Kabanata 2

418K 9.4K 546
                                    



"Hindi mo na ginagamit ang sasakyan mo?"

"Sinoli mo na ba?" Sumubo muna ako ng pagkain bago sinagot si Daddy. It's been a month simula noong sabay kami ni Raeven sa pagpasok at pag-uwi, I missed half of my classes pero wala akong pakialam. Para akong kadugtong ng bituka nya. Kahit wala nga akong pasok, sumasabay pa din ako sa kanya. Of course she wouldn't know na wala akong klase. Weirdo na nga ang tawag nya sa akin pero wala akong pakialam dahil nakikipagkwentuhan na din sya sa akin.

"I did, last week."

Nagkibit balikat ako, hindi ko na gagamitin iyon. Kahit mas mahal pa sa gasolina ang binabayad ko kay Raeven, ayos lang.

Ngayon nga ay wala akong pasok, aantayin ko lang sya hanggang uwian nya para magsabay ulit kami sa MRT. Nagpapalipas lang ako sa library para hindi naman ako mainip.

Tumingin ako sa orasan ko nangmakarating ako sa estasyon. Dalawampung minuto nang late si Raeven, hindi tuloy ako mapakali. Nasan na kaya yon?

Ilang minuto pa ang lumipas nang makita kong humahangos si Raeven patungo sa direksyon ko.

"Sorry Deuce." Yun ang unang lumabas sa labi nya. She looks apologetic, pero nagulat ako sa suot nya, nakauniporme sya ng pangfastfood.

"Hindi ako makakapasok ngayon dahil yung kapalitan ko ng shift may sakit. Kinuha ko ang slot nya kasi sayang naman, pandagdag din sa gastusin namin ni Nanay."

Nakaramdam agad ako ng awa. Siguro kailangan kong dagdagan ang ibinabayad ko sa kanya araw.

"S-sorry talaga. Halika na." Humawak sya sa braso ko, I felt an electricity the flowed through my veins. T*ngina ang corny pero totoo.

Paulit ulit akong tiningnan ni Raeven habang nasa loob kami ng tren. I smiled at her, she looks worried.

"Bakit?" I asked.

"Baka malate ka, kasalanan ko pa."

Nakunsensya naman ako agad nung tingnan ko yung maamo nyang mukha, parang anghel, pucha.

"O-okay lang. Nagtext yung Professor ko, namove naman yung klase ko."

Ngumiti sya agad. "Talaga?"

"Oo. Ikaw? Papasok ka pa?"

"Yung unang klase ko hindi na, sobrang late na din eh, sa next class ko na lang ng alas-dos."

"Great. So kain muna tayo pagkababa natin? Gutom na kasi ako eh."

Dinala ko sya sa sikat na Burger stand na malapit sa school namin, hindi pa daw sya nakakakain doon dahil mahal daw. Para sa akin ay hindi naman, kung pupwede ko lang syang dalhin sa fine dining gagawin ko, yun kasi ang deserve nya. Kaya lang, paiguradong tatanggi sya. Ang sa akin naman, kahit saan basta kasama ko sya, ayos na ako.

"Ang dami naman nito.." She smiled.

"Kumain ka lang, masyado kang payat."

"Payat? Hindi naman." She said pagkatapos ay ngumiti sya kasabay pa ng pagliit ng mata nya.

"Nagtatrabaho ka pa pala?" Kaswal na tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng catsup.

Tumango sya habang ngumunguya, "Oo. Yung nanay ko kasi walang trabaho, kaming dalawa na lang sa mundo. Gusto kong makapagtapos kaya pinipilit ko kahit parang imposible."

She said casually. Wala man lang akong nakikitang frustration sa mga mata nya, she looks dedicated and knows what she wants. Lalo akong nakaramdam ng paghanga sa kanya.

"Hindi ka ba nahihirapan?"

Ngumiti sya muli at umiling. "Mas mahirap kung hindi ko matatapos ang pag-aaral ko. Dalawang taon pa."

TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon