"We won! Yes!" Sigaw ko nang manalo kami ni Salvatore ng 5k. Magpa photo op pang naganap kaya naman ay todo hilaw ang mga tao sa paligid namin.
Nakakahiya pero bahala na basta nanalo ako.
Agad akong tumakbo papunta kina Aria pagkatapos kong kunin ang 5k at nagtatalon talon sakanila habang pinapakita ang 5k ko. Tawang tawa lang sila sa akin at may nginunguso sa likuran ko kaya naman ay nagtaka ako.
"Ano? Nginunguso nguso niyo? May 5k na ako nakakaiyak," halos yakapin ko ang pera sa harapan ko ko at umikot nang makita ko si Salvatore sa harapan ko kaya napaayos ako ng tayo. "Bakit?"
"Where's my 100? And our talk?" Angas ng boses nito halatang rich kid kung maka English, tigas e.
"Ay oo nga pala. 4900 nalang nakakaiyak," walang huwesyo kong sabi at rinig ko naman ang tawag nina Harper sa likod ko at ang tawag ng kaibigan ni Salvatore na nakalapit na pala sa amin at nakikichika.
"What?" Sumimangot ako at tumango nalang. Nilagay ko ang kamay ko sa isang bulsa ng jorts ko at tinuro siya para pasunurin sa akin. Sa labas kami mag-uusab, maraming chismosa sa loob. Anraming babaeng masama ang tingin sa akin.
"Tara. Sa labas." Maangas na sabi ko rin at naunang lumabas.
"Angas naman 'non. Hi, I'm Travis, and you are?" Rinig ko kahit medyo malayo na ako sakanila.
Sumunod lang sa akin si Salvatore hanggang sa makarating kami sa gilid ng gym lang kung saan walang masyadong tao. Habang naglalakad nga kami ay panay tingin ng students sa amin. Ganito ba talaga to kasikat?
Umupo ako sa gilid at nilabas ang 1k at binigay sakanya.
"May 900 kaa diyan? Suklian mo tas kunin ko 'yong 100," halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ko pero kinuha niya naman ang pera at binigyan ako ng 900. Magaling magaling.
"Tf?" Biglang mura niya kaya napatingin ako sakanya at napakamot ng ulo. Bakit nga ulit kami nandito?
"Ano nga ulit ginagawa natin dito? May sasabihin ka ba? Kung wala aalis nalang ako. Nakalimutan ko sadya ko e." Walang pakeng sabi ko sakanya at ayan na naman ang expression sa mukha niya na gulat na gulat sa asal ko sakanya.
"Ano? Kay sasabihin ka?" Sabay kamot sa ulo ko dahil nababagot na ako habang siya naman ay napapahawak sa bibig niya sa gulat sa akin. Ang oa naman nito.
"Nothing. I was just shocked, this is the first time something talk to me like that." Sabay tawa niya. Okay?
"Edi congrats. Sige alis na ako. Wala na ba?"
"Ah. I want to know your name," sabi niya nalang at nameywang. Ano to? Mukha kaming mga Marites sa tayo namin dito sa gilid.
"Skye lang"
"Sky?" Takang tanong niya. Bakit ba namamali niya 'tong name xko e ang dali dali lang naman.
"Adriana Skye, Skye, Skye, ski, ganon" tumawa siya sa sinabi ko kaya naman napakunot ulit ang noo ko. Problema nito? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Okay Ady, Ski."
"Sinong Ady? Hindi ako si Ady. It's Skye." Ulit ko na naman. Ang bobo naman nito, engineering ba talaga to?
"Ang funny mo naman," biglang sabi niya kaya naman pinakyuhan ko siya bigla na agad ko ring binaba dahil nagulat na naman siya.
"Hindi naman ako clown para maging funny." Malditang sabi ko at tumayo at nameywang.
"Ady, comes from Adriana. Gets?" Taas kilay na sabi niya. Wow may pa nickname.
"Ang bantot naman. Just call me Skye. Sige alis na ako. Ginugutom mo ako," sabi ko nalang dahil nagugutom na ako. Nabobobo ako kausap tong Salvatore na 'to. Hindi keri ng braincells ko.
YOU ARE READING
Rhythm of the Court
Teen FictionSkye, an 18-year-old drummer in a music club, is known for her fiery spirit and love for music. Her life takes an unexpected turn when she crosses paths with Noah, the school's most popular guy and captain of the basketball team. Though they come fr...