Piper's Point of View
"Pipes!"
I hid under the blanket when I heard Nate's voice. I saw this coming. Sooner or later malalaman niya ang nangyari sa amin ni Russel at pupuntahan niya ako dito sa amin. I didn't know na sobrang bilis pala niya malalaman. Kakahiwalay pa lang namin ni Russel kagabi tapos ngayon nandito na siya. To think na 9 am pa lang at ito ang usual time ng gising niya.
I felt a weight on my bed. Malamang naupo na siya sa dulo ng kama ko but I hold on to my blanket tighter.
"Alam kong gising ka. Hindi ka matutulog nang nakatalukbong ang kumot. Eh 'di hindi ka makahinga." Hinihila niya ang kumot ko pero hindi ko 'yon binibitawan. He let go and sighed. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi? Kaya ka pala nagpaalam agad umuwi."
Tulad kanina, hindi ako sumagot. Until I felt his weight on me. Ugh. Bwisit 'to. May problema na nga ako dinadaganan pa ako.
"Nate. Move," suway ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. "Nate!"
"Aalis lang ako dito kapag sinabi mo na kung ano ang nangyari."
"We broke up, okay? Russel broke up with me!"
And that's when he finally moved. I threw my blanket away and looked at Nate, "Last night, he told me he's letting me go."
"O?" What? Siya itong nagtanong tapos 'o' lang ang sasabihin niya? Napairap ako and was about to say something when he started talking again. "Hindi ba dapat ayos ka na? Hindi ba dapat nakakahinga ka na ng maluwag. Nakipaghiwalay na siya."
"Are you serious? Do you hear yourself? Nate. He. Broke. Up. With. Me."
"Oo nga. Break na kayo. Nakipaghiwalay siya. Malinaw."
Ugh. Humiga ulit ako at tinakpan ng unan ang mukha ko. Naramdaman ko naman ang paghila niya ng unan kaya hindi ko napigilan ang mapaupo ulit.
"Hindi mo ba maintindihan, Nate? Hiniwalayan niya ako. And do you expect me to party, have fun, and rejoice because of it?"
"Ginawan ka lang niya ng pabor. Siya na ang gumawa ng bagay na hindi mo magawa."
"What do you mean?"
"Hindi mo mahal si Russel kasi si Guevarra ang mahal mo. Kahit pigilan mo, hindi mo pa rin maitatanggi ang nararamdaman mo. Kaya lang hindi mo magawang makipaghiwalay kay Russel kasi ayaw mo siyang masaktan. Kaya siya na ang gumawa no'n para sa 'yo. Let's face it, Pipes. Kung single ka, kung hindi kayo ni Russel, malamang matagal na kayong nagkabalikan ni Guevarra."
Tinakpan ko ang mukha ko. The tears are threatening to fall. "He's nice. He's too nice. I can't help but be guilty. I feel so bad. He doesn't deserve to get hurt but I did hurt him. He didn't do anything wrong and he deserves to be happy but I did the contrary."
"Ganoon talaga ang buhay. Hindi naman lahat ng pagmamahal masusuklian. Minsan kailangan din talagang dumaan sa hirap at sakit bago siya tuluyang maging masaya. Kahit gaano ka pa kabait o kasama, lahat naman tayo masasaktan talaga. Walang exempted pagdating doon. Kaya hindi ka dapat maguilty. Kasi normal naman na ang masaktan."
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.