Chapter Two

1M 27K 11.7K
                                    

This chapter is dedicated to one of my favorite readers @alegnagger 

Promise God, magpapakabait na ako. Bigyan niyo lang po ako ng love life. Binabawi ko na yung sinabi ko noon na gusto ko ng mala-Brad Pitt, mayaman, matipuno, mabait at maalagang boyfriend. Kahit average looking na lang, kahit hindi mayaman basta kaya akong buhayin, basta matinong lalaki pwede na. Sige na naman, Lord. Napapaglipasan na ako ng panahon. Ako na lang ang walang pamilya sa amin magkakaibigan. Baka mag-menopause na ako hindi pa rin ako nagkakaron ng boyfriend.

Naalantana ang pagdadasal ko ng may umupong magnobyo sa harap ko. Umakbay ang lalaki sa girlfriend niya at nag-usap pa ang dalaw. Kayo na, kayo na ang may love life. I rolled my eyes. Ginawa pang Luneta itong simbahan. Nag-sign of the cross na ako at tumayo mula sa pagkakaluhod.

Kalalabas ko lang ng simbahan ng biglang tumunog ang phone ko. I rummaged through my bag for my phone. Nang makuha ko iyon ay tinignan ko ang screen, isang hindi pamilyar na number. Naisip ko na siguro nagpalit na naman ng number ang isa kina Rose kaya sinagot koi yon.

"Miss Perez." I heard a voice of a man at the end of the line. Aba, ang bilis naman sagutin ni Lord ang dasal ko.

"Sino 'to?" Tanong ko.

"I'm Seth. Ang may ari ng kotseng binangga mo a few days ago, remember?" He asked. Napasimangot ako. Yung impaktong hambog na iyon! Akala mo kung sino, porque maganda ang kotse niya at gwapo siya at mabangon siya feeling niya pwede niya na akong maliitin. "I'm outside your house."

Kumunot ang noo ko. Nasa labas siya ng bahay ko? "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Stalker ka, 'no?"

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Dream on, miss Perez. Nasa akin ang driver's license mo kaya alam ko kung saan ka nakatira."

Kaya pala hindi ko makita ang license ko dahil nasa impaktong iyon pala. Naalala kong kinuha pala niya sa akin iyon para tignan pero hindi niya na binalik. Hindi ko na binigyan pansin ang pagkawala ng license ko dahil wala na rin naman akong kotse. Binenta ko na ang kotseng iyon at syempre dahil may sira na lalo pang bumaba ang value. Matagal ko na gustong ibenta ang kotse ko dahil nag-iipon ako ng pera para sa pagpapatayo ng boutique. Pero dahil sa aksidenteng nangyari lalo mukhang malabo pang manyari iyon.

"Ano bang ginagawa mo d'yan?" Tanong ko.

"Kailangan natin pag-usapan ang mga babayaran mo sa pagpaparepair ng kotse ko." Sabi niya. "Where the hell are you?"

I let out an annoyed huff. Gastos na naman! "Hinatayin mo ko. Pauwi na ako."

Ibinaba ko ang phone at tumawag ng taxi. Malapit lang ang bahay ko sa simbahan kaya wala pang sampung minuto ay nakauwi na ako. Nakita kong nakaparada ang isang blue na convertible car sa harap ng bahay ko at nakababa ang hood nito. Prenteng nakaupo ang lalaki sa loob ng kotse. Huminto ang taxi sa harap at napalingon siya sa gawi ko. Nagtama ang mga mata naming at nakasimangot na tinignan niya ako. Binayaran ko ang driver at bumaba ng taxi.

"Kanina pa ako naghihintay dito." He said, getting out of his car. Sa tono ng pananalita niya parang kasalananan ko pa.

"Malay ko bang pupunta ka. Sana man lang, di ba, nagsabi ka?" Inirapan ko siya. "Paano pala kung galling pa ako sa malayo."

"Yeah, nice to see you too, Miss Perez." He said, sarcastically.

Tumaas ang kilay ko. "So, mag-usap na tayo."

"Hindi mo ba ako aayain sa loob ng bahay mo, aalukin ng maiinom?" He said.

"Fine." Umikot na na naman ang mga mata ko. Naglakad ako papunta sa pinto at nakasunod siya sa akin. Nilabas ko ang susi ko at binuksan ang pinto ng bahay. He went inside my house like it was his own and immediately sat on the sofa. Ang antipatiko, mukha ngang mayaman wala naman manners. Tinaas pa ang paa niya sa coffee table ko.

The Pregnant VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon