Ayaw ko pang umuwi. I rather be in an endless ride for tonight and leave my negative thoughts in school.
Panay ang mga sulyap ni Jaxon sa direksyon ko na nakikisama sa kawalaang-imikan. Sa tuwing lumilingon ako ay umiiwas siya at agad ihaharap ang mukha sa daan. As if hindi ko siya nahahalata. Hindi ako umangal na lumalayo kami sa daan pauwi. We're heading to the south.
Alam kong kanina pa niya gustong magtanong, but my silence enjoined him to just keep those questions to himself.
"Where do you want to go?" Ngayon lang siya nagsalita mula nang umalis kami sa school.
Hindi rin nakatiis. He really couldn't stand silence. Gusto niya palaging dumadaldal.
"Ikaw bahala." Hindi maipagkakaila ang katamlayan sa aking boses.
Huminto ang sasakyan sa pagtalon ng traffic light sa pula kasunod ang ungot ng handbreak.
"Are you okay?" interesado niyang tanong. Or more like...nababahala.
I knew that question would unfold into the surface.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hinihigop pa rin ang lakas ko sa nangyari kanina. Pakiramdam ko isang detector ang aking boses na matutunton ng mga pinag-iisip ko at gambalain muli ang aking utak.
Maliit na bagay man ito sa iba, pero bilang sensitibong tao, ang mga maliliit na bagay ay big deal para sa akin.
Only sensitive people could understand.
Naiinip ako sa pagiging tahimik kaya 'di ko na napigilang gibain ito.
" 'Di ba dapat si Gwyneth ang sinusundo mo? Hindi naman ako ang nililigawan mo." I failed miserably at hiding my bitterness.
Masyado kang halata, Davina. Kontrolin mo naman!
Umani ng kunot-noo at lingon mula sa akin ang bahagyang pagtawa ni Jaxon.
Saglit niya akong sinulyapan kasabay ang pag-tulak sa handbreak pababa. Umusad ang kotse at doon pa siya sumagot.
"Out nila habang on-air ako."
So he knows her duty schedule, huh? Siyempre, nanliligaw, e. Part of courtship is knowing almost everything tungkol sa taong nililigawan mo.
Dumapo ang kamay ko sa aking tiyan upang takpan man lang ang ngumangawang hukab doon.
"Alam ba niyang ako ang kasama mo?" tanong ko.
"Kailangan ba niyang malaman?"
Awang akong bumaling sa kanya. Medyo napasinghap pa ako.
"Yes! Ngayong manliligaw ka pa lang, atleast patunayan mong hindi ka manloloko! That you can be trustworthy!"
Sinuklay ko sa aking mga daliri ang asul kong buhok tanda ng frustration. Anong klaseng manliligaw 'to? Kaya siguro hindi pa siya sinasagot ni Gwyneth.
Maingay na humugot ng hangin si Jax. Like he's bracing himself fully for another battle of the wits. Sinubukan kong hindi bigyan ng kahulugan ang marahas niyang paggalaw sa kambyo.
"What do you know about courtship, Vin? I'm a guy, I know what I'm doing. Besides, it would be annoying to update her every minute about my whereabouts. Kasi kung ako, if she's going to tell me that she's shopping right now, so what? It's not necessary for me to know about that. It's not my business. And me being here with you should not be her business, too."
Okay! I get it. I get what he meant by that. He's speaking from his viewpoint. Pero ang pinaglalaban ko rito ay ang mararamdaman ng isang babaeng katulad ko!
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...