It was Christmas eve. Dapat masaya ako kasi hindi na tinuloy ni dad ang pakikipag divorce niya kay mommy. It's like a christmas gift in advance.
"Stay with us"
"Aika, I can't promise that. But for you to be happy. Susubuk ako ulit. Susubukan kong ibigay ulit sayo ang masayang pamilya na gusto mo. I'll stay."
Masayang-masaya kong niyakap si dad at ganoon din siya, mahigpit din ang mga yakap niya sa akin habang naririnig ko ang sunod-sunod na mga pagsinghot niya. Hindi ko man nakikita pero ramdam kong umiiyak din siya.
Ilang linggo na rin ang nakalipas ng maganap ang masinsinan naming pag-uusap ni dad. Sa ilang linggo na 'yon naging okay kami. Pag-uwi niya sa bahay makikipagkwentuhan siya sa amin tulad ng dati, sabay-sabay kaming kakain ng dinner habang ikinukwento namin ang mga nangyari sa amin ng araw na 'yon. Manonood ng movie sa sala at kapag wala siyang gaanong inaasikaso sa company ay sa kanya ako nagpapasama na pumunta sa mall. Medyo nagtatampo na nga si Aries pero naiintindihan niya naman ako. Gusto kong ibalik ang samahan namin ng pamilya ko.
Pero hindi nagtagal, bigla nalang naging mailap si dad sa amin. Lagi siyang umuuwi na lasing at mainit ang ulo. Hindi na nga sila nag-aaway ni mommy dahil kay tita Angeline, pero nag-aaway naman sila dahil sa parating paglalasing ni dad. Mas lumala siya ngayon, kasi hindi naman siya umuuwi na lasing na lasing e. But now napapadalas na.
Akala ko nga masasalubong namin ng masaya ang christmas, kaya lang ilang minuto nalang bago pumatak ang alas dose ng hating-gabi, pero hanggang ngayon wala parin siya. Nag-aalala akong uuwi na naman siyang lasing tapos magmamaneho siya o kaya mapapaaway siya doon sa kung saan man siya umiinom. Yeah I'm too negative, pero hindi ko maiwasan e. Ama ko siya at natural lang sa isang anak na mag-alala.Nandito lang ako sa patio at inaabangan siya. Pilit pinapagaan ang loob ko kahit sobrang nasasaktan na'ko. Oo, hindi siya nangako na maibibigay niya sa akin ang masayang pamilya na gusto ko. Pero umasa ako. Ang sabi niya ita-try niya at naniwala ako. Kasi buo yung tiwala ko sa kanya.
"Aika pumasok ka na." Ani mommy.
Hindi ko siya nililingon. "Susunod nalang po ako, mom."
Kahit na hindi ko siya nakikita. Naririnig ko ang mga yabag niya palapit sa akin, hanggang sa maramdaman ko ang mga yakap niya mula sa likuran ko na nagpaparamdam sa akin ng pakikipagsimptya.
"Merry Christmas sweety," aniya. Sa tono ng boses niya ay ramdam ko agad ang bigat non.
"Mommy, malungkot ka diba?"
"Yes. Because you're sad."
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at hinarap ko siya. "What about dad? Hindi ka ba nalulungkot na wala siya ngayon?"
"Malungkot. Pero mas nalulungkot ako, kasi malungkot ka. Alam mo ba na ang christmas wish ko ay yung makita ko kayong masaya ng mga ate at kuya mo. Yung daddy mo, matagal ko ng natanggap na hindi niya talaga kayang maging asawa ko. Kaya ibinubuhos ko nalang lahat ng atensyon ko para sa inyo, kasi wala ng ibang makakapagpasaya sa akin. Kung di kayo lang ng mga ate at kuya mo."
Humihikbi akong nakinig sa mga sinasabi ni mommy.
"Tama na Aika, wag na natin pilitin ang mga taong hindi para sa'tin. Hayaan natin sila dun sa mga taong nakalaan sa kanila, sa kung saan sila masaya. Sometimes, when you love someone. You'll learn to set them free."
"Pero paano naman naging pagmamahal yon, kung hahayaan mo siya na mapunta sa iba? Diba dapat ipaglaban mo siya?"
"Kapag mahal mo, hahayaan mong maging masaya siya sa iba kahit nasasaktan ka na. Because love is sacrifice."
BINABASA MO ANG
When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionMasaya si Aika sa kanyang marangyang buhay, kumpletong pamilya at mga kaibigang mapagkakatiwalaan na parati pang nandyan para sa kanya. Almost perfect na nga ang lahat. But she didn't expect that loving him is much happier, 'cause for her. He compl...