KABANATA 16: ANG PAGHAHANAP SA ESPADA NG KAGITINGAN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mangyari mong kaming tulungan kung saan namin mahahanap ang espada ng kagitingan", tanong ni Marina sa binata. 

"Matutulungan ko kayo sa inyong kahilingan subalit kailangan natin ang itinakda ng tadhana na maging tagapagligtas ng Pacifica upang makuha ang espada ng kagitingan", tugon ni Aris sa reyna.

"May conference pa ata ang kinaabalahan ni Aria. Ibig sabihin, kailangan siyang sumama ni Aris sa pagkuha ng espada", wika ni Chabelita.

"Kung gayon, ganito ang ating gagawin. Kailangan kong sumama kay Valeriana upang mabawi ko na ang kahariang inagaw ni Urseus habang kayo naman nina Chabelita at Elias ang sumama kay Aris sa pagkuha ng espada", suhestiyon ni Marina.

"Mawalang galang na po mahal na reyna pero hindi ako mapakali sa iyong gagawin. Nais namin ni Elias na sumama sa himagsikan", giit ni Chabelita.

"Sasama ako sa inyo Aling Marina", wika ni Eric.

"Eric, ano ka ba? Sigurado ka ba sa gagawin mo?", tanong ni Kristoff sa kanya.

"Eric, tayo ang sasama kay Aria sa pagkuha ng espada ng kagitingan sa Edena", suhestiyon ni Elias sa kanya.

"Kung ganon, hintayin muna natin ang prinsesa ng Pacifica upang isagawa na natin ang paghahanap sa espada ng kagitingan", wika ni Aris kina Eric at Elias.

"Kristoff, makiusap sana ako na huwag mong sabihin kay Aria na babalik na kami ni Chabelita sa Pacifica. May mahalagang tungkulin kami na gamit gampanan sa lugar na nilisan namin. Ililigtas namin ang mga binihag ni Urseus at puksaan na namin ang kanyang kasamaan", hiling ni Marina sa binata.

"Tara na Marina at Chabelita, iligtas na natin ang Pacifica mula sa kamay niya", wika ni Valeriana sa dalawa.

Sumama na sina Marina at Chabelita kay Valeriana pabalik ng Pacifica upang isagawa na nila ang pagbawi nito mula sa kamay ni Urseus habang bumalik na sa resthouse ang mga binata para hintayin na matapos si Aria sa kanyang live conference. 

Tapos na si Aria sa kanyang live conference sa social media kung saan ipinagbigay alam na niya sa kanyang followers na pansamantalang mawawala siya sa spotlight ng isa hanggang dalawang buwan upang makarecover mula sa kanyang sinapit sa kidnapping incident. Ipinagbigay alam na rin niya kina Ador, Merida, Julia at Elisa na siya ay ligtas na at wala na silang dapat alalahanin.

Lumabas na sa resthouse ang dalaga at nakasalubong niya si Aris at ang kanyang kimaros.

"Aris, anong kailangan mo sa akin?", tanong ng dalaga sa binata. 

"Sumama ka sa akin, matutulungan kita sa paghahanap ng espada ng kagitingan sa kagubatan ng Edena", tugon ng binata sa dalaga.

Lumabas sina Ella at Kiana nang makita nila ang kimaros na nasa harapan nila.

"Girl, look at this! The myth had turned into reality", wika ni Kiana kay Ella.

"I know right pero hindi naman nakakatakot. Mukhang mabait naman ang kausap ni Aria. For some point, he's pogi and then may tindig", tugon ni Ella sa kanyang kaibigan.

Lumapit si Aria kina Ella at Kiana upang ipagbigay alam sa kanila ang gagawin niyang misyon sa pagbawi ng Pacifica mula sa mga kamay ni Urseus.

"Ella, Kiana, listen to me. Kailangan ko munang umalis dito. I need to save my loved ones sa underwater at mawawala muna ako ng ilang araw dito. Kayo muna bahala sa mga taong naghahanap sa akin. Eric and Elias will be with me", wika ni Aria sa dalawa.

"Be safe girl, ingat ka", wika ni Kiana.

"I got you girl, you're in my prayers. Mag-ingat ka. We trust in you", wika ni Ella.

Nagyakapan ang tatlo bago pang tuluyang lumisan si Aria sa mortal na daigdig para pumunta sa Edena upang mahanap ang espada ng kagitingan. Sumakay na siya sa kimaros ni Aris kasama sina Eric at Elias. Si Kristoff naman ay nanatili sa resthouse upang ituloy niya ang kanyang naiwang trabaho sa kanyang karera. 

SA PAGHAHANAP NG ESPADA SA EDENA

EDENA --- Nakarating na sa kagubatan ng Edena sina Aria upang mahanap nila ang espada ng kagitingan. May isang ermitanyo ang kanilang nakasalubong na siyang makapagtuturo sa kanila kung nasaan ang ensaktong lokasyon ng espada.

"Maligayang pagdating sa kagubatan ng Edena. Ano ang inyong sadya dito?", tanong ng ermitanyo kina Aria.

"Kataas-taasang ermitanyo, naparito ako dahil hinahanap ko ang espada ng kagitingan na matatagpuan sa kagubatang ito", tugon ng dalaga sa ermitanyo.

"Bakit ineng? Ano ang kailangan mo sa espadang iyan?", tanong ng ermitanyo sa kanya.

"Isa akong prinsesa ng karagatan, sa kahariang Pacifica. Nanganganib ang aming kaharian dahil kay Urseus, reyna ng Atlantica. Mortal namin siyang katunggali at marami nang mga inosenteng tao ang napaslang niya dahil sa paghasik niya ng lagim sa aming kaharian. Marami na rin siyang bihag. Kailangan ko ang espadang iyan upang mapuksaan ko na ang kasamaan ni Urseus", paliwanag ni Aria sa paliwanag.

"Ako ay sumang-ayon sa kanyang sinabi kataas-taasang ermitanyo. Nagmula rin ako sa Pacifica, isang mandirigma. Minsan na nalagay sa bingit ng kamatayan ang aking buhay dahil sa pamumuno ni Urseus kung kaya't kailangan namin ang espadang iyan para tuluyan nang mapatalsik sa trono si Urseus. Ang liwanang ng espadang iyan ang naging kahinaan niya", dagdag pa ni Elias.

"Kataas-taasang ermitanyo, sumang-ayon din ako sa kanilang salaysay sapagkat naaawa na ako sa kanilang kalagayan. Marami nang mga buhay ang binawian mula sa kamay ng kanilang reyna at hindi na ito makatarungan pa kung kaya't kailangan na tapusin ang kasamaan niya gamit ang espadang iyan", dagdag paliwanag ni Aris sa ermitanyo.

"Kung gayon, ang prinsesa lamang ang mangyaring sumama sa akin. Maiiwan muna kayong tatlo", tugon ng ermitanyo sa mga binata.

Naiwan muna sina Aris, Eric at Elias habang hinintay nila si Aria na makuha ang espada ng kagitingan. Nag-uusap muna ang tatlo habang hinihintay nila ang prinsesa.

"Elias, alam ko na nagkaroon tayo ng hindi pagkakaunawaan sa una nating pagkikita. Nais kong humingi ng tawad sa naging asal ko sa inyo", wika ni Eric sa binata.

"Kalimutan mo na 'yun Eric, nangyari na ang nangyari. Ang mahalaga ay magkakasundo na tayo. Sa ngayon, kailangan ni Aria ang tulong natin para mapalaya na ang Pacifica mula sa kasamaan ni Urseus", tugon ni Elias sa binata.

"Aris, mukhang may tindig ka at makinis ang iyong pamamalat. Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?", tanong ni Eric sa binata.

"Ang ibig niyang sabihin ay kasintahan", dagdag pa ni Elias.

"Hindi pa. Nag-iisa nalang ako sa buhay at dito na ako naninirahan. Wala pa niyang isang babae ang umiibig sa akin sapagkat nabighani ako sa kagandahan ng kinasama ng inyong prinsesa", tugon ni Aris sa mga binata.

"Mukhang si Ella ang tinutukoy niya Eric", wika ni Elias.

"Napansin ko rin kanina; iba ang tingin ni Ella kanina kay Aris, mukhang may crush din siya sa kanya", tugon ni Eric kay Elias.

"Matutulungan ka namin diyan Aris kapag tapos na tayo sa ating misyon kay Aria", wika ni Elias sa kanya.

"Napagtanto ko na tayong tatlo ay nagmula sa mga kanya-kanyang daigdig. Ikaw Elias ay nagmula sa Pacifica samantalang sa mortal na daigdig naman nagmula si Eric. Sa kabila nito, mga mababait naman kayo kaya sa palagay ko ay magkakasundo tayong tatlo", wika ni Aris sa dalawa.

Sa kabilang dako naman, sinamahan ng ermitanyo si Aria para matunton ang kinaroroonan ng espada ng kagitingan. Ilang hakbang ang nilakbayan ng dalaga ay natagpuan na rin niya sa wakas ang espada na kanyang gagamitin sa pakikipaghimagsik laban kay Urseus.

"Natagpuan na rin kita sa wakas ang espadang ito. Kailangan kita para sa huling pagtutuos namin ni Urseus para tuluyan nang makalaya ang Pacifica mula sa kanyang mga kamay", wika ni Aria sa kanyang sarili.

Tuluyan nang nakuha ni Aria ang espada ng kagitingan. Bumalik na siya sa kinaroroonan nina Aris, Elias at Eric at sumakay na sila sa kimaros patungo sa Pacifica upang isagawa na ang paghihimagsik laban kay Urseus. Walang kamalay-malay si Aria na nauna na pala sina Marina at Chabelita sa paggawa ng parehong pakay kasama si Valeriana.

The EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon