MANUAL START-UP: PART 3
"Buksan niyo ang pinto!"
Nanlaki ang mata kong nakatingin sa lalaking nasa labas habang patuloy na kinakatok ng malakas ang bintana ng kotse. Hinawakan ko ang kamay ni Dad. Umiling sya.
"Dad buksan mo na lang please! Mapapahamak tayo dito Dad! Ano ba kasi 'yung kailangan nila?!"
Isang putok na naman ng baril ang pinakawalan ng isang lalaki sa labas. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.
"Mapapahamak tayo pagpinagbigyan ang gusto nila! Wala tayong kalaban-laban dito anak!"
"Bakit Dad? May dahilan ba kung bakit tayo mapapahamak?! Kilala mo ba sila?! Sino sila?! At bakit nagkaganito?! May ginawa ka bang masama?!"
"Wala, Quendrin!"
Napahaplos si Dad sa mukha niya. May pinindot si Dad sa harap ng sasakyan dahilan ng pagbukas ng pinto ng kotse. Napasinghap agad ako ng may tumakip agad sa mukha ni Dad gamit ang isang panyo na may amoy-lason kaya nahimatay siya. Nanlaki ang mata ko at napasapo ang bibig.
"Dad! Damnit! Bitawan niyo siya!"
Nagmamakaawang sigaw ko. Lord help us please!
"Tumahimik ka!"
Napahiyaw ako nang nagpaputok sila ng baril sa kawalan at mas lalong humagulgol ng iyak dahil sa kaba. Natatakot ako sa maaaring mangyari ngayon. Natatakot ako sa sitwasyon namin ni Dad. Wala akong kaalam alam dito at mas lalong hindi ko alam kung paano kami makakaligtas dito.
Nabigla ako nang hinila ng dalawang lalaki ang walang kamalay malay na si Dad patungo sa labas ng kotse sa marahas na paraan. Hindi ko nakikita yung mga mukha nila dahil pawang mata lang ang nakikita dahil sa takip nila sa mukha.
"Bitawan niyo kami ni Dad!"
May humila sa akin palabas ng kotse kaya nagpupumiglas ako upang makawala. Kailangan kong kunin si Dad sakanila para makaalis na kami dito. Masyado nang delikado.
"Finally, the daughter of the monster."
Nagdilim ang paningin ko nang marinig ang sinabi ng isang lalaki. May biglang tumulak saakin kaya sumalampak ako sa kalsada. Mas lalong nag siagos ang luha ko. Marahas ko itong pinunasan at napatingin sa harapan ko. Marami sila. Halos lahat ay may dalang armas. May dala na mga baril. Halos lahat sila ay nakakatakot.
Damnit! Mga kriminal kayo!
"Magkamukha pala talaga kayo ng salot mong ama."
Agad na umigting ang bagang ko sa sinabi ng lalaking tumulak sa akin kanina. Tinignan ko ang mukha niya. Wala siyang takip sa mukha. At kitang kita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Si Yui Gomez Okinawa, ang may ari ng Shikibara Company na pinagtatrabahuan ni Dad.
Mas matanda siya kay Dad at 59 na siya. Pinilit kong tumayo kahit masakit na ang buong katawan ko. These freaking criminals should be banished into an endless abyss of flames.
"Anong kailangan niyo kay Dad?! Ba't niyo kami ginanito?!"
Napatingin ako sa left side kung saan may mga armadong lalaki na nakahawak kay Dad. Wala parin syang kamalay malay at halos inalalayan parin ng mga kriminal.
"Alam mong babae ka...maganda ka kaso... Bobo ka! Parehas lang kayo ng ama mo~"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng isang lalaki na katabi ni Mr. Okinawa. Kasing edad ko lang ang lalaki at halatang anak niya ang isang ito. Pareho sila. Magkaparehong kapareho. Sila yung mga bobo dito. Ano bang ikinagagalit nila?
"Then tell me why! Pwede ba bitawan niyo si Dad! Uuwi na kami!"
Tumutulo ang luha ko habang sinasabi iyon. Sana nga makauwi na kami. Masyado na akong inaatake ng kaba dito. Nakita ko ang pagdemonyong tawa ng lalaki. Umismid ang lalaki na katabi nya. Nakita ko ang bahagyang pag galaw ni Dad at unti unting pagdilat ng kanyang mga mata.
"Dad!"
****
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...