Chapter 2
“May mga taong gagawin ang lahat matupad lang ang kanilang pangarap.”
Umiwi ako sa aming bahay na may lungkot sa aking mukha ngunit ang aking ina’y sabik na sabik malaman kung ano ang aking kursong nakuha. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay ramdam na ni Mama na hindi ako masaya at hindi ko nakuha ang kursong gusto ko. Hindi naman ako nagalit sa aking sarili dahil hindi ko nakuha ang kursong gusto ko pero syempre may panghihingayang parin akong nararamdaman. Hindi naman ako mayaman para pumili ng pamantasanag papasukan kaya pagti-tiyagaan ko nalang ang isang pang-publiko ngunit mataas na kalidad na paaralan kahit na hindi ko nakuha iyong kursong gusto ko. Sabi nga nila be contented on what you have, kaya siguro’y kailangan ko nalang tanggapin ang katotohanan.
Nagdaan ang ilang araw at napag-isip isip ko na bakit hindi ko kaya subukan? Lumipas pa ang ilang linggo at ito na ang araw na aking pinakahihintay, ang araw ng Entrance Examination.
Maaga akong nagising nang araw na iyon kaya’t maaga din akong nakapunta sa pamantasan
Natapos na akong magsagot sa mga tanong ng entrance exam at ilang linggo lang ang aantayin ay lalabas na ang mga listahan ng nakapasa. Wala pang isang linggo nang lumabas ang resulta ng mga pumasa, laking pasasalamat ko at nakita ko ang pangalan ko sa mga pumasa. Nagdaan na naman ang araw at orientation na, Nakita ko ang mga posibleng magiging classmate ko, may mga mukhang Nerd, Masungit, Mabait, may mga magaganda at gwapo din akong nakita. Hindi pa man ganoon kami magkakakilala ay medyo maingay na ang room siguro dahil mga mascom student nga.
Nang matapos na ang summer at ilang araw nalang ay pasukan na, medyo hinanda ko na ang sarili ko mula sa mga gagamitin ko, sapatos, damit, bag maging ang aking pananalita nag ensayo akong magsalita ng english sa harap ng salamin, sinubukan ko din na isuot ang aking uniporme, sa aking palagay ay gwapong gwapo ako suot ang aking pamasok.
Hindi na nga nagtagal at araw na ng pasukan. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay may nakasabay na akong ka-klase ko noong elementarya. Kinausap ko ito at napag-alaman kong kapareho ko pala siya ng kursong kinukuha. Siya ay si Kelly matalino sa klase, medyo weird at higit sa lahat siya ang tinaguriang babaeng bading, bakit ko nasabi iyon? Dahil siya ay ubod ng daldal at gumagamit pa siya ng mga lengwaheng pang-bading.
Nagsabay na kami ni kelly pumasok sa room, laking gulat ko dahil lahat ng mata ng aming mga kamag-aral ay nakatitig sa amin, bagay din naman kasi kami ni kelly bukod sa matalino ay maganda rin siya.
Magkatabi kami ng upuan ni kelly, dumating ang una naming professor at gaya ng aking inaasahan ay magpakilala isa isa. At dahil nasa unahang bahagi kami nakaupo ni kelly ay kami ang unang magpapakilala.
Naunang nagpakilala si kelly, namangha lahat kami dahil sa ganda niya sa pagsasalita, natapos si kelly sa pagpapakilala at ako naman ang sumunod.
"Magandang umaga, ako nga pala si Paul Perez ako ay labing pitong gulang at nagtapos sa isang pangpublikong paaralan, mahilig akong magbasa at magsulat, mahilig din akong makipagkaibigan gusto ko yung mga kaibigan na loyal at honest, at sa mga lalaking nag-Dodota dito, Taraaa! Laro tayo."
Nagingay ang mga lalaking nakakaalam sa larong ito, at ang iba ay sumigaw ng Sige mamaya laro tayo Idol!
Natapos na akong magpakilala at nagpakilalala na din ang iba kong kamag-aral,
ngunit may bukod tanging tao ang aking tinitignan, hindi ko alam kung ano ang pangalan niya ngunit nang siya na ang magpapakilala ay nalaman ko ang pangalan pala niya ay "Jasper."
BINABASA MO ANG
Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) Completed
RomanceSabi nila ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Lahat daw ay naaayon sa gusto ng puong may kapal. Pero papaano kung ang inakala mong taong nakatadhana sayo ay isa lamang pagsubok? Isang pagsubok kung saan magbabago ang pan...