Kabanata XLV
Seth's
Habang naglalakad ako papunta sa kusina upang tignan kung malapit na bang maluto ang ulam para makapaghapunan na kami, natanggap ko ang mensahe ni Misty na uuwi na raw siya matapos magpaalam sa mommy ni Lucas.
Natigilan ako nang biglang may nabasag sa kusina ngunit I got back to my senses and rushed towards the kitchen to see what happened. "Junjun, dahan dahan ka nga." ani Yaya Maning kay Kuya Junjun. "Pasensya nadulas sa kamay ko ang baso." paumanhin ni Kuya Junjun, "Oh Seth, andyan ka pala." Tumango ako at nag alay ng tulong para iligpit ang basag na baso. Hindi ko alam kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro nagulat lang ako sa hindi inaasahang pagkabasag ng baso.
"Ano po bang ulam natin ngayon ya?" tanong ko kay Yaya Maning.
"Sinuglaw hijo." Parang nag ilaw ang buong paligid sa narinig ko. Sinugbang karne tapos kinilaw na isda. Sarap!
Tumulong na rin ako sa paghahain ng pagkain para mapabilis, gutom na rin kasi ako kaya hindi nagtagal ay tinawag ko na si Tito Art mula sa kaniyang opisina at si mama mula sa sala na nanonood lang ng palabas upang makapaghapunan na kaming lahat.
"Seth? May nabanggit ba si Misty sa'yo kung anong oras siya uuwi?" pagbukas ni tito Art ng usapan. Tsaka ko naalala.
"Nagtext po iyon mga kani-kanina lang na uuwi na raw siya pagkatapos magpaalam sa mommy ni Lucas, baka pauwi na ho iyon." sagot ko. Halos mag iisang oras na rin ah. "Tawagan ko nalang po." sabi ko at agad na idinial ang number ni Misty.
Panay ang ring nito ngunit walang sumasagot hanggang sa naging unattended na ito. Tinawagan ko ulit ngunit wala pa ring sumasagot. "Baka nagmamaneho pa Seth." sabi naman ng mama.
"Oo nga, uuwi din iyong batang iyon, baka naman inimbitahan ng hapunan doon. Tsaka alam mo iyon, mahilig mag silent ng telepono baka hindi napansin iyong tawag mo." ani tito Art.
Bumalik ulit ang kaba sa dibdib ko but i shook off the idea. Misty's just driving, or eating. Uuwi din iyon.
Nagpatuloy kami sa pag kain ngunit hanggang natapos kaming kumain ay wala pa ring Misty na dumarating. Panay ang tingin ko sa gate ng bahay. Andito ako sa may terrace ng bahay, hinihintay pa rin ang pagdating niya. Pero wala pa talaga. Las otso na ng gabi.
Pilit kong tinatawagan si Misty ngunit panay ring lamang ito at walang sumasagot.
"Seth?" dumating ang tito. "Hijo, hindi pa rin ba sumasagot si Misty?" pansin ang pagaalala sa boses niya.
Umiling ako, "Hindi pa rin po e. Tawagan na kaya natin kina Lucas?" suhestyon ko na sinangayunan naman ng tito.
I dialed the telephone after looking for Lucas' telephone number on the directory. Unang ring, walang sumagot, pangalawang ring, wala pa din, pangatlo, sa wakas!
"Hello good evening, Delacerna's residence." May babaeng sumagot.
"Magandang gabi, pwede kay Lucas?" diretso kong sagot.
"Who's in the line please?" tanong niya.
"Si Seth ito, kaibigan ni Lucas."
"Ah, mommy ito ni Lucas hijo, may ginagawa pa si Lucas, pwede ako nalang ang kausapin mo, what is it?" wika ng babae sa kabilang linya.
Napalunok ako, "andiyan pa ho ba si Misty? pinapatanong ng daddy niya" marahan kong sabi.
"Oh hijo, umalis na si Misty." Kumalabog ang puso ko. "Halos dawalang oras na ang nakakaraan." Eh di dapat nakauwi na siya!
BINABASA MO ANG
Bawal #Wattys2015
Teen Fiction[Completed] "If loving you is wrong then i don't want to be right." Twitter's Choice (People's Choice) Wattys2015