Masaya kong tinitignan ang dinadaan namin, kasalakuyan kami ngayon sa kotse nya at pauwi na.
napapangiti na lamang ako kapag naaalala ko ang nangyare kanina.
bago kasi kami umuwi ay naligo na muna kami ni claire sa dagat at nagpasyang libotin ang resort, bumili pa kami ng mga pasalubong at nagulat pa ako ng bilhan ako nito ng bracelet na may nakasabit na hugis puso.
muli ko naaalala ang gabing nasa dagat kami yung paglapat ng aming labi.
nangyare ba talaga iyon? wahhh!!
"what are you doing?" napaayos ako ng upo ng marinig ang boses nito "why you touching your lips?"
"hala ah eh, ang kati po kasi" nagkunyari pa akong kinakamot iyon kahit hindi naman talaga makati.
"tsk, baka your lips missed mine?"
napatingin agad ako sa kanya ng sabihin nya yun nakangisi lang ito.
gagi?
"ho?"
hindi ako nito sinagot kaya napatahimik ako.
matutulog na lang ako, para wala na akong magawang nakakahiya!!
"hey, wake up sleepyhead" nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat.
ganda naman ng aking gising ganito agad mukha ang bubungad.
"bakit po?"
"look" turo nito sa labas at nakita ko na ang aming bahay "we're here na, let's go hatid kita sa loob"
tumango ako at isang-isa kinuha ang mga gamit ko na nasa likod, tinulungan naman ako nitong dalhin ang iba ang sabi ko ay ako na pero nagpumilit ito.
omki.
"anak koooo" sigaw ni inay ng makita ako nito sa pinto.
"nay" yinakap nya ako at ganun din ang ginawa ko, hinahalikan pa ako nito sa pisngi.
"namiss kita anay, kamusta ka?"
"okay lang po ako inay kayo po?"
"nako naboboang ako anak, hindi ako sanay na hindi kita nakikita" napatawa naman ako.
nang makarinig ako ng yapak ay lumingon ako kay claire ganun na rin si inay, pinauna kasi ako nitong pumasok dahil may tumawag sa kanya.
"nay si ms. montenegro po" bigla na lamang ako tinulak ni inay ng mahina na ikinagulat ko.
"nako anak bakit mo naman pinabitbit si claire ng iyong gamit ha? akin na hija"
"magandang hapon po tita, ayos lang po magaan lang naman" ngiti-ngiting saad nito.
ako naman ay napatulala dahil sa nangyari.
tinulak ako ng aking inay!!
"halika meryenda ka hija"
"uhm tita hindi na po siguro, meron pa po kasing akong pupuntahan" nakamot pa ito ng kanyang ulo.
"ganun ba hija? sya sige pero magdala ka ng aking pandesal" umalis ito papuntang kusina.
nang mawala ito sa aking paningin ay tumingin ako kay claire na nakatingin pa din kung saan pumunta si nanay.
"salamat po sa pagdala" napatingin ito sa akin at tumango.
maya-maya pa ay bumalik na ang inay na may dalang pandesal.
"ito iuwi mo to"
"salamat po, aalis na po siguro ako" mukha ngang may pupuntahan ito.
YOU ARE READING
One Step Away From You [GL]
Romance[COMPLETED] Talia Lorraine Garcia, High School Graduate lamang ang natapos nito dahil simula ng mamatay ang kanyang itay ay kinakailangan nyang magtrabaho dahil sya na lamang ang inaasahan sa kanila, hindi sapat ang pagbebenta ng pandesal ng kanyang...