Chapter Four.

1.3K 60 9
                                    

I was awakened by the noise outside my room. Mababaw ang tulog ko dahil nasa isang unfamiliar place ako at kailangan kong maging aware sa mga nangyayari sa paligid.

"Magandang umaga sa'yo," salubong sa akin ng isang matandang babae na nakita kong naglilinis sa receiving area.

"Good morning din po," I greeted back as I checked the wall clock hanging on the wall. It's only six in the morning but she's already wide awake. Ang aga pala ng gising dito sa probinsya, kailangan masanay na ako.

"Turista ka ba rito, Hija?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Hindi ho," magalang na sagot ko.

"Kung gano'n, kaibigan ka ng apo ko?" tanong niya at kumunot naman ang noo ko.

"Ni Matteo po? Oho," sagot ko nang tumango siya. So, she's his lola. And this is their place?

My eyes started to roam around. I wasn't able to observe this last night because I was too sleepy but now that I think about it, they have a nice place. And here I thought na mahirap ang buhay nina Matteo sa Ilocos. Mukhang maayos naman pala.

"Sa inyo ho ito?" tanong ko habang patuloy kong inililibot ang tingin ko sa paligid.

"Nako! Hindi," ngiti ng lola ni Matteo. "Caretaker lamang ako rito. Ang mga pamangkin ko ang may-ari nito pero nasa Amerika na sila ngayon kaya't kami ang naiwan dito nina Matteo bilang tagapangalaga."

"Ah, gano'n ho pala..." tangu-tango kong sabi at napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Matteo.

"Lola, nandito na po ako!" anunsyo niya habang palapit siya sa amin. "Oh, gising ka na pala. Akala ko, mamayang tanghali ka pa magigising," salubong niya pa sa akin nang bumaling siya sa direksyon ko.

"Ang aga mong nagising. Namamahay ka pa siguro," dagdag niya at tumango na lang ako. Siguro nga.

"May nakalimutan pala akong i-abot sa'yo," sabi ko naman at pinasunod ko siya sa kwarto.

"Teka," pigil niya bago siya muling bumaling sa lola niya. "Ito na 'yong almusal natin, 'La. Mamaya pupunta ako sa palengke para sa tanghalian."

Iniwan muna namin ang lola niya para pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang wallet sa backpack ko at itiniklop ang pera na bayad ko sa kanya.

"Here," tawag ko sa atensyon ni Matteo. "Nakalimutan pala kitang bayaran kahapon, I'm sorry. Were you able to reach your boundary?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang," ngiti niya. "Nagsabi ako sa boss ko kaya pagbalik ko na lang sa Maynila ibibigay sa kanya ang boundary ko kahapon."

Inilagay ko ang pera na hawak ko sa kamay niya at napangiwi naman siya nang tignan niya ito. He doesn't look happy. Kulang pa kaya?

"Uy, sobra," nahihiya niyang sabi. "Masyado 'tong malaki. Ikaw naman ang nagbayad sa gas kahapon," sabi niya pa kaya ibinalik niya ang sobrang pera sa akin.

"Sige na. I insist," pilit ko. "Kapag hindi mo tinanggap 'yan, i-re-report kita," kunwaring pananakot ko pa.

"Ngayon lang 'to, ha? Sa susunod, kung maisasakay ulit kita sa taxi, kung magkano lang ang nasa metro, 'yon lang ang babayaran mo," sabi niya at tumango na lang ako. "Salamat. Malaking tulong 'to," sabi niya pa. I just smiled at him.

Lumabas na kami sa kwarto nang marinig naming tinatawag na kami ng lola niya para sa almusal. Ginising na rin ni Matteo ang kapatid niya para sabay-sabay kaming makapag-breakfast.

"Matteo, kay gandang bata nitong kaibigan mo, ano?" pahayag ng lola niya habang kumakain.

"Isawsaw mo 'yong pandesal sa kape," bulong sa akin ni Matteo. "Mas masarap," sabi niya pa at sumunod naman ako.

"Wow, this is good!" puri ko agad after my first bite at proud naman siyang ngumiti sa akin.

"Buti at nagustuhan mo. Kumain ka nang marami," sabi niya pa bago siya bumaling sa lola niya. "Ano ngang sabi mo, 'La?" tanong niya rito.

"Kako, kay gandang bata nitong kaibigan mo," pag-ulit niya at tumango naman si Matteo bilang pagsang-ayon kaya nahihiya akong yumuko.

"Alam mo, Apo... parang nakita ko na sa TV 'tong kaibigan mo," sabi pa ng lola niya at naplunok naman ako. "Pamilyar ka sa akin, Hija. Parang kamukha mo 'yong isa sa mga anak ng Zaldivar."

Nagkatinginan kami ni Matteo at pasimple ko siyang kinurot sa hita niya para h'wag niyang sabihin sa lola niya kung sino talaga ako.

"Ah—eh, Lola, kamukha niya lang po 'yon," pagsisinungaling niya. "Ito po si Vynn. Iba ang anak ng Zaldivar na sinasabi mo," duktong niya pa kaya pinagmasdan akong mabuti ng lola niya.

"Hindi ko lang maalala 'yong pangalan nung bunso ng mga Zaldivar pero kamukhang-kamukha mo talaga siya," sabi niya pa at nag-iwas naman ako ng tingin. "Malabo na nga siguro talaga ang mga mata ko," tawa niya na lang.

Nakahinga ako nang maluwag nang binitiwan na niya ang usapang 'yon. As much as possible, mas mabuti kung kakaunti lang ang makakakilala sa akin bilang isang Zaldivar habang wala ako sa mansyon.

"Vynn na lang po ang itawag niyo sa akin tulad ng sinabi ni Matteo, Lola. Pasensya na po kayo at nakalimutan kong magpakilala kanina," nakangiti kong sabi sa kanya para tuluyan nang maiba ang usapan.

"Lola Baby," sabi niya naman. "Tawagin mo na lang akong Lola Baby."

Ngumiti ako at tumango. She's cute. She reminds me of my lola who I dearly miss. I'm sure that if she's still around, she'll be my kakampi no matter what.

"Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa batang nakaupo sa tapat ko. He's like a mini version of Matteo.

"David Alfonso po," nahihiyang sagot niya. "Dave na lang po, Ate," habol niya pa at mgumiti naman ako.

After that short introduction, nagpatuloy na kami sa pagkain. Nabanggit din ni Matteo na magpapahilot ako kaya pagkatapos ng almusal, pinaupo agad ako ni Lola Baby sa sofa. Umupo siya sa maliit na chair sa harap ko at in-examine ang namamaga kong ankle.

"Madali lang 'to. Ibabalik ko lang ang buto sa dating pwesto para mawala na ang maga," paliwanag niya.

"Dislocated ang paa mo," sabi ni Matteo habang sinimulan nang iikot-ikot ng lola niya ang paa ko. "Ito, hawakan mo ang kamay ko. Mabilis lang 'yan," he offered at hindi na ako nagdalawang isip dahil kabadong-kabado ako.

"AHHHHHH! OH MY GOD! HOLY SH—!" tili ko nang biglang hilahin ng lola niya ang paa ko at parang narinig ko pang tumunog ang buto ko.

May kasama pa sanang bad word kung hindi ko lang nakita si Dave na nanunuod sa amin. Nagulat ako nang halos mapasigaw rin si Matteo sa tabi ko and that's when I realized that he got hurt while I was holding his hand.

"I'm sorry for gripping your hand too hard," I apologized and he just nodded.

"Ayos lang. Ikaw, okay ka lang? Naluluha ka pa," puna niya habang pinapaypayan ko ang sarili gamit ang kamay ko. Pinagtawanan lang nila ako pero nasaktan talaga ako.

"H'wag kang mag-alala, ilang araw lang at galing na 'yan," paninigurado niya pa sa akin pagkatapos lagyan ng dahon at balutan ng tela ang paa ko. Kung anu-anong bad words ang sinabi ko nang iwan kami ng lola at kapatid niya.

"You asshole! Hindi mo sinabi na gano'n pala kasakit!" inis kong sabi.

"Sorry na. Gusto ko lang naman mapabilis ang paggaling ng paa mo," sagot niya at may kinuha pa siya sa likuran niya. "Oh, ito nga pala, basahin mo. Kabibili ko lang n'yan bago ako umuwi rito," paliwanag niya pagkatapos niyang i-abot ang isang newspaper.

"Inside sources reported that Viela Yunnice Zaldivar, 21, ran away from their mansion—"

I immediately crumpled the newspaper that I'm holding without reading the whole article about me. Why do they have to publish every little thing about us!? About me!

Stupid media people! I hate them!

Eighteen Days to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon