Thirty Six

49.2K 876 75
                                    

_____________________________________________________

“R-Ray… Please…”

Nagmamakaawang pakiusap ko dito habang naglalakad sa park ng school. Hindi ko na talaga kasi kaya. Gulung-gulo na ako kaya kinausap ko na siya. Ilang linggo na akong hindi kinakausap ni Kuya J. Nagtatampo pa rin yata siya sakin. Ilang linggo na din akong nasasakal kay Ray. Masyadong clingy. Masyadong mabait. Masyadong sweet. Masyadong OA. Wala ba yung sakto lang? Kaya naisipan ko ng kausapin siya para makipaghiwalay na dito. Kaso ayaw niya talaga.

“AYOKO! AYOKO!” Malakas na tanggi nito.

“Eh kasi—”

“AYOKO NGA SABI EH! HINDI AKO PAPAYAG!”

“Alam mo namang—“

“AYOKO NGA EH!”

Hindi na ako nakatiis kaya binatukan ko siya. Muntik na tuloy matisod sa paglalakad. Saree naman napalakas. Hahahaha.

“Edi huwag ka! Leche. Patapusin mo kaya muna ako?! Nakakabanas ka na ha?! Kung aya—“

“LOUIEEEE!!! Huhuhuhu..” lumuhod ito bigla sa harap ko at niyakap ang mga tuhod ko.

ANO NA NAMANG PAKULO ‘TO?!

Sa totoo lang naaawa na natatawa na ako sa adik na to. Nahihirapan na talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ako pinanganak na masokista. Like hello?! Hindi bagay sakin yon, tae. Hahaha.

Nang tumaas ang tingin ni Ray sakin ay nakita kong umiiyak na pala siya talaga. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Huwag niya naman akong dramahan ng ganito!

“Louie parang awa mo na please. Huwag kang makipaghiwalay. Gagawin ko lahat ng gusto mo…” pagmamakaawa nito sakin.

“Ray, makinig ka. Hindi talaga ako deserving sa pagmamahal na yan. Mahal kita. As a friend. Alam mo yan sa umpisa pa lang pero sinubukan ko kasi sabi mo give you a chance diba? But see? It didn’t work out. Ayokong pinapababa mo masyado ang sarili mo para lang sa relasyong ‘to na obviously ay one-sided na. Masaya naman tayo dati bilang magkaibigan diba?”

“Louie hindi ko talaga kaya. Mamamatay ako pag wala ka..” hagulgol nito kaya napabuntong-hininga na lang ako.

E ANO NGAYOOOOOON?! Problema mo na yan dude!

OA ampotek. Sarap saksakin sa kakornihan ng matuluyan na. Tsss.

“Tumayo ka nga diyan,” sabi ko dito sabay hila sa kanya pero hindi pa rin tuminag sa pagkakaluhod.

“Ayoko! Hindi ako aalis hangga’t hindi mo binabawi ang sinasabi mo,” matigas na tanggi nito.

Qoutang-qouta na ako sa kaka-‘ayoko’ ng damuhong ‘to eh.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon