Chapter 16: Ang Digmaan Sa Impyerno

253 20 12
                                    

Chapter 16: Ang Digmaan Sa Impyerno
Written by CDLiNKPh

NAKAKABINGI ang sigawan, iyakan at ingay ng kalampagan ng mga espada sa paligid. Isang literal na impyerno ang mukha ng lugar na iyon. Halos wasak na ang mga nasa paligid maliban sa palasyo na nananatiling nakatayo. Punong-puno ng apoy ang kapaligiran kasabay ng pagmamakaawa ng libong-libong mga demonyo at mga halimaw na sinusunog na ng kapangyarihan ni Haring Deimos.

Pero sa kabila ng maraming halimaw at demonyo ng nap*tay niya ay tila hindi iyon nauubos. Iyon ay dahil ang mga halimaw at ilang demonyo na naroon ay galing sa Abyss. Ang lugar kung saan tinatapon ang mga makakasalanang nilalang na nakagawa ng paglabag sa batas ng kaharian sa paglipas ng ilang henerasyon.

Pinakawalan ni Prinsepe Amon ang mga nakakulong doon dahil kinilala ng pintuan ng Abyss ang dugo nito bilang maharlika. Isang bagay na kauna-unahang beses na nangyari sa buong kasaysayan ng mga maharlika. Para lamang gamitin iyon laban sa kanya.

Si Amon na binuksan ang Abyss ay humingi ng tulong sa mga halimaw para magbigay ng ilang bahagi ng kapangyarihan dito. Iyon ang natatanging kakayahan nito. Ang humingi ng kapangyarihan sa iba para lumakas.

Iyon nga lang, kapag nagbigay ang kahit na sino ng kapangyarihan dito ay buhay ng nilalang na iyon ang magiging kapalit kaya kahit may kakayahan itong ganoon noon, wala rin itong nagawa ng pat*yin niya ang lahat ng maharlika noon. Pero sa Abyss kung saan disperado na ang lahat ng halimaw at lahat ay nawawalan na ng pag-asa na mabuhay, marami ang tumulong dito.

Naging dahilan iyon para matalo siya nito noon sa isang laban kaya nakuha nito ang space ring na suot niya nang putulin nito ang daliri niya. Sinuwerte lang siyang makatakas nang iligtas siya ni Azara kaya hindi siya namatay. Lumayo sila pansamantala sa palasyo at gamit ang kapangyarihan ng isa sa mga mage na tauhan niya, nabuo pang muli ang daliri niya.

Si Amon naman, gamit ang space ring niya na siyang nagbigay ng kakayahan dito para magtravel sa ibang dimension ay umalis para maghasik ng lagim at manakop ng iba't-ibang mundo. Maging ang palasyo ay tinake over na rin nito at sinira pa nito ang dimensional door na magiging daan sana niya para makabalik sa earth ay naglaho na rin.

Palihim siyang nagdarasal na sana ay hindi nito napuntahan ang mundo kung nasaan sina Lucy at Bael. Marami namang mundo ang maaaring mapuntahan nito gamit ang space ring at hindi lang ang earth pero natatakot pa rin siya na baka nasaktuhan nito ang Earth. Kapag may nangyaring masama kay Lucy ay hindi niya ito mapapatawad.

Nagsisisi siya na hindi siya nagpursigi na pat*yin ito noon. Dahil dito ay napalayo siya kay Lucy. Masyado siyang naging confident noon dahil siya ang pinakamalakas.

Kung tutuusin, solido na ang posisyon niya bilang maging hari noon dahil sa lakas ng nakamit niyang kapangyarihan kaya hindi hindi na niya kailangang ubusin noon ang pamilya. Pero pinat*y pa rin niya ang mga ito noon para maghiganti.

Yeah, kaya nga siguro minahal niya si Lucy, inalagaan at tinuring na parang kanya ay dahil parehas sila noon ng pinagdaanan. Dahil katulad ni Lucy, inabandona rin siya noon ng mga magulang dahil sa pag-aakala ng mga ito na wala siyang kapangyarihan, 6 years old pa lang siya noon nang pinatapon siya sa kagubatan ng impyerno. Ang Abyss.

Sa Abyss din siya natutong lumaban at lumakas noon. Doon nagising ang natutulog niyang kapangyarihan. Wala siyang choice dahil kung hindi siya lalaban ay kamat*yan niya ang magiging kapalit.

Libo-libong halimaw at mga demonyo ang napat*y niya, iyon din siguro ang dahilan kung bakit nang makatakas siya sa lugar na iyon ay kumampi ang mga naroon kay Amon para maghiganti sa kanya.

Pero sa paglipas ng mga taon ay hindi siya sumuko. Dumaan siyang muli sa isang matinding training para magpalakas kaya ngayon na nabalitaan niya na nakabalik na muli si Amon mula sa expedition nito sa ibang mundo ay hindi na niya palalagpasin ang pagkakataon, lalaban na niya ulit ito!

The Demon's King Only Weakness.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon