Ang Kursong hindi ko Inakala [15]

11.7K 162 3
                                    

"Ang Utak ay ginagamit para mag-isip at ang puso naman ay ginagamit para magmahal ngunit hindi laging utak ang ginagamit kapag tayo ay nagdedesisyonsa mga bagay bagay, alam mo kung ano ang ginagamit? Puso dahil ang bawat nalalaman ng ating utak ay nararamdaman ng ating puso." -Jpaper

Chapter 15

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay kelly sa kadaldalan niya. 

"Totoo ba ang sinabi ni kelly?" tanong ni jasper para sa akin. 

"Ah oo." ang maikling tugon ko. 

"Bakit lilipat ka pa? Eh diba maganda din naman dito?" 

"Mas may future kasi ako kung doon ako magaaral." 

Tumango lang si jasper at nagtanong ulit. 

"Sino naman ang magpapaaral sayo." 

Hindi ko alam kung ng iinsulto ang tanong niya o talagang gusto niya lang akong insultuhin. 

"Hindi mo na dapat malaman." 

Magsasalita pa dapat si jasper pero pumasok na ang aming propesor at wala na siyang nagawa kundi bumalik at umupo sa kanyang upuan. 

Si Ms.San diego ang isa sa aking pinaka paboritong prof dahil sa galing niyang magpaliwanag at magdiscuss ng aming lecture, at simula din na turuan ako ni JL sa math ay isa na din ito sa aking naging paboritong subject. Tuloy tuloy lang sa pagtuturo ang aming prof at labis akong nalibang, pansamantala kong nakalimutan ang aking problema. Natapos ang tatlong oras na pagtuturo ni ms.san diego na parang isang oras lang, nilapitan agad ako ni jasper at kinausap. 

"Ang boyfriend mo ba ang magpapaaral sayo?" 

Hindi ko alam kung maiinis ako kay jasper, talagang malakas ang pagsasalita niya at may mga kaklase kaming nakarinig sa kanyang tanong. Hindi pa naman talaga ako umaamin na isa akong bakla pero parang si jasper ay pingangalandakan na may boyfriend ako. Oo tama nga siya may boyfriend nga ako pero sana naman ay irespeto niya muna ang pagiging tahimik ng aking sekswalidad. 

Hindi ko sinagot ang tanong niya at hinatak ko si kelly para pumunta na sa susunod naming klase. 

Nababagot ako sa subject na to kasi mahina at walang kagana gana magturo ang propesor na to at tulad ng dati natapos ang klase ng wala akong nalaman, lumilipad kasi ang aking isip. 

Lumapit nanaman sa akin si jasper at kinausap ako ulit. 

"Pumunta ka mamaya sa bahay gawin na natin ang project natin." 

"Ok pero mga 8pm na ako makakapunta may dadaanan pa kasi ako." 

"Ok sige asahan kita mamaya." 

Magaala sais na ng matapos ang aming klase, hindi muna ako sumabay kay kylie at sinabi ko sa kanyang pupunta muna ako kayt JL. Pumayag naman siya dahil may pupuntahan din pala siya. 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon