Nasa emergency room pa si daddy ng makarating kami ni Aries sa hospital. Sinalubong nga ako ni mommy ng mahigpit na yakap. Naroon din sina ate at kuya pati si tita Angeline.
"Mom, w-what are you doing here?" Tanong ni Aries na bakas sa mukha ang pagtataka habang naglalakad siya palapit kay tita Angeline na umiiyak din tulad ko.
Paglapit ni Aries kay tita ay yumakap si tita sa kanya, ni hindi magawang yakapin ni Aries si tita dahil sa labis na pagtataka. Nakakunot ang kanyang mga noo at nakaawang ang kanyang mga labi. Ang mga brown niyang mga mata ay tila punong-puno ng katanungan habang nakatingin siya sa akin.
Matapos mailabas ni dad sa emergency room ay nakahinga na ako ng maluwag, ganoon din ang pamilya ko at si tita Angeline. Nagyakap pa sila ni mommy.
Habang si Aries naman ay nakaupo lang sa isang tabi at nakahalukipkip. Mukhang malalim ang kanyang iniisip dahil napakaseryoso ng mukha niya, ganoon din ang katabi niyang si kuya."I don't understand mom, why she's being nice with tita Angeline? After what she and dad did to her. How can mom forgive them just like that?" Napapikit si ate at hinawi ang bangs niyang tumatakip sa kanyang mukha at saka siya bumuga ng hangin. "This is so rediculous." Umiling-iling siya at ipinaikot ang kanyang mga mata pagkatapos niyang galit na ibinulong sa akin ang mga yon.
Kausap na ngayon ni mommy at tita ang doktor na nag-asikaso kay daddy, marahil tinatanong nila ng kung anu-ano ito tungkol sa kalagayan ni dad.
Samantalang si Aries naman ay masuring nakatingin sa mommy niya at mommy ko. Gusto kong lumapit kay Aries pero natatakot ako na tanungin niya ako. Oo kanina balak ko na talagang sabihin sa kanya ang tungkol kay tita at daddy pero ngayon parang ayoko muna kahit pa halata namang nagkaka-ideya na siya dahil matalino si Aries.
Ilang saglit pa ay pumasok si tita sa kwarto kung saan naroon si daddy, si mommy naman ay naglakad palapit sa amin.
"Isa lang muna ang pwede and I know she's the right one." Paliwanag niya sa amin.
"Hiro, tawagan mo si manang at sabihin mong magpadala siya kay Flor ng kaunting gamit ng daddy mo dito. Mika can you please buy this medicines for your dad." Kasunod ng pag abot ni mommy kay ate ng isang papel, marahil reseta iyon.
Agad namang sinunod ni ate at kuya ang mga utos sa kanila ni mommy.
"May mga kailangan pa akong pirmahan sa lobby. Maiwan ko muna kayo dyan." Tinanguan ko lang si mommy habang nakaupo ako sa dulong bahagi sa may kaliwa ng white bench na inuupuan namin, si Aries naman ay sa may kanan sa dulo nakaupo at katabi niya si kuya Hiro.
"Bababa lang ako. Ang hina ng signal dito." ani kuya at iniwan niya na kami ni Aries.
Kinakabahan ako, pinagpapawisan at hindi mapakali ang mga kamay ko. Sana pala ako nalang ang pinabili ni mommy ng gamot ni dad.
"Aika."
Nagulat ako ng biglang tawagin ni Aries ang pangalan ko, malumanay lang yon pero sa sobrang kaba ko ay nagulat pa ako don.
"Ha?"
"Can we talk?"
Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Tatanungin niya ako tungkol sa mommy niya at daddy ko. Kailangan ba na sa akin niya pa malaman ang katotohanan?
Hindi pa man ako sumasagot sa kanya ay tumayo na siya sa upuan at naglakad. "Come with me." aniya.
Tahimik kaming naglakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng hagdan papunta sa rooftop.
"Sa taas tayo mag-usap. You go first."
Pinauna niya akong umakyat. Sa bawat baitang na aakyatin ko. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba. I know how Aries loves his mom at ayoko na magalit siya sa mommy niya, ayoko na masira ang relasyon nilang mag-ina.
BINABASA MO ANG
When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionMasaya si Aika sa kanyang marangyang buhay, kumpletong pamilya at mga kaibigang mapagkakatiwalaan na parati pang nandyan para sa kanya. Almost perfect na nga ang lahat. But she didn't expect that loving him is much happier, 'cause for her. He compl...