Chapter 10: The King's Arrival To Earth

205 14 3
                                    

Chapter 10: The King's Arrival To Earth.

Written by CDLiNKPh

"THIS PLACE is too small for me and my baby. Find me another one."

Nag-angat ng tingin si Senator Albano nang marinig ang sinabi ng hari habang tinitingnan ang mansyon na nabili niya para rito. Isa na iyon sa pinakamalaking mansyon na mayroon siya sa Manila pero naliliitan pa rin ito?!

"Why? You don't want to?" blangko ang tingin na tanong sa kanya ng hari.

Umiling siya. "Of course not! Sige po, hahanapan ko kayo!" namumutlang sabi niya sabay luhod sa harap nito.

Bilang hari, dapat itong luhuran ng kahit na sinong demonyo at hindi sila maaaring tumayo hanggang hindi nito sinasabi. 

Siguro kailangang mas taasan pa niya ang expectation niya. Isa nga namang hari ang kaharap niya at makapangyarihan pa on top of that.

"And you don't need to hire maids and bodyguards for me. Magsasama ako ng ilang mga demons from hell to take care of the mansion," sabi nito saka naupo sa malambot na sofa na naroon sa malaking sala. Kandong nito sa lap nito ang baby na inaabot-abot ang mukha nito.

"Sino po ang batang hawak ninyo mahal na hari?" kinakabahang tanong niya. 

Kilala sa pagiging mainitan ang ulo ng hari at mabilis mairita sa mga simpleng tanong lang. Pero nakucurious talaga siya kung bakit may hawak ito na tila isang taong gulang na batang babae. 

"She's my princess Lucy. My daughter, isn't it obvious?" 

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang ngumiti ang hari habang pinakikilala ang 'prinsesa' daw nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang ngumiti ang hari!

"N-Nakabuntis pa kayo ng isang tao--"

"Don't be stupid! Do you think papatol ako sa isang hamak na tao lang?" Biglang nairita ulit ang mukha nito. "Her st*pid parents left her to die. But thanks to their greatest mistake, I've found my purpose in life. Lucy is mine now, hindi na siya anak ng mga mabababang tao na iyon."

Napatango na lang siya. Hindi pa rin makapaniwala na ang hari na libangan lang ang pagp*tay ay mag-aampon ng isang batang babaeng tao. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na kahit ang mismong mga supling nito sa impyerno ay kinikitil nito ang buhay kapag nairita ito, ganoon din ba ang magiging kapalaran ng batang hawak nito ngayon?

Maisip pa lang niya ay naaawa na siya sa bata. Baka kapag nawala ang interes dito ng hari ay baka bigla na lang itong p*tayin. Pero wala rin naman siyang magagawa sa kapalaran nito. He is too weak compared to the king. Ito ang Diyos at batas ng lahat ng demonyo sa impyerno.

"Dinala ko rito si Baby Lucy dahil hindi kinakaya ng katawan niya ang atmosphere ng impyerno. Ang sabi ng taong doktor na tumingin sa kanya ay kailangan daw niyang madala sa ospital to recover but the way I see it, mukhang hindi na niya kailangan iyon. Mukhang masigla na agad ang katawan niya simula ng makarating kami rito. Going here on earth is really worth it. Masaya akong makitang masigla na ulit si Baby Lucy. But I still want to make sure. Kailangan mo akong samahan sa ospital maya-maya. Magpapahinga lang kami," dugtong nito.

"Masusunod mahal na hari," sabi niya. Hindi pa rin makapaniwala that the king will waste his precious time just for the sake of a human baby.

"Hanggang kailan n'yo po balak na magbakasyon sa lupa, mahal na hari?" tanong niya.

"I will stay here hanggang sa ang baby sa kandungan ko ay mamatay dahil sa katandaan. Why you're asking so many questions? You're just a slave," naiirita ng tanong ng hari.

Yeah, he may be a respectable senator on earth but he is just a lowly servant on hell. Siya ang nagpalaki kay Deimos noong bata pa lang ito kaya buhay pa rin siya hanggang ngayon sa kabila ng katotohanan na tumakas siya noon para manatili sa mundo ng mga tao. He spare his life dahil siya ang nag-alaga rito noon.

The truth is, he fell in love with a human. Kung tutuusin, ang mga demons na may mataas na ranggo at malalapit sa hari ay kayang mapanatili ang kabataan hanggang trenta pero dahil nainlove siya sa tao, mas pinili niyang tumanda ng paunti-unti for her sake. Ngayon, mukha na siyang singkwenta. Pero hindi niya pinagsisisihan iyon, mas nanainisin niyang tumanda kasabay ng asawa niya kahit ang totoo ay ilusyon lang iyon. Dahil kahit mukha na siyang singkwenta, naroon pa rin ang katotohanan na hindi siya mamamatay at maiiwan siyang mag-isa ng asawa niya balang araw. But for him, it's worth it. 

Ganoon din ba ang magiging kapalaran ng hari pagdating ng panahon? Masasaktan din ba ito kapag ang bata sa kandungan nito ay lumaki na at mamat*y sa katandaan balang araw?

Napailing siya. Walang puso ang hari. He can even kill his own family. Naaaliw lang siguro ito sa batang iyon pero kapag nawalan ito ng gana ay tatapusin na rin nito ang buhay niyon.

"I need my own money in this world. Bago ako nagpunta rito, may mga binasa na rin naman akong libro na dinala ni Bael tungkol sa mundong ito kaya may kaalaman din naman ako kahit na kaunti. Ibenta mo ang lahat ng gintong ito at gawan mo ako ng pekeng identity sa mundong ito," sabi ng hari saka inangat ng bahagya ang kamay nito at sa isang iglap, daan-daang toneladang ginto na ang lumabas sa space ring nito.

Ang space ring na iyon ay mahalagang artifact na nagpasalin-salin na sa iba't-ibang hari na namuno sa impyerno. Sa pamamagitan no'n, maaaring magstore ng kahit ano'ng gamit ang user kahit gaano pa iyon karami. He is also using that ring to travel between different worlds. Makapangyarihang ring na ang mga hari lang ang may karapatang magmay-ari. 

Pero napansin niya na may suot ding ring ang bata. Ang ring na kapartner ng ring na suot ng hari na kadalasan ay binibigay lang ng mga hari sa reyna ng mga ito. May tracker iyon at protection mana para protektahan ang user at bukod doon, may kakayahan iyong magfit sa daliri ng sinumang magsusuot kaya magkakasya iyon kahit sa daliri ng isang bata.

Binigay ng hari ang ring na iyon sa isang human baby? Isa lang ang ibig sabihin no'n, mukhang pinahahalagahan talaga nito ang bata!

"Are you listening to me?!" 

Naputol ang pag-iisip niya nang magsalita ang hari.

"Yes, my lord, I'm sorry. Sige, ipagbibili ko ang mga gintong ito at pagkatapos ay ituturo ko pa rin ho sa inyo ang lahat ng bagay na dapat ninyong malaman tungkol sa earth," magalang na sabi niya.

"Good. I need to be a proper human in order to be a good father for Baby Lucy. This will be my new world now," sabi nito na niyakap ang bata sa kandungan nito.

Hindi pa rin siya makapaniwala na naririnig niya ang lahat ng iyon sa hari. Kung hindi lang niya ito kilala, baka naniwala na siya. Pero hindi nga kaya seryoso ito?

Magagawa ba nitong mabuhay bilang isang normal na tao at manatili sa isang lugar kung saan ilegal ang pagp*tay? Makakapagtimpi ba ito kung ang buhay para rito ay maikukumpara lang sa buhay ng mga langgam?

Pero wala rin naman siyang magagawa kahit magduda pa siya. Ito ang hari at alipin lang siya. Kahit gaano pa kataas ang status ng buhay niya sa earth, pagdating sa hari ay alikabok pa rin siya.

- To Be Continued...

The Demon's King Only Weakness.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon