Pahina 44

50.3K 1.1K 146
                                    

Klaire's POV.

"Baby, sobrang miss ka na ni mommy, sorry kung hindi man lang kita naalagaan"

Tumulo na naman ang luha ko dahil sa pagdadalamhati ko sa pagkamatay ng anak ko. Nandito ako sa sementeryong pinaglagakan ng munti kong anghel.

It's been a few weeks simula ng mawala sakin ang anak ko. Hanggang ngayon hindi matanggap ng puso ko kung anong nangyari ang lahat?

Everything was perfect but in a snap gumuho ang mundo ko.

Sobra ang galit ko kay Dwayne at kay Ashley. How did it happen? Paano ako nagawang traydurin ng asawa ko?

I didn't let anyone comfort me because nobody can! Even how hard they try ay parang walang makakaayos sa nararamdaman ko.

The pain is eating me. The regrets and betrayal kept playing in my head.

Si Dwayne, araw araw nya kong pinupuntahan sa ospital hanggang sa makalabas ako pero wala akong lakas para harapin sya or makausap man lang sya. Masyadong masakit ang ginawa nila at kung ano ang naging resulta nito.

"Baby, mahal na mahal ka ni Mama. Hinding hindi kita makakalimutan kasi you are the most wonderful gift that God gave me. Ikaw ang gagawin kong lakas para makabangon ako. I guide mo si mama ha? Magiging mahirap ito para sa akin pero kakayanin ko dahil alam kong nasa tabi kita palagi"

I kissed his tiny grave before I bid goodbye to my little angel.

"Miss Klaire, okay lang po ba kayo?" tanong sakin ng driver ko.

"I am not okay. I don't think I'll ever be okay"

Hindi ako makapag move on. Yun ang iniisip ko pero at some point naniniwala ako na darating ang panahon na makakaya kong isipin ang lahat ng ito ng hindi na ganoon kasakit.

"Sa bahay po ba nila madam?"

"Hindi ho, sa bahay namin ng asawa ko" sumakay na ko.

Soon to be ex-husband to be exact.
Grabe magiging dalawang beses ko pala syang ex. I should have read the signs.

Pagkaparadang-pagkaparada ng kotse sa tapat ng bahay namin ay nagdiretso ako papasok ng bahay.

The main door is open.

Pagkapasok ko ay tumambad sakin ang mga lata ng alak at napakagulong bahay!

What the hell happened here?

"Klaire" napalingon ako dahil sa pagtawag nya sakin. Agad agad syang lumapit sa akin at mabilis akong binalot ng yakap nya.

I shouldn't feel this pero sa yakap nya ay ramdam ko ang takot at sakit.

Kusang tumulo ang mga luha ko. I wanted to hug him too dahil dapat kami ang magkasama at magkakampi ngayon.

Of all people, I want him to comfort me pero I restrained myself in doing that.

Sya! Sila ang may dahilan kaya nawala ang walang kamuwang-muwang kong anak.

"I missed you so much, sobrang miss na miss kita! Hindi mo alam kung gaano kita ka gustong makita" dagdag nya pa.

"Let me go" malamig kong sabi sa kanya bago marahas syang pinabitaw. Bumitaw din naman sya at tiningnan ako. "I'm just here to take my things kaya let's not do this to ourselves, Dwayne" tinalikuran ko sya at agad na umakyat sa kwarto namin para mag impake.

Hindi nya ako sinundan dahil siguro alam nya na din na desidido na ako.

Mabilis ko namang tinapos ang pag iimpake ko dahil ilang gamit lang ang kakailanganin ko. Bumaba akong dala-dala ang maleta ko, nandoon pa rin sya sa pwestong pinag iwanan ko. Lalabas na sana ako-

"Stay with me, Klaire" napahinto ako sa sinabi nya kaya dahan-dahan akong lumingon kay Dwayne. Nagsimula ng tumulo ang mga luha nya. "Please stay with me hon, Don't leave me"

Dumaloy na naman ang mga pesteng luha na ayoko na sanang makita nya pa.

"Stay? How dare you ask me to stay?! When you!" dinuro ko sya "When you caused all this pain that I'm feeling right now?! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mawalan ng anak!"

"Sa tingin mo ba hindi rin ako nasaktan ng mawala sya?! Anak ko din sya Klaire! Don't be selfish!" tumataas na ang boses namin parehas.

"Selfish?" I faked a laugh. "Sinong selfish sa ating dalawa?! Kung hindi mo ko niloko at nagka anak dyan sa babae mong yan! Malamang nandito pa ang anak ko!"

"Hindi ko sinasadya yun, Klaire! Hindi ko ginusto! Mahal na mahal ko ang anak natin and believe me, hiniling ko na sana ako na lang ang namatay instead of him!"

"You chose to cheat and lie to me! Why?! Didn't I satisfy you in bed?! So you came crawling on that b*tch?!"

"Klaire-

"Nangyari na ang nangyari at kahit anong sabihin mo ay hindi na nyan mababalik ang anak natin" pinunasan ko ang mga luha ko at tumalikod na.

Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin mula sa likod.

I can feel him shaking because of his heavy crying.

Hindi ko na din napigilan ang sarili ko sa pag iyak muli dahil alam kong huli na ito.

"Please hon, must we go this far? I can't let you go. I can't. Mahal na mahal kita" he said between his sobs.

Humarap ako sa kanya. Tinitigan ko ang mga mata nya and I can see sincerity in his eyes.

"Mahal? Mahal man natin ang isa't isa pero masyado na tayong nasasaktan. Masyado ng maraming nangyari at sa tingin ko hindi sapat na mahal mo ko at mahal kita para maintindihan ko iyon. Maybe we're really meant to fall apart"

"Don't say that, please naman! Don't"

"One last request Dwayne, Ihinto na natin dito. Tama na. Wag mo na kong habulin"

Umiyak sya lalo dahil sa sinabi ko.

I bit my lip. I wiped his tears as my way of my last comfort for him. Mabilis ko syang niyakap pero mabilis din akong bumitiw.

"Mag iingat ka, huwag mong pababayaan ang sarili mo"

"Klaire, please!"

"Goodbye Dwayne. I'm sorry that I can't stay because I will always remember how much it hurts. Alagaan mo ang baby nyo ni Ashley ng maayos" pagkasabi ko nun ay pinabitaw ko na sya bago tuluyang tinalikuran sya at naglakad palayo.

He's calling my name but I refused to look.

Iyak ako ng iyak habang lulan ako ng kotse palayo sa bahay naming dalawa.

This is the end.
I need time.
New surrounding.
I need to let go.
I need to move on.

------------
To be continued.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon