____________________________________________________
"Louieeee!"
Nag-about face ako sa akmang pag-akyat sa hagdan. Kakatapos lang naming magdinner nun.
"Bakit Kuya J?"
Narinig ko ang hagikhik ni Kuya K. Nang-asar na naman ang isang 'to.
"Ano'ng bakit? Sa library. Dali. Di ba usapan natin may two hours of review bago matulog?"
"Yung homeworks ko, proje-"
"Alam kong natapos mo na sa school ang mga yan. Dali na. Isipin mo na lang na magagamit mo din 'to sa pagkuha ng exam sa Canada. It's still knowledge."
"May quiz bee ako nextweek Kuya!"
"Edi mas mabuti para mahasa pa ang utak mo."
Napapadyak na lang ako sa frustration. "Hays buwi-!"
"Sports car! Sports car! Sports car!" Pagcha-chant naman ni Kuya K na ang sarap ding tirisin.
Nanlulumong bumaba ako para magtungo sa library at umpisahan ang mga reviewers na talagang hinanda pa nila Kuya in preparation sa UPCAT exam. Saan kaya nila nakuha ang mga 'to?
Potek. Hindi naman ako pinipressure ni Mama sa entrance exam ko sa Canada ah?! Tos eto?! Eto?!
Arrgggghh!
Laging ganito ang eksena sa bahay. Isang buwan na akong pinagrereview ni Kuya at naiinis na ako. Napapagod na ako. Gusto ko ng magbigti! Hindi ba nila alam na madami din akong inaasikaso sa school? Ang mga laro ko, ang pagiging officer, ang pagsali sa mga contests, ang daily quizzes, lessons, projects...
Aaaah! Ayoko na!
"Louie, ano'ng ginagawa mo diyan? Ba't hindi ka pa natutulog?"
Napalingon ako kay Tita Ayessa na kakapasok ng library at may dalang gatas. Kaya siguro napapunta dito kasi wala ako sa kwarto.
"Sandali na lang po 'to Tita."
Sinipat nito ang nagkalat na reviewers at napakunot noo ito sa nakita. "Ba't ka nagrereview ng UPCAT? Sa Canada ka naman mag-aaral ah."
"Ah ano po kasi... Sabi ni Kuya J... ano.. teka po..." Mabilis kong tinawagan sa cellphone si Kuya J na humahangos na pumasok sa library. Kulang na lang talaga sumigaw ako.
Bahala nga siyang mag-explain kay Tita Ayessa. Sabi niya mag-exam lang ako eh. Ayoko na magsinungaling. Makakarating na naman 'to kay Mama.
"J, ano 'to? Bakit siya nagrereview ng UPCAT?"
Swabe namang nagpaliwanag si Kuya J na halatang napaghandaan na niyang magaganap ang pagkokomprontang iyon.
"Tita kasi nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan ko. May kapatid kasi siyang kumuha ng entrance exam sa Ontario tapos naghiram ako ng reviewers. Ayan lahat binigay niya eh. Very helpful daw nung kumuha siya ng exam. Pumasa eh."
Tumango tango naman si Tita Ayessa sa narinig. "Eh bakit ang aga naman niyang magreview?"
"Ayos lang yan Tita, para ma-train na siya. After next month, hindi na naman siya muna magrereview eh, di ba Louie?" Kumindat pa si Kuya J sakin.
Tahimik lang akong uminom ng gatas.
"Hmm. Mainam kung ganun. Magagalit si Louise kapag nalaman niyang masyado na namang nagsusunog ng kilay yang si Louie." Hinarap na ako ni Tita Ayessa. "Louie, umakyat ka na. Alas onse na. Ubusin mo na yang gatas at may pasok ka pa bukas."
Dali dali ko namang inimis ang mga gamit at nagkukumahog ng umakyat.
"Good night Tita. Good night Kuya J."
Nabasa ko pa ang text niya sakin bago tuluyang humiga ng kama.
From Kuya J:
You know how important this is for me Louie.
I'll expect you to do your best and I won't break my promise as well.
Sleep well lil sis. :)
Wow ha? Parang akala mo naman ganun lang kadali mag-UPCAT at isang napakalaking kasalanan kapag hindi ko ginawa nag best ko. Maka-pressure talaga!
Hays. Promises. Humanda talaga siya kapag hindi niya tinupad ang pangako niya.
***
Ateneo University MVP Building
Bakit ba ako nandito ngayon? Actually kasama ko ang isa ko pang kaklase na siyang representative ng school namin sa Science Quiz Bee at ang dalawang coach namin. Tig-isa kasi kami. Ako yung sa Math Quiz Bee naman.
Nagulat ba kayo na hindi ako ang sa Science Quiz Bee? Kasi ganito yun, sumabay kasi ang Science and Math quiz bee competition kaya isa lang ang pwede kong salihan. Pinili ko ang Math syempre dahil kahit hindi ako masyadong nakakareview doon ay alam kong makakaya kong makipagcompete dahil halos formulas and solving lang naman. Sayang nga wala sina Charlie at Chang para i-cheer ako. Pano, excuse lang talaga yung magco-compete.
Halos lahat ng schools ay nandoon.
At dahil halos sabay nga ang competition ay magkasabay ding natapos iyon. Maluha luha pa ang coach ko ng maipanalo ko ang quiz bee. Napakain daw namin ng alikabok ang UPIS at Pisay. Syempre, dapat lang makuha ko ang gold trophy. Ga-graduate na kaya ako. So dapat I made a legacy di ba? Hahaha.
Tapos ayun, nakakalungkot lang dahil 3rd lang kami sa Science quiz bee. First daw kasi yung Pisay dun at second naman ang UP Intermediate School. Nagyabang pa nga ang coach ko na kung hindi lang daw nasabay ang competition baka nauwi namin ang dalawang gold trophy. Like duh? Maawa naman sila sakin, ilang gabi na kaya akong nagpupuyat! Konting awa naman! Pero ayos lang naman sakali kasi lagi naman kaming nagrereview sa Science simula ng inapproach ako ng principal namin bago mag-end ang third year.
Pero dapat lang naman talagang manalo ang Pisay sa Science di ba? From their school itself, pressure sa kanila yun! Pangit naman kung natalo pa sila eh forte nila dapat ang Science. Hahaha. Uy no offense ha? Iyan ay opinyon ko lang naman po. Hehe.
"Excuse me."
Napatingin ako sa lalaking nakasalamin na nagsalita. Tumigil pa talaga sa harap ko kaya lumingon lingon ako at tinuro ang sarili. Wala naman siyang kasama. Pero nakita ko ang logo ng uniform niya. Pisay.
Ako ba talaga kausap nito?
"Louie, ikaw nga yata haha," natatawa namang sabi ni Cassey na kaklase ko tapos bumulong sakin. "Ang cute niya in fairness. Siya pala ang representative ng Philippine Science. Kalaban ko yan kanina. Super genius grabe!"
Napataas ang kilay ko sa narinig. So kailangan kong magcongrats? Eh ano naman kung cute siya? Hindi naman kami humaharang sa daraanan ah? Sa katunayan, hinihintay na lang namin ni Cassey ang mga coach namin at uuwi na din kami.
"Yes?" Napilitan kong tanong sa lalaki dahil hindi pa rin umaalis. Ano ba kailangan nito?
"So ikaw nga si Louie. Louie Antoinette Kwok right?"
Narinig ko ang pagsinghap ni Cassey sa tabi ko. But I have no time for that.
Nagsalubong talaga ang kilay ko sa narinig. Paano niya ako nakilala? Stalker ba 'to?
"Oh sorry kung natakot kita sa sinabi ko. I was informed na ikaw ang makakalaban ko sa quiz bee and I was disappointed na hindi. Kayo lang naman kasi ang naka-Uste uniform so I assumed na ikaw nga si Louie dahil yung kasama mo ang nakalaban ko kanina."
Hindi pa rin ako nagsalita. Sino ba 'to? Pakialam ko sa disappointments mo. At ang dami mo ng assumption! Bakit di ka dun mag-aral?
Bahagya itong napangiti maya-maya.
Pero bakit hindi friendly yata ang dating ng ngiti niyang 'yon?
"You weren't informed, I see." Tumatango-tango pang sabi nito.
"Don't talk in riddles." Tanging nasabi ko.
Kanina pa ako nagtitimpi sa paunti-unti niyang linya eh. Kakabadtrip. Baklasin ko yang salamin mo sa mata eh.
"I'm Dale Anthony. Angelo's younger brother-"
So?
"-and you are J's sibling right?"
"Cousin." Tanging nasabi ko.
"Bakit hindi mo sabihan ang pinsan mo na magbackout na lang sa pustahan?"
Literal talaga akong nagulat. What a small world! Ngayon ko lang din nalaman na lalaki pala ang kapatid ng karibal ni Kuya. Sayang, he's REALLY cute. Kaso tunog asshole din.
Anyway...
"Ah. Okay. I heard solong anak ka nga pala. But, no father?" Umubo ito ng bahagya habang napakuyom naman ako sa sinabi niya. "Sayang hindi tayo ang magkalaban sa quiz bee kanina. I was itching to defeat you."
Natawa na ako ng mapakla. Bakla ba 'to? Kalalaking tao madaming sinasabi.
"My cousin told me you're an achiever yourself. Ikatutuwa mo talaga ang matalo ako? Sorry ha, nagkataon kasing sumabay ang Math at Science. Malay ko ba na sa Science ka nagrepresent. Di ka kasi nagtext eh. Math tuloy napili ko."
Narinig ko ang hagikhik ni Cassey sa sinabi ko.
He's bitching me out! And I can't stand it anymore! Swerte siya. Ang yabang talaga!
"I was told that you're a prodigy yourself, but that remains to be seen," seryoso namang pahayag nito.
Bahagya ko siyang nilapitan bago kalmadong nagsalita. "Dude, chill. Masyado ka ng below the belt eh. Magkano ba suhol sayo ng Kuya mo? 200K din ba? Pwes para sabihin ko sayo, hindi ako magpapakamatay para lang doon. Mahal ko lang ang pinsan ko kaya kukuha ako ng exam kahit napakababaw ng rason na sinimulan ng mas mababaw mong Kuya. You see? Ni hindi ako mag-aaral sa UP. Paki-research nga ng top school sa Canada para malaman mo kung saan ako mag-aaral..."
Potek. Nakakainis na kasi. Hindi ko naman ugaling magyabang kung hindi mayabang ang kaharap ko. Hays.
Tila wala itong pakialam sa sinabi ko. "Compensatory mechanism huh? You don't have a complete family that you wanted to excel so much in academics. We'll see when the results come out. The exam will be next week anyway. Good luck!"
The faak? Bakla nga yata 'to eh! Lalaki ba talaga 'to?!
Pinilit kong ngumiti at magtimpi. Jusko naman, naka-uniform pa ako at nasa ibang school ako ngayon. Baka sumikat ako bigla kapag binangasan ko 'tong gagong 'to.
Hinawakan ko ang braso niya ng akma siyang aalis. Ano siya?! Ako dapat ang may huling halakhak. Hindi pwedeng siya!
"Granted I don't have a father. As a result, I don't have a complete family. But dude, that's just the beginning of my story. And that doesn't make me who I am. Don't be such a jerk and act your age. Masyado kang mayabang. I think hindi ka masyadong nagfocus sa Social Graces lesson mo. Or does your school even offer that? Or are they just unfortunate to have you as their student?"
Akmang sasagot ito ng itaas ko ang kamay sa harap niya. Duh. Halos isang dangkal lang naman ang tangkad niya sakin. I'm 5'7 anyway.
"Nah. Hindi mo kailangang sumagot. I already know the answer to my own questions. I'm a prodigy remember? You can now go to your destination which I am not really interested in... whether it's in hell." I smiled at him victoriously bago hinila ang kamay ni Cassey na kanina pa naguguluhan sa palitan namin ng salita.
"Ano ba pinagsasabi non Louie?"
"Huwag mo na lang pansinin. Baka sa sobrang talino niya kung anu-ano na ang naiisip."
Tae siya. I speak fluent bitch and sarcasm too.
Pero tae ulit, na-pressure na naman ako ng gago! Humanda talaga siya. Ginagalit niya ako grrr.
Kinuha ko ang cellphone para tawagan sana si Charlie ng mahimasmasan naman ako kaso husto ding tumatawag ang unknown number na laging tumatawag sakin. Sinagot ko yun bago dumistansya kay Cassey at naghanap ng medyo tahimik na lugar.
Aha! Galing mo pang tumayming ha?! Sayo mabubunton ang hagupit ng inis ko ngayon!
"Ano ba? Kung wala kang balak magsalita pwede ba-"
"A-Anak..."
Natahimik ako bigla. Wow ha? Isang bagsakan lang ba talaga ang bad vibes sa araw na 'to? Naman. Okay lang namang instalment eh. Hays.
"Hindi mo ba talaga mapapatawad ang Papa? Hindi ka man lang ba makikinig muna sasasabihin ko? Yaman din lang na ayaw mo akong makita, maaari bang makinig ka nalang sakin?"
Napalunok ako bago pikit-matang hinintay ang iba pang sasabihin nito.
"Pinagsisisihan ko na ang lahat anak..."
Yeah right. Ilang beses mo nang sinabi yan.
Dinig ko na ang hagulgol nito sa kabilang linya. "Alam kong wala na kaming pag-asang magkabalikan ng Mama mo pero sana naman huwag mong isarado ang puso't isip mo sakin... Nagkamali ako. Nagkamali ako ng sabihin kong mas mainam na lalaki ang naging anak ko. Nagkamali ako ng pinabayaan ko kayong mag-ina ko. Nagkamali ako ng hinayaan kitang lumaki ng wala sa tabi ko. Nagkamali ako anak. At sising sisi ang Papa..."
Nagkamali ka naman talaga. Mabuti alam mo.
Sa nakapikit na mga mata ay bumalik na naman sa alaala ko ang pambubuska sakin noong bata ako.
Ay wala kang Daddy? Lame.
Putok ka daw sa buho sabi ng Mommy ko, totoo ba yon?
Hahahaha. Matalino nga, wala naming ama. Pathetic.
Ano ngayon kung maganda ka? Nasaan ang parents mo?
You're still a bastard daughter. Are you even sure your parents were married?
Ang panahon na napilitan si Mama na iwan ako at nagmakaawa akong huwag siyang umalis sa tabi ko.
Mamaaaaa! Mamaaaa! Huwag mo akong iwan Mamaaaaa!
At ang sinabi ng Dale na yon kanina...
Compensatory mechanism huh? You don't have a complete family that you wanted to excel so much in academics...
Galit. Tanging galit ang naramdaman ko sa pagbabalik-tanaw at sa nanlilisik na mga mata ay pinutol ko ang paglilintaya ng kausap.
"Nagsisisi ka? Masakit? Pwes magdusa ka."
Hindi ko na napansin na halos dumugo ang kamay ko sa pagkakakuyom niyon.
Fuck. Kailangan ko na yatang magpatingin sa psychiatrist.
Pero uunahin ko munang harapin 'tong Dale Anthony na 'to.
Wala palang ama ha?
Then sisiguraduhin kong hinding-hindi mo makakalimutan ang bawat letra ng pangalan kong gago ka.
BINABASA MO ANG
Miss Astig
Teen FictionPUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75php. Please do grab a copy guys! Thank you and God Bless. :) Note: Also available in all National Bookstore nationwide starting this July...