Kabanata 16
Helliana's Point of View;
“Bakit kailangan ko pang magsuot nito?” Irita kong tinampal ang kamay ni Hydro matapos niya akong pinasuot ng full golden armour.
Para akong sinasakal dahil sa subrang hapit nito sa katawan ko.
“Huwag kang magreklamo helliana, kailangan mo itong suutin para malaman nila na ikaw ang ipapadala ng emperyo.” Napaikot nalang ako ng mata at walang nagawa kundi ang suotin ang helmet.
“Masaya kana?” sarkastiko ko siyang tiningnan at umikot pa sa harapan niya kaya ngumiti lang siya at kaagad na tumango.
Lumabas na ako at kaagad na naglakad sa harapan ng tarangkahan kung saan naghihintay ang ibang makakasama ko sa pakikipagsundo sa kabilang emperyo.
“Ama, handa na ako!” Lumapit ako sa kanya na siyang nakatayo sa harapan ng isang puting kabayo.
Tumingin siya sa 'kin at kaagad na ngumiti at hinintay akong makalapit, nilabas niya ang espada at kaagad itong tinutok sa 'kin.
Nanatili akong walang emosyon habang nakatingin sa kanya kaya muli siyang napahalaklak at sininyasan akong mas lumapit pa na ginawa ko naman.
Binigay niya sakin ang hawak niyang espada kaya tinanggap ko ito at sinuri, subrang kinang nito kaya lihim akong napangisi.
“Nawa'y maging matagumpay ang inyong pakay at mag-iingat ka helliana, hindi madaling makipag-alyansa sa kabilang emperyo.” Tumango lang ako at tiningnan ang lahat ng makakasama ko.
Nasa higit tatlongpu't lima silang lahat kabilang na doon si Trevor? Bakit kailangang sumama ang isang to?
“Ama, bakit kasama ang isang yan? Kaya ko ang sarili ko at madali lang ito para sakin.” Bulong ko sa emperador pero mukhang narinig pa yon ni trevor dahil napatingin siya sa gawi namin.
“Helliana, hayaan mo si prinsepe Trevor ang aalalay sayo. Malaking tulong siya sa atin.” Napipilitan akong tumango kahit ayaw ko naman talaga.
Ano pa nga bang magagawa ko?
“Pangalagaan ang aking anak at huwag nyo siyang ilagay sa kapahamakan, ikaw ang maaasahan ko Trevor.” Sambit ng emperador na siyang kinayuko ni trevor at nanumpa pa ata.
Sumakay ako sa puting kabayo at muling tumingin sa emperador, tinaas niya ang kamay sakin at may sinabi na hindi ko na maunawaan.
Nang tumango siya ay kaagad na kaming naglakbay, hawak ko ang isang mapa kung saang lokasyon kami pupunta.
“Prinsesa, aabot ng higit limang araw ang lalakbayin natin bago makarating sa emperyo ng yushon.” Napalingon ako kay trevor na siyang may hawak din na mapa.
“May dalawang oras pa tayo bago makarating sa jinshi.” Tumango ako at tumingin sa kalangitan.
Higit isang oras na ang nilakbay namin at ramdam ko ang pagod ng mga kabayo kaya naisipan kong magpahinga muna.
“Let's take a break. Gumawa ka ng matutulogan ko.” Diretsa kong sambit kaya napatingin siya sakin na para bang nagbibiro lang ako.
“What? Ayaw mo?” Napipilitan siyang bumaba sa kabayo at lumapit sa 'kin bago nilahad ang kamay niya.
“As if I have a choice, let me help you princess.” Hindi ko alintana ang sarkastiko nitong boses at kaagad na tinanggap ang kamay niya.
Tinanggal ko ang helmet at kaagad na nilibot ang paningin sa paligid, nasa madilim kaming bahagi ng kakahuyan.
Hapon na ng matapos siya sa paggawa ng matutuluyan ko, dalawa ang ginawa nila para sa iba pang magpapahinga.
Papasok na sana ako sa loob nang makarinig kami ng malakas na pagsabog sa hindi kalayuan kaya napalingon ako roon.