Chapter 23

27.1K 1.9K 1.2K
                                    

"HINDI AKO SI ARKANGHEL, PERO PAGTIYAGAAN MO MUNA AKO."



Saktong alas dose ng hating-gabi. Bago matapos ang araw ng birthday ko. Yumukod siya at hinagkan ako sa noo. "Anong ginagawa mo rito?" gulat pa ring tanong ko.



Namulsa siya sa suot na cargo shorts. Ang ayos niya ay simple lang. Pambahay na puwede ring pang-mall. White shirt na may print ng Attack on Titan anime sa harapan, checkered cargo shorts, at sombrelo na kulay itim. His accessories were two small silver hoop earrings on both ears and a silver dot on the left side of his pointed nose.



When he took off his black cap, I noticed his quite long hair was still wet. It looked like he had taken a shower before coming here, that was why he smelled so good. Aside from the scent of his men's cologne, which was a combination of amber, mint leaves, and leather, I could also smell his Head & Shoulder shampoo and Irish Spring body wash.

 

Ngumiti siya. "Birthday ng nag-iisang pinsan ko. Alangang wala ako? E di nagtampo ka."



Pigil naman ang ngiti ko nang simangutan siya. "Bakit sa bintana ka dumaan? Paano kung may makakita sa 'yo at mapagkamalan kang parte ng akyat-bahay gang?!"



Pinamewangan niya ako. "First of all, paano ako dadaan sa pinto e anong oras na? Mamaya ma-imbyerna pa ang erpat at ermat mo kapag nagising sila kung magdo-doorbell ako. Hindi rin naman ako puwede kanina sa mismong party mo pumunta, kasi second of all, hindi naman ako imbitado, di ba?"



"Ano iyong pang-third of all?"

 

Ang ngiti niya ay nauwi sa ngisi. "Third of all, mas exciting dumaan sa bintana kaysa sa pinto."



Inirapan ko siya kahit nakangiti na ako. "Bakit hindi ka nag-text muna? Ginulat mo ako. Paano kung nagsisigaw ako rito dahil napagkamalan kitang magnanakaw pala?"



"Hindi mo gagawin iyan, naamoy mo pa nga lang kung gaano ako kabango kanina, napipi ka na. Paano ka pa makakasigaw?"

 

Nagkakangitian na kami, parang walang nangyari. Parang hindi ako inis sa kanya noong nakaraan. Sa isang iglap, limot na namin iyon. Bumalik na ulit kami sa dati. And I was happy to see him tonight. He didn't forget my birthday.



"Kumain ka na?" malambing na tanong ko.



"Di pa nga e. Me tira pa ba sa handa mo?"



"Pansit na lang. Nasa ref."



"Okay na iyon. Pag-init mo ako. Tapos kung may juice kayo, ipagtimpla mo na rin ako."



"Okay." Lumabas na ako para gawin ang mga sinabi niya. Nasa hagdan na ako nang matigilan. Wait, inutusan niya talaga ako? At sumunod naman agad ako?!



Huminga ako nang malalim. Okay lang, ngayon lang naman. Na-appreciate ko na hindi niya nakalimutan ang aking birthday kaya palalampasin ko siya ngayon. Nakangiti na akong nagpunta sa kusina para ipag-init siya ng pansit at ipagtimpla ng juice.



When I returned to my room, Miko was already lying on my bed. Yakap na rin niya ang isang unan ko habang chill siyang nagsi-cell phone. Ang unang pumasok sa isip ko ay sawayin siya, kaya lang ay bakit parang ang bagay niya sa aking purple bedsheet? Hindi rin nakakatakot na marumihan ang higaan ko dahil mabango siya.

 

Nang lumingon siya sa akin ay saka lang ako napakurap. Ngumiti naman siya. "Ayan na ba pagkain ko?" Bumangon siya. "Puwedeng kumain dito sa kama mo? Di ako maghuhulog, promise."



Tumango lang ako at ibinigay sa kanya ang plato na may lamang pansit at tinapay. Iyong baso ng juice naman ay aking inilagay sa bedside table. Nagsimula na siyang kumain. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil sunod-sunod ang subo niya, mukhang gutom na gutom.

South Boys #6: Bad LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon