Chapter 8: A Body That Is Not Suitable For Hell.

244 18 7
                                    

Chapter 8: A Body That Is Not Suitable For Hell.

Written By: CDLiNKPh

"HOW is my baby? Bakit tatlong araw na ay hindi pa rin siya gumagaling?"

Halos manginig ang kalamnan ni Haring Deimos sa pag-aalala matapos tingnan ng doctor si Baby Lucy. Isa itong tao pero sapilitan itong dinala ni Bael sa impyerno para lang tingnan ang kundisyon ng prinsesa niya. 

Takot na takot pa ito kanina nang dalhin doon pero wala rin itong magawa dahil buhay nito ang nakataya kapag hindi nito tiningnan ang kundisyon ni Baby Lucy. Takang-taka nga ang mukha nito kanina kung bakit may batang naroon sa impyerno.

"Mataas po ang lagnat niya--"

"Do you think wala akong mata? Lahat ng gamot na pang tao na pwede sa bata ay pinainom na namin sa kanya! Pinupunasan ko na rin siya ng maligamgam na tubig at sinuotan ng preskong damit!" inis na sabi niya na hindi na alam kung ano pa ang pwedeng gawin. 

Parang lalo namang nanginig sa takot ang doktor nang marinig ang pagsigaw niya.

"Sa tingin ko po ay dahil sa environment na mayroon sa impyerno," nauutal na sabi nito.

"What do you mean by that?!"

"Halos dalawang oras pa lang po ako rito pero hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa hangin at init. Sa tingin ko, ang lugar na ito ay hindi suitable para sa mga taong katulad namin--"

"You're insane! You're just a normal disgusting human so you can die anytime here but not my Baby Lucy! Isang taon na siya rito sa impyerno pero nakasurvive naman siya! Paanong nangyari na ngayon lang siya naapektuhan?" 

"Posible po na malakas lang ang resistensya ng baby kaya nakatagal siya ng isang taon dito pero unti-unti na ring umaapekto sa katawan niya ang tila masamang hangin na dulot ng impyerno. Mas makabubuti po kung makakabalik sa earth ang bata. In that way, makakarecover siya at madadala sa ospital for further check ups--"

Hindi naituloy ng doktor ang sinasabi nito dahil hindi siya nakapagtimpi at hinagisan na lang niya ito bigla ng bote ng alak. Tumama iyon sa noo nito kaya nagdugo iyon!

"Get out of my face! Hilahin ninyo palabas ang pekeng doktor na iyan!" galit na sabi niya. 

Agad namang sumunod sa kanya ang gwardiya ng palasyo. Namumutla ang doktor na kinaladkad paalis doon.

"I can't believe that he actually suggested that! He's insane if he thinks that I will let go of my child! Never!" Tumataas ang dugo na rant niya kay Bael.

"Mawalang galang na po, mahal na hari pero paano kung iyon na lang talaga ang solusyon? Unti-unti nang nanghihina si Baby Lucy. Baka matuluyan siya kapag hindi natin sinunod ang doktor--"

"Shut up! It will never happen to her! I will never let her go! Never!" sabi niya na hindi namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha sa mga mata niya habang pinapanood kung paanong nahihirapan nang huminga si Baby Lucy. 

Sa buong niya ay ngayon lang siya umiyak at ganito pala ang pakiramdam. Para siyang miserable at hindi malaman kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya ay gusto niyang magwala at pat*yin ang lahat sa paligid niya maliban lang kay Baby Lucy. Pero ayaw niyang mag-aksaya ng panahon para gawin iyon dahil mas mahalaga sa kanya ang kalagayan nito.

Ang sabi ng doktor kanina ay hindi naman daw ito nalason pero bakit bigla na lang itong nanghina?

Dahil nga kaya hindi suitable para sa isang pangkaraniwang tao lang ang impyerno? Hindi niya alam dahil si Baby Lucy ang kauna-unahang tao na nakatapak doon.

Pero sa tuwing naiisip niya na mawawala na ito ay parang unti-unting dinudurog ang puso niya. 

Totoo na marami siyang anak sa iba't-ibang babae pero kahit kailan, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para maging ama sa mga iyon dahil alam niya na kayang-kayang gamitin ng ina ng mga ito ang mga bata para mapatalsik siya sa trono balang araw. Gaya ng ginawa niya sa sariling ama na pinat*y niya rin noon. Kaya mas pinipili niyang maging malamig sa mga anak na alam niyang mga wala rin namang pagmamahal sa kanya.

Sa impyerno, wala kang ibang dapat na pagkatiwalaan kung hindi ang sarili mo lang. 

But when it comes to Baby Lucy, he can be himself. Dito lang siya nakaramdam ng tunay na pagmamahal sa kauna-unahang pagkakataon. Sa tuwing nakikita niya ang inosenteng ngiti nito at sa tuwing tinatawag siya nitong daddy, ang saya-saya niya.

Maybe because she's still a baby, and she don't have anyone aside from him, pakiramdam niya ay gusto niya itong palaging protektahan at alagaan. He doesn't care if they are not related by blood pero para sa kanya, ito ang nag-iisang anak niya and he will do everything for her. Pakiramdam nga niya, kahit ang sariling buhay niya ay kaya niyang ibigay para rito.

"Bael, gather all the council members. Papuntahin mo silang lahat sa throne room, i have an announcement to make," sabi niya.

Natigilan si Bael. 

"Ano po iyon, mahal na hari?"

"If my baby can't survive here then I will take her back to earth. But I will go with her..." walang anumang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Bael. "Pero mahal na hari, pwede n'yo naman siyang iwan sa--"

"You're becoming more st*pid everyday Bael! Do you think she can survive there alone? She's just a child!"

"Maaari ko siyang pasamahan sa isa mga maids para mag-alaga sa kanya sa labas na mundo. Hindi n'yo kailangang sumama sa kanya--"

"No! I will go with her! I can't live without Baby Lucy! She's my daughter so I have to take care of her! Hindi ko siya ipagkakatiwala sa kung sino-sinong maid lang!"

"Pero--"

"Another one word from you, I will make sure that you won't be able to speak again!" pagbabanta niya rito.

Nanahimik na ito. 

"Pakisabi kay Benilda na ihanda si Thor."

"Thor?"

"Yeah. Siya ang gagawin kong pansamantalang hari habang wala ako."

"But he's just 8 years old!"

"So? We both know that he have a memories from his previous life. He might have a body of a kid but deep inside, he's already old enough to handle the whole kingdom," sabi niya.

Nang mapansin nila na kakaiba si Thorn kung ikukumpara sa mga kapatid nito, pinasuri nila ito ng palihim noon sa isang mangkukulam. And they found out that his soul is from another world. Noon pa man ay ito na ang napipisil niya na maging tagapagmana niya. Sa ugali pa lang nila ay parehas na parehas na sila kaya binigyan niya ito ng maraming pagsubok noon ng palihim na naipasa naman nito lahat nang hindi nito nalalaman. Kung mayroon man siyang dapat pag-iwanan ng trono niya ay ito lang at wala ng iba pa.

Iyon lang at umalis na si Bael sa harapan niya habang siya naman ay hinaplos ang mukha ng inosenteng anak niya.

Yeah, he's willing to sacrifice everything for her. Kahit pa ang posisyon niya sa palasyo. Alam niyang maikli lang ang buhay ng mga hamak na tao pero gagawin niya ang lahat para mabuhay pa ito ng matagal. 

Even if it means he have to give up everything for her. Kahit pa na tumira siya sa isang mundo kasama ang mga tao na pinandidirihan niya...

- To Be Continued...

Bakit onti nagkocomment o kaya puro NEXT lang, ayaw n'yo ba sa story? Hahaha...

Ano pa ang mga gusto niyang mabasa sa kwento? Any suggestions and feedbacks are welcome!

The Demon's King Only Weakness.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon