25. Beast Mode
Tatlong araw ang nakalipas noong tiningnan namin sa microscope ang mga maliliit na parang mga botete. Grabe, kay Domeng ang pinakamaliksi. Sinundan ng kay Miguel at huli ay kay George. Nakakatuwa dahil ang bibilis nilang lumangoy. Hays, ano kayang pwede gawin ngayon? Wala kasing pasok at natapos na rin naman akong maglinis ng mga kwarto nila.
Wala si Domeng sa bahay. May inaasikaso raw siya. Si George naman ay hinihintay ko dahil iuuwi niya na raw si Coffee sa bahay. Ayos na kaya ang lagay ni Coffee? Sana ay nakakatahol na siya ng malakas. Napapansin ko rin kasi na nag-aalala si George sa aso niya.
Si Miguel? Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nagpaalam siya kagabi na may aasikasuhin din daw siya. May dala pa nga siyang isang malaking bag na may laman ng dalawang t-shit, shorts at underwear niya. Ako kasi ang nagpresinta na magtupi at mag-ayos ng bag niya. Ang sabi niya sa akin ay babalik daw siya ngayon.
Mag-isa ako sa bahay at wala akong magawa kung hindi manood ng teleserye. Biglang tumunog ang telepono ko, tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag. Si Domeng. Sinagot ko ito kaagad dahil malapit na akong maloka dahil ako lang mag-isa ngayon sa mansyon.
"Is Rafael home?" tanong niya.
"Hindi pa, pero nagtext naman na paparating na raw siya." Sagot ko.
"Baka mamayang gabi pa ako makauwi, kumain ka na ba? May pagkain diyan sa ref, iinit mo na lang sa microwave." Sabi niya.
"Okay, salamat. Nagsaing na ako pero wala pa akong ulam. Sige, Domeng. Pwede bang mamaya ka na lang tumawag? Malapit ng patayin 'yung bida, e. Okay bye!"
Ang bilin sa akin ng tatlo kong kasama ay dapat raw ay ilock ko ang mga pinto at bintana kapag wala raw akong kasama. Pati raw ang gate. Huwag daw ako magpapasok ng mga taong hindi ko naman kakilala. Napatingin ako sa magarbong orasan na nakasabit sa puting pader. Alas-once na ng umaga.
Nagugutom na rin ako dahil pinakain lang ako ni George ng cereals at saging. Pinainom niya rin ako ng isang boteng gatas kaninang almusal. Nakasuot pa rin ako ng pajama at isang t-shirt na puti na hanggang balakang ko. Naka-bun lang ang buhok ko dahil natatamad akong mag-ayos. Wala rin naman kasi akong lakad kaya bakit pa ako mag-aayos? Kinulong na nga lang ako nila Domeng dito sa bahay, e.
Pupunta na sana ako sa kusina para kumuha sa ref ng makakain. Hmm? Ano kayang masarap kainin? Corned beef kaya na maraming patatas at sibuyas? O para hindi ako mahirapan sa pagluluto ay kanin na lang ang kainin ko at huwag na akong mag-ulam? Sasabayan ko na lang ng tubig ang kanin para mabusog ako.
Tumunog ang door bell. Baka si George na iyon?! Kaagad kong isinarado ang ref at dali daling lumabas para pagbuksan at salubungin si George at si Coffee. Pero nagtaka ako dahil ibang kulay ng kotse ang nasa labas. Kulay pula ito. Kumunot ang noo ko dahil kulay itim ang kotse ni George habang kulay puti naman ang kay Domeng. Sino kaya ito? Nakasilip pa rin ako sa maliit na butas ng gate.
Nakita ko ang isang babaeng nakasalamin at halatang mayaman dahil magarbo ang damit. Nakasuot rin siya ng isang sombrero na ubod ng lalaki. Nakamake-up at kulay itim ang lipstick. Para siyang isang kontrabida sa isang teleserye. Sa hula ko ay nasa 60 years old na siya pero parang 59 lang ang edad.
Tumunog ulit ang door bell.
"Sino ho kayo?" tanong ko habang nakasilip pa rin sa maliit na butas.
"Hindi mo kilala, aber?" tanong niya. Nakakasindak ang boses niya.
"Hindi ho." Simple ko namang sagot. "Mawalang galang na ho, pwede na ho kayong umalis dahil hindi ko rin naman ho kayo pagbubuksan." May galang kong pagsagot. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ng matandang babae.
"Sino kang tampalasan ka?!" sigaw niya. Nagulat ako at napaatras.
"Manang, hindi ko ho kay---?"
"Sino ang manang na tinutukoy mo?!" sigaw niya na naman. May lumapit sa kanya na isang nakaputing babae, "Senyora, ayos lang ho kayo? Huwag po kayo masyadong magalit dahil tataas ang blood pressure niyo." Sabi niya sa matanda.
"Kayo ho. Pasensya na po at papasok na ho ako sa loob." Sabi ko sa kanila. Narinig ko ang pagwawala ng babae sa labas at wala rin naman akong balak na pagbuksan siya. Utos kaya 'yun sa akin ni Domeng, huwag pagbuksan ng gate ang hindi ko naman kilala.
"Bakit ayaw mo akong papasukin?!"
Bumalik ako ulit sa gate at sumilip sa butas, "Sabi po kasi nila Domeng ay huwag kong papasukin ang mga taong hindi ko ho naman kakilala. Kaya kung ako po sa inyo ay lumayas na ho kayo." Parang isang bulkan na nag-aalburoto ang matanda. Marami nakashades na lalaki ang nakapaligid sa kanya. Body guard ata ang tawag sa mga iyon.
Hindi ko na pinansin ang pagsisigaw ng matandang babae sa labas at pumasok na ako sa loob ng mansion. Kumuha ako ng isang latang corned beef at nilagay ito sa microwave. Pumunta ako ulit sa sala para manood ulit ng T.V. Hindi ko pa nabubuksan ang T.V. noong narinig ko ang boses ni George.
"I'm sorry, grandma.." sabi nito ng paulit ulit. Narinig ko ang malakas at nakakatakot na boses ng isang matanda.
"Bueno, nasaan ang kapatid mong si Dominique at sino 'yung katulong kanina na ayaw akong papasukin?! Kailan maturuan ng leksyon ang hampaslupang iyon!" galit na sabi nito. Napaawang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang galit na galit na babae kanina. Grandma siya nila George? Ibig sabihin, lola siya?! Napasabunot ako sa buhok ko at dali daling napasampal ng ilang ulit sa pisngi ko.
"Wala po kaming katulong dito, grandma. Pero may kasama po kami dito, si Nica po." Nakita ako bigla ni George at masayang lumapit sa akin. Umakbay pa ito sa akin, "Siya ho si Nica, grandma." Sabi niya at napayuko akong wala sa oras.
Dahan dahang lumapit sa akin ang babae. May hawak siyang isang malaking pamaypay. Bawat hakbang niya ay parang sasabog ang puso ko sa kaba. Parang mahihimatay ako dahil sa takot ko sa kanya. Huminto siya at tiningnan ang suot ko.
"Lumingon ka nga sa akin." Deklara niya. Si George naman ay hinawakan ang kamay ko. Batid niya ata ang kabang nararamdaman ko. "Titingnan mo ako o ako mismo ang magpapalayas sa'yo?" natulala ako sa sinabi niya. Si George naman ay biglang tumawa.
"Grandma naman, mapagbiro talaga kayo. Mahiyain lang po siya." Kinakabahang paliwanag ni George. "Pasensya na po grandma, bilin lang namin po kay Nica na huwag basta basta magpapasok." Sabi niya sa kanyang lola.
Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ako makapagsalita dahil parang nalunok ko rin ata ang dila ko.
Naghalo halo ang takot sa mukha ko dahil parang mangangain ng buhay ang lola nila George. Si Coffee ay nasa tabi ni George at parang miss na miss nito ang amo niya.
"Matapos mo akong hindi papasukin ay tatahimik ka na lang ba diyan?! Ipaghain mo ako ng makakakain! Nagugutom ako!" sabi niya at biglang may sumabog sa kusina.
l�<�۷�}
BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...