Chapter 9. Somehow
"What are you doing here?"
Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya at pabulong na nagsalita. Hindi ko kasi maimagine na ang taong to ay makikita ko sa pinakaimposibleng lugar niyang puntahan.
"Bakit? Bawal ba ako dito?" Bulong niya din saakin at kumuha ng libro. Kumuha din ako ng librong kinuha niya at naglakad palayo. Umupo ako sa usual kong lugar dito sa library. Sa pinakadulo. Ayoko kasing may tumitingin saakin kapag nagbabasa ako. Kaya ko naman kung isa o dalawa lang ang nakatingin pero kapag nasayo na ang mata ng halos lahat ng tao dito hindi na ako makapagfocus.
Napairap ako dahil sinundan niya pala ako. Umupo siya sa harap ko at binuksan ang libro.
"Masyado ata akong naattach sa pagpa practice. Kailangan ko ireview yung mga nagdaang lesson may test kami mamaya."
Mahina niyang saad na nakapagpa nganga saakin. What? Seryoso ba sya? Hindi ko akalaing ang katulad niya ay—
You two are perfect! Famous, good-looking and smart!
Napatigil ako nang maalala ang sinabi saamin ni Prof. Dinlayan, isang beses noong kinausap niya kami.
And smart.
"Gin."
Nabalik ako sa ulirat noong nagsalita siya. Sinamaan ko siya ng tingin at sinumulang buksan ang librong kinuha ko na katulad din ng sakanya. Alam ko namang parehas kami ng college kaya hindi na ako nagtaka pa.
"Hindi na ako nagprotesta nang makiupo ka. Wag kang madaldal." I said.
"Where's Kaela?"
Napairap ako. Nakakaintindi ba to ng tagalog? Kailangan ko pa bang mag english? O sadyang hindi niya magets ang salitang pang tao at hindi pang gago?
"She's anywhere but not here. Now, shut up." I rolled my eyes in him and he chuckle pero hindi niya na ulit ako pineste. Good.
Malimit lang naman talaga akong samahan ni Kaela kapag vacant, yun ay kapag trip niyang samahan ako sa library o kapag napagdesisyunan kong hindi muna pumunta ng library. Kalimitan binibigyan niya ako ng sarili kong oras lalo na kapag libro ang pinag uusapan. Pero seryoso, hindi effective ang pagsama niya saakin minsan dito sa library, ang bilis ko kasing mainis dahil ang ingay niya kaya mag eend up kaming aalis nalang.
Tahimik lang kaming nagbabasa ni Trey. Nakakagulat nga kasi seryoso talaga siyang nakatingin sa libro at minsan ay titingin sa kawalan na parang iniintindi niyang mabuti yung nasa libro bago babalik ulit sa pagbabasa. I just can't believe that this bad guy in front of me actually studying. Mind you, he looks cute being so serious — CELESTINE!
Did I say cute? Forget it! No! I said forget it! Damn!
Binalik ko ang buong atensyon ko sa librong nasa unahan ko at tinaboy ang mga imposible kong thoughts at binalewala ang mga mata pasimpleng sumusulyap sa kagandahan ko.
"Ah, Gin."
Napataas ako ng tingin mula sa libro papunta sa kanya nung bigla siyang nagsalita. Nakataas ang isa kong kilay habang siya ay nakatingin ng awkward saakin at parang nahihiya.
"Ano?" I ask him.
"Pwede...ano..kasi..."
"Whatever, Villaluis." I rolled my eyes on him.
"Ano! Eh kasi.. pakiexplainnamanyungtopicsapagetwohundredsixteen"
Napakunot ang noo ko at biglang nainis. Ano? Ang hina na nga ng boses niya dahil hindi pwedeng lakasan, ang bilis niya pang magsalita. What the fuck is wrong with this man?!