____________________________________________________
"Magkano po ang ice cream? Yung sa sugar cone po ha?"
"Fifteen po. Chocolate flavor kami ngayon," sagot ng cashier.
"Nice. Sige isa po, salamat."
Nasa Mini Stop ako ngayon malapit sa school. Dito ako nagpahatid kay Tatay Tonyo pagkatapos ng Aikido class ko. Actually, sa school talaga ako binaba ni Tatay kanina. Paalam ko kasi sa bahay, my meeting kami ngayong Sabado hanggang hapon. Sorry nagsinungaling ako ng konti. Hehehe.
Akala ko nga di ako papayagan eh. Pero sabi ni Tita wag lang daw gabihin. Basta sa bahay daw ako magdi-dinner. Ibig sabihin hanggang 6-7pm lang talaga ako. Di bale, 9:30am pa lang naman dahil 3 hours lang class ko kanina. Ten pa ang usapan namin ni Aidan kaya mga 30 minutes pang paghihintay. Nagtext pa nga si Charlie kaninang umaga at tinutukso ako sa date namin ni Aidan. Wala talagang magawa sa buhay. Mabuti na lang at busy sila ni Chan-Chan sa paggawa ng kung anu-anong pakulo sa pangangampanya kay Kuya Ano kaya hindi ako makulit ng matagal. Hahaha.
As usual, twenty pesos lang ang baon kong pera kaya nagtyaga akong maghanap ng murang bibilhin. Wala kasi sa 7 eleven eh. Nagtext na lang ako kay Aidan na itext niya ako pag malapit na siya sa school. Hindi ko feel ang mga tumatambay sa loob ng store. Kahit Sabado pala ang dami pa ring tao dito. Kaya naman napagpasyahan kong lumabas at doon ubusin ang ice cream. Tumambay ako sa bench na malapit sa gate ng school habang nagsa-soundtrip. Busy ako sa pagpipili ng magandang music sa playlist ng ipod ko ng my maramdaman akong tumabi sakin at nagsalita.
"Holdap to. Akina yang cellphone at ipod mo, dali!"
Nilingon ko siya. Bahagya lang akong kinabahan. Ewan ko ba bakit hindi ako mabilis masindak. Kasi naisip ko din baka joke lang to eh. Nasa public place kaya ako tos medyo may mga tao pa naman. Naramdaman kong may dinudutdot siya sa kilid ko. Hindi ko pa rin siya pinapansin at patuloy lang inoobserbahan habang kumakain ng ice cream. Hindi ko pa kasi binibigay hinihingi niya. Heller! Masaya siya ha? Eh akin yun!
According sa training, to fully execute a perfect technique, one must concentrate and focus on the situation. You should be fully aware on the gestures and movements of your opponent.
"Oy, ano ba! Ang sakit na ng tagiliran ko, ano ba yan?!"
Itinaas nito ang hawak na kamay at nakita ko ang baril niya. Tinutok na niya sa sentido ko. "Ibibigay mo ba ang cellphone at ipod mo o pasasabugin ko na lang yang bungo mo?!" Naiinis na sabi nito. Alam kong madami na din ang nakakakita ng pangyayari pero tila walang pakialam ang mga tao sa paligid. Grabe! Mamamatay na ako sa harap nila wala man lang ni isa ang balak tumulong? Di bale.
Kung nainis siya, mas nainis ako. Wag na wag niya akong sisindakin porke't may hawak siyang baril!
"Di pasabugin mo," ginaya ko ang tono niyang magsalita. Hindi niya siguro inaasahan ang sasabihin ko kaya medyo nabahala siya. Pero dahil sa panic siguro, mas tinutok pa niya ang baril sa sentido ko. Sa sobrang inis ko ay tinabig ko ang kamay niya at ginamitan ng Aikido technique.
BINABASA MO ANG
Miss Astig
Teen FictionPUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75php. Please do grab a copy guys! Thank you and God Bless. :) Note: Also available in all National Bookstore nationwide starting this July...