• 17

3.1K 161 35
                                    

Maraming tao ngayon sa zoo ngunit ni isa ay hindi kami nagawang bungguin o 'di kaya'y isiksik. Bukod sa aura of authority ni Jackson ay nandoon din ang mga nakapalibot niyang gwardya kaya't walang nagtangkang lumapit sa amin.

Tinignan ko si Mori na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Gamit niya nanaman ang paborito niyang backpack. May laman na ito ngayon. Dinala niya ang kanyang teddy bear at naka labas ang ulo nito para daw makita niya din ang itsura ng zoo. Napansin kong humahaba na ang buhok ni Mori. Hawi na siya ng hawi dito kaya't hinarap ko si Jackson na tahimik na naglalakad sa tabi ko.

"Ang haba na ng buhok ni Forest," sabi ko sakanya.

Tinignan niya ang anak namin at inabot ang buhok nito. Mabilis na tumingala si Mori nang maramdaman ang hawak ng Daddy niya at binigyan kami ng isang malawak na ngiti.

Nakita kong ngumiti si Jackson, "Is his tooth about to come off?"

"Ah, oo nalimutan kong sabihin."

"The tooth fairy is gonna come get it, Daddy! Jade said so!" Proud na sabi ni Mori at parang kinikilig pa sa ideya na bibisitahin siya ng tooth fairy.

"The tooth fairy huh?" Ani Jackson. "And what does Emilio think about that?"

"He said I should ask for a car and not money."

"A car?" napatawa kaming mag asawa.

"Yes! The one that has big wheels and goes ZOOOOOM! Pow pow! Look! It's a monkey!"

"Anak, wait, slow down. Matatapilok ka." Natawa ako at hinayaan na si Mori na hilain ako papunta sa kulungan nung unggoy. Ibinalot ni Jackson ang braso niya sa baywang ko at sumunod naman samin ang mga guards.

Tumigil kami sa tapat ng kulungan at binuhat ni Jackson si Mori para makita niya ito ng malapitan dahil sinubukan ni Mori na umakyat doon sa nakabalot na railing.

"Come here monkey monkey!" Pag tawag ni Mori. "Daddy! Go closer! I want to touch it!"

"You can't touch the monkey, anak." Sagot ni Jackson.

Umurong si Mori at isinandal ang ulo niya sa kanyang ama. "Does it bite?" tanong niya habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa unggoy.

"Yes, and it's dirty."

Saglit na natahimik si Mori at pinanood lamang ang mga hayop. Tapos tumingin siya sa paligid niya. Maski ako ay napatingin, nag w-wonder kung ano ang nasa isip niya.

"There are lions here, Daddy?" tanong ni Mori.

"Yes, do you want to go see them?"

Hindi pinansin ni Mori ang sinabi ni Jackson at muling nagbigay ng isa pang tanong. "At night, where do the animals go?"

"What do you mean, anak?" tanong ko.

"At night, Mommy. Do they go back to the jungle?" Napaka inosente ng tanong niya hindi namin naiwasan ni Jackson na matawa.

"No, Mori." Sagot ni Jackson. "They stay in their cages."

"But why?" Nag simula na siyang mag-pout. Nagkatinginan kami ng asawa ko. Parehas na naguguluhan sa biglang pagka lungkot ni Mori.

"What's wrong?"

"They live in there?" tanong niya habang nakaturo sa kulungan.

"Yes, anak."

Hindi sumagot si Mori at ibinalot lamang ang maliliit niyang braso sa leeg ni Jackson at nagsimulang umiyak.

Hinimas ni Jackson ang likod ni Mori. "Hey, hey, what's wrong?"

"Sinusumpong yata siya, Jackson." Sabi ko. "Baka inaantok na." Inilapit ko ang sarili ko sakanila. "Baby? Are you sleepy?"

MIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon