"Hello?"



"Lumabas ka na naman." Hindi tanong yon nang nasa kabilang linya kundi konklusyon.



"Nagpahangin lang ako.." Sabi ko.



"Kasama sya?"



Kinagat ko ang aking labi, hindi ko alam kung paano sasagot.


"Uuwi na ako." Sabi ko na lang sabay baba ng kabilang linya.



"Salamat ngayong araw." Hinarap ko si Deuce at ngumiti sa kanya. "Uuwi na ako."



Tumango sya at nagpatiuna sa paglalakad.



"Hatid na kita.." Sabi nya ng malapit na kami sa kanyang sasakyan. Natigilan ako kaya kinailangan nya ako muling lingunin.



"Ayaw mo?" Tanong nya na mukhang malapit na namang mainis. His lips formed a thin line.



"Nakakahiya naman.."



"Sus! Ngayon pa nahiya! Maghapon na kitang nililibre tapos ngayon pa nahiya." Puna nya. Napayuko ako, si Deuce talaga walang filter...



"Saka yang lobo mo, puputok agad yan kapag nag-commute ka." Wika nya. Pinagmasdan ko ang lobo at napabuntong hininga ako.


Wala na akong nagawa kundi sundin sya. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan  at parang nagulat pa sya sa ginawa nya. Ayaw nya kasing maging mabait sa akin, nagpapanggap syang masungit lagi.

Kaswal akong sumakay sa kanyang sasakyan. Noong nagsimula na syang magpaandar, natahimik na ako. Matatapos na muli ang araw na ito. Ano kayang magiging dahilan ko sa susunod?



"Anong iniisip mo?" Tanong ni Deuce kaya napalingon ako. Pula ang ilaw ng stoplight.



Ngumiti ako "Madami.." Sagot ko.



"Sana naman sa 'madami' na iniisip mo kasama doon ang pagtuturo kung saan ang bahay mo." Sarkastiko nyang sabi. Napakamot ako ng ulo at napahiya.



"Malapit doon kila Aling Lelay.." Sagot ko. Nagmaneho si Deuce at mukhang natatandaan nya pa. Nang makarating kami sa Baranggay nila Aling Lelay tinuro ko naman ang daan papunta doon sa bahay ni Jolina.



Naabutan ko sa labas si Jolina na may hawak ng supot ng softdrinks at umiinom habang nakasandal sa may gate. Nakatingin sya doon sa mga binatilyong nagba-basketball na paborito nyang gawin tuwing gabi.



Akmang hahawakan ko na ang pintuan ng gumaya si Deuce sa ginawa ko.



Aksidente nyang nahawakan ang mga kamay ko dahil doon. Natigilan ako. Ganoon din sya. Nagkatitigan kami at kitang kita ko ang malalim na  paglunok nya.


"It's the same.." Bulong nya na parang wala sa sarili.



Ngumiti ako sa kanya kahit ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.



"O---O di ba parehas lang ng kamay ang mga burgis at jejemon!" Ngumisi ako sa kanya habang natatarantang binuksan ang pinto ng sasakyan.


Hindi ko na inintay na pagbuksan ako ni Deuce. Bumaba kaagad ako, kumuyom ang mga palad ko dala ng pagkatuliro.


Nagliwanag ang mukha ni Jolina pagkakita sa akin, mukhang namiss ako ng husto.





"Bak-----" Papatili na sya ng panlakihan ko sya ng mata at nginuso ang sasakyan ni Deuce.





TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon