ONE

121K 2.9K 795
                                    

Ugong ng tattoo gun ang nakasanayan kong ingay sa araw-araw. OA man pero hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi ito naririnig. Isang achievement ang magandang resulta ng gawa mo sa balat nila. Parang pinapalobo naman ang puso ko sa tuwing bumabalik sila rito para magpa-tattoo ulit.

Kasalukuyan kong pinapanood si Angelov sa nth customer niya. Karamihan mga babae, palibhasa guwapo 'tong si Angelov. Maangas. He's got this bad-boy indie-style vibe. Shaved ang isang bahagi ng buhok na may stilong linya sa shaved area at naka side-part naman ang makapal niyang buhok.

Dumagdag sa stilo niya ang ring piercing sa ibabang labi at stud piercing sa ilong na katulad din nang sa 'kin.

Sumasabog ang boses ni Freddie Mercury sa buong room na kumakanta ng Bohemian Rhapsody. It's Angelov's. Minsan ay Radiohead playlist ang pinapatugtog niya.

Bumitaw siya sa pag-apak sa foot pedal kasabay ang pag-hinto ng ugong ng tattoo gun. Sinawsaw niya ang karayom sa tubig upang matanggal ang tinta saka pinahid sa tela katabi nun at binalik ang pag-guhit sa customer.

Umalis ako sa pagkakasandal sa mesa at may tinuro sa maputing balat ng babae.

"Ganda nito oh," turo ko sa palikong disenyo ng pakpak ng fairy. "Tapusin mo na rin 'yong sa 'kin. Last week pa 'to."

"Tapos na 'yan," aniya, concentrate sa pagshe-shade sa pakpak.

Dinungaw ko ang kaliwa kong balikat kung saan nakatatak na pang-habangbuhay ang rose tattoo ko. Plain rose lang siya na may mga vines, walang edge. "Hindi pa, hindi mo nilagyan ng tinik!"

Nilapit ni Angelov ang tattoo gun sa 'kin at akmang itutusok ang karayom sa kamay ko.

"Oy! Huwag!" Mabilis akong umatras at inilagan ang mesa kung saan nakalatag ang mga ink.

Tumawa siya't binalikan ang likod ng customer. Amoy na amoy ko pa ang mint bubble gum na ningunguya niya. Angas talaga.

Naging kilala ang tattoo parlor na 'to dahil kina Angelov at nang isa naming kasamahan na si Charlemaigne na nasa counter ngayon. Sila ang mga founder, bagong recruit lang ako.

Magkaklase kami sa isang unibersidad na kumukuha ng graphic design. Business ad ang kinuha ni Charlemaigne. May franchising rin ng pizza ang ama niya kaya palagi kaming nagpapadeliver sa kanya. Pizza here, pizza there, pizza everywhere and everyday!

Ako lang ang naiiba dahil kapwa sila taga subdivision kung saan katabi nito ang tattoo parlor. Walang mintis akong pumupunta rito hindi lang para mag-trabaho, para na rin takasan ang nanay ko na kompetensya ang tingin sa 'kin.

Nag-angat ako ng tingin sa entrance dahil sa pagtunog ng chimes. May pumasok na dalawang lalake, hindi sila magkamukha pero may isang pagkakatulad. Mga guwapo. Mukhang mayaman. May impact agad sa isang tingin pa lang.

"Good afternoon mga sir," bati sa kanila ni Charlemaigne. Napatawa si Angelov.

Katulad ng ibang mga first timers dito, nilibot agad nila ang paningin sa buong interior. Mumurahing ilaw lang ang nasa kisame pero bumagay naman sa puti nitong pintura. May mga posters ng mga tattoo designs sa pader kung saan may nakasandal nang bench bilang waiting area.

Kailangang lumiko sa hallway upang madatnan ang tatlong mga work rooms maliban dito sa work room ni Angelov na halos katapat lang ng pinto sa entrance. May sari-sariling full body mirror ang bawat kwarto at ang nag-iisang cr ay nasa pinakadulo ng pasilyo.

"Sinong available sa inyo diyan?" tanong ni Charlemaigne.

"Si Davina kakatapos lang sa isang customer," sumagot si Angelov.

"Babae?" tanong ng isang lalake na mas matangkad kesa sa kasama niya. Naka blue sando lang siya at may puting baseball cap. Tinanggal niya ito at pinasidahan ang buhok, nakangiwi. Sobrang init kasi sa labas.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon