Part 2.4

258K 6K 1.1K
                                    




The Truth.



xxDalisayxx




Naglakad ako bitbit ang mga lobo.



Nakakatuwa. Nakakatuwa panoorin habang nagpupumilit ito na umakyat sa langit pero nandoon ang kamay mo para pigilan ito kaya hindi sya makaalis.



Sumunod sa akin si Deuce habang masaya akong naglalakad sa gilid ng dagat. Lumapit ako sa tubig at dinama ng paa ko ang maliliit na alon.



"Tsk. Kung birthday mo, bakit ako ang kasama mo?" Sigaw sa akin ni Deuce, nakalayo na kasi ako at hindi nya ako nasabayan sa paglalakad.



Tumigil ako at humarap sa kanya ng nakangiti.



"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko.



"So pinapauwi mo na ako? Pagkatapos kitang samahan..." Kumunot ang noo nya at nagsalubong ang kilay nya. Natutuwa akong panoorin ang ganoong ekspresyon nya. Galit sya pero kunyari lang. Hindi naman nya ako maloloko eh.



"Akala ko gusto mo nang umuwi kaya ka nagrereklamo. Ang gulo mo talaga! Abogado ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya. He smirked, yung confident nyang smile nandon ulit. Natatawa na lang ako. Tuwang tuwa sya kapag mas magaling sya sa kapwa nya.



"Ang pinakamagaling na abogado na makikilala mo!" Sagot nya pagkatapos nagjogging sya patungo sa dirkesyon ko. Kaswal lang ang damit nya, shorts at tshirt na black, leather slip ons na kulay brown. Yung buhok nya hindi masyadong maayos, parang hindi nya binabantayan ang pagtubo.



"Magpagupit ka na. Hinahangin na ang buhok mo." Puna ko. Tinaasan nya ako ng kilay.



"Anong paki mo?"



"Wala." Nagkibit balikat ako at nilagpasan sya sa paglalakad.



"A---Ano? Wala kang paki?!" Paniniyak nya,



"Gusto mo ba may paki na lang ako?" Natatawa kong tanong sa kanya.



"Hindi! Yung boyfriend mo na lang na kalbo ang pagtuunan mo ng pansin. Siguro kaya kalbo yon dahil gusto mo yung mga walang buhok."



Natawa ako. Muntik ko nang makalimutan na pinakilala ko nga pala sa kanya si Jolina bilang boyfriend ko. Inis na inis sa akin si Jolina noong araw na yon, buti na lang at umalis ako sa apartment namin ng ilang linggo kaya nakalimutan na ni Jolina ang kasalanan ko.



Pinagmasdan ko si Deuce na hinahati ang tubig sa kanyang paghakbang. Mababagal ang kanyang lakad kaya kitang kita ko ang swabe ng kanyang kilos. Kahit nakapamulsa sya, kitang kita ang hubog ng kanyang malapad na likod na parang masarap sandalan.


"Deuce." Tawag ko sa kanya. Huminto sya sa paghakbang at lumingon sa akin. Hindi sya sumagot pero iniangat nya ang dalawang kilay nya. Unti unting napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagtambol ng puso. Ang kapal ng kilay nya, mapula ang mga labi at matangos ang ilong. Madilim kung tumitig ang mga mata nya na parang laging galit kaya nakakatuwa kapag nakakayang magpatawa ng kagaya nya kahit hindi nya sinasadyang maging katatawanan.



"Ayaw mo ba talagang maging business partner ko?" Pinipigilan kong matawa lalo na nakita ko na naman ang pagsimangot nya ng husto. Ang cute cute!



"Hindi nga! Wag mo nang---"


Hindi nya natuloy ang sasabihin nya dahil tumunog ang cellphone ko. Tumalikod ako kay Deuce para kunin ang tawag. Narinig ko pa ang pag'Tsk' nya.




TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon