's been a long...dawn.

Humikab ako. "Anong gagawin ko diyan?"

Kinuha niya ang isa kong paa na hindi pa binababa ang isa. Inalis niya rin ito sa pagkaka-tali.

"You were almost raped, Vin. You have to see atleast one counselor. Evan's mom is a therapist. I'll refer you to her."

Umiling ako at muling pumikit. Dumumina ang pagod ko kesa ang isipin ko pa ang mga iyan. Ang mga halik ni Rex na kinadisgusto ko ay tinabunan na nang mga pasa. Panandalian akong na-trauma, but considering violence that has been sucker-punching me all my life? Lindol lang itong nangyari sa akin, hindi pagguho ng mundo.

I'd probably be more devastated if it would happen to someone close to me.

Then a flash of Jaxon's bloody shirt. Mabilis akong napadilat at suminghap.

Animo'y inatras ako sa headboard nang matagpuang nanatili si Jaxon sa kanyang pwesto at hindi inaalis ang titig sa akin. Minamasahe niya ang aking paa.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon