eighteen - one bottle

1.2K 75 41
                                    

note - hiiii landiang cari x ark na naman 'to letche hahaha anyway thank you sa inyong lahat mahal na mahal ko kayo chareng omg 

___________________________________________________

          Naisipan ko munang lumabas ng Arctic Castle pagkatapos kong maghapunan. Medyo matagal-tagal na rin kasi mula nung huli akong naglibot-libot sa White Woods kaya doon ako dumiretso. Naalala kong may wolf race next week na unfortunately ay hindi ko masasalihan nang dahil sa pagti-training ko. Hindi rin ako makakanood dahil nga kailangan ko ring mag-aral. Mag-aapat na buwan na lang mako-koronahan na ako kaya kailangan ko talagang magpursige at magsipag.

          Habang naglalakad ako, bigla akong hinarang nila Jules at Van. Akala ko talaga nung una mga knightguards 'yun pala sila lang dalawa. Kung paano nila nalamang nandito ako? Hindi ko alam. Siguro pare-parehas lang kaming nangungulila sa katahimikan ng lugar na 'to.

          Tumakbo sila papunta sa'kin. Una kong nakita ang excited na si Jules. Malayo pa lang siya natanaw ko na 'yung kaputian ng mga ngipin niya habang nakangiti siya ng malawak. Naalala ko tuloy 'yung bouquet ng carnation na pinapabigay niya kay Laurice. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ang ganda pa naman ng ngiti niya. Sayang lang at kailangang ako pa ang mag-alis 'nun sa mga labi niya.

          "Carita! Kahapon pa kita inaabangan sa palasyo ah. Nagkasakit ka ba?" Tanong ni Jules nung makarating sila sa harapan ko. Napatingin ako kay Van na hingal na hingal at hinahabol pa ang paghinga habang nakatukod ang magkabilang palad sa mga tuhod niya.

          "Okay lang ako," maikli kong sagot.

          Napangiti si Jules at mas lalo pang lumapit sa'kin. Nung una hindi niya alam kung paano niya sisimulan 'yung sasabihin niya dahil siguro sa hiya. Kung hindi lang talaga ako nalulungkot baka natawa na ako sa mga galawan niya. Bihira kasing mahiya 'tong ulupong na 'to.

          "Ano... nabigay mo ba?" Pasimple niyang tanong.

          Gustuhin ko mang magkunwaring masaya at magsinungaling sa kanya, sa palagay ko naman eh kitang-kita na sa mukha ko ang katotohanan. Atyaka malalaman at malalaman din naman niya ang tunay na kulay ng Miss Universe niya. Kapag nagkaroon siya ng lakas ng loob pormahan si Laurice Noe makikita niyang hindi siya 'yung klase ng babaeng pinapangarap niya. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin siya mapo-protektahan laban sa lungkot.

          "Jules, hindi eh."

          "Bakit hindi? Hindi niya tinanggap? Hindi ba niya nagustuhan? Pangit ba? Kulang ba? May iba ba siyang gustong bulaklak?" Sunod-sunod na pag-ambon ng mga tanong niya.

          "Hindi niya kasi deserve eh. Jules, alam kong hindi ka agad maniniwala pero mata-pobre si Laurice. Hindi siya nagkakagusto sa mga katulad..."

          Napatigil ako at napatingin sa kaibigan ko. Akala ko makakakita ako ng matinding lungkot o kahit konting luha man lang pero napangiti lang si Jules. 'Yung ngiting alam mong tanggap niya ng talo siya? Naguluhan ako pero mas labis na nadurog ang puso ko sa ipinakita niya. It sucks that I'm going to be the queen, the protector of the realm, but I can't protect the people I love. Not from this.

          "Jules?" Sambit ni Van sabay lapit sa kaibigan. Inilagay niya ang kanang kamay sa kaliwang balikat nito habang nakatingin sa kanya.

          "Alam ko naman eh. Alam kong ganon siya," mahinang sabi ng magsasaka.

          "Alam mong mata-pobre si Laurice?" Tanong ko.

          "Carita, araw-araw akong nagtratrabaho sa Market Place. Mga bilihin lang ang mahal dun pero ang mga chismis? Libreng-libre," natatawa nitong pahayag. "Nagbaka-sakali lang naman akong hindi totoo. Umasang hindi talaga siya ganon."

IcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon