Chapter 1: The Abandoned Child

609 22 7
                                    


Chapter 1: The Abandoned Child 

Written by CDLiNKPh

ISANG hindi inaasahang pangyayari ang naganap no'ng araw na iyon. Ang ulap ay bigla na lang kumilimlim at kumidlat ng malakas. Hanggang sa ang langit ay bigla na lang dumilim kahit tanghaling tapat. Nabalot ng dilim ang liwanag kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan at pag-iyak ng sanggol na hawak ng isang babae sa gitna ng kalsada na walang mga sasakyan. Sa gilid niyon ay puro mga damo at ni wala pang tao kahit na isa.

"Ano ang gagawin natin, baka mamatay ang sanggol kapag iniwan natin dito, Roy," sabi ng babae.

"E 'di mas maganda para wala na tayong maging problema! Iwan mo na 'yan diyan Rowena! Masyado pa tayong mga bata! Hindi pa natin kayang bumuo ng sarili nating pamilya!" sabi naman ng lalaki.

Napatingin si Rowena sa hawak na sanggol. Tila nahawa siya sa iyak ng sanggol na tila nararamdaman ang nalalapit na pagkawalay sa magulang nito.

"I'm sorry, anak. Isang pagkakamali na inilabas kita sa mundong ito--"

"Tama na ang drama! Iwan na natin iyan dito at baka may makakita pa sa atin!" pagsigaw ni Roy.

"Pero--"

"Ah ewan ko sa 'yo! Aalis na ako, kung ayaw mong sumama, 'di 'wag mo!" sabi nito saka na sumakay sa kotse nito pero hindi muna iyon pinaandar na parang hinihintay pa rin siya nito.

"I'm sorry, anak..." sabi ni Rowena saka dahan-dahang nilapag sa damuhan ang baby na iyak nang iyak.

Sa lakas ng ulan, sigurado na ang kamatayan nito kung walang makakakita rito. Pero humihiling pa rin siya na sana ay may mapadaan sa kalsadang iyon at mapansin ito.

Mabigat ang mga paa na naglakad si Rowena palayo sa bata at sumakay na sa sasakyan kasama ng nobyo. Habang ang sanggol ay umiiyak na tila nararamdaman ang pag-abandona rito...

----

SAMANTALA...

Mula sa kalangitan ay may lumitaw na maitim na usok at lumabas mula roon ang mga libo-libong nilalang na nakaitim at may mga pakpak na itim. Sa kabila ng paglitaw nila, nananatili pa rin silang invisible sa mata ng mga tao. Pero ang biglaang eclipse na hindi madedetect ng modern technologies ay nakikita pa rin ng mga ito sa mga panahong iyon. Iyon ay dahil sa kakayahan ng hari ng impyerno na baguhin ang lagay ng panahon.

"Tunay ngang maraming tao ang maituturing pa na mas demonyo kaysa sa atin. Para mag-iwan ng sanggol sa kalagitnaan ng kalsada sa masamang panahon?" Naiiling na sabi ni Bael. Kitang-kita nila kung ano ang ginawa ng dalawang tila magkasintahan na parang parehas pang menor-de-edad.

"What's wrong with leaving the baby behind if they only think that it will cause a problem?" nakangising sabi ni Deimos. Ang hari ng mga dyablo.

"Tama! And she's so irritating! Let's just k*ll that brat! Ang ingay-ingay!" maarteng sabi naman ni Azara. Ang fiancee ni Deimos at soon to be queen ng hell. Akmang maglalabas na ito ng enerhiya sa kamay nito pero pinigilan ito ni Deimos.

"Hold your horses, Azara. I want to take a look of her miserable situation first," sabi ni Deimos. Bumaba mula sa paglipad at lumapit sa sanggol na iyak ng iyak.

"As expected from you. You want to see people suffer. Kahit na galing pa mula sa isang sanggol," sabi naman nito.

Biglang tumigil sa pag-iyak ang sanggol ng tila maramdaman na naroon si Deimos.

"Fascinating. She stopped crying as soon as she see me," halos pabulong na sabi ni Deimos.

Kinuha nito ang sanggol na tumigil sa pag-iyak at tumitig dito.

"Hmm... She might be wondering why I have horn and wings," sabi ni Deimos. For some reason, this baby is bringing him peace at hindi maipaliwanag na pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang inabot ng maliit na kamay ng baby ang mahaba niyang buhok at hinila iyon!

"Brat! How could she pull the King's hair? I will really k*ll that child--"

"Shut up, Azara! I can hear you from here!" pagsaway ni Deimos. Hindi pa rin naaalis ang tingin sa sanggol na tila katulad nito ay namamangha rin sa paghawak sa maliit na nilalang.

Bumaba na rin ang mga demons na nasa langit para lapitan si Deimos.

"God, how can a person be this small and so fragile? I want to break her into pieces," nakangising sabi ni Daemon.

"Then do it quickly, my lord. Marami pa tayong dapat gawin sa mundong ito. Kailangan na nating umpisahan ang pananakop--"

"Are you commanding me now, Azara? Who do you think you are?" sabi ni Deimos na binigyan ng masamang tingin ang babae.

Agad naman na nakaramdam ng takot si Azara. She might be his fiancee pero ang status nito mula kay Deimos ay milya-milya ang layo. Kahit anak siya ng Duke ng hell, anak lang siya sa labas. But Deimos still choose her sa kabila ng maraming demon na gustong maging reyna dahil sa kompetisyon na napalanunan niya. Isa siya sa mga pinakamalakas na demonyong babae. Pero alam niya, hindi maghehesitate si Deimos na tapusin ang buhay niya kapag ginusto nito. Gaya ng maraming babae na nagdaan na sa buhay nito at ang hindi mabilang na concubines sa hell na ginagawa lang nitong laruan.

"If I k*ll her now, hindi ko na malalaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa pagtingin sa batang ito. And she's so fascinating. Naaaliw ako sa pagtingin pa lang sa kanya," sabi ni Deimos.

Nanlaki ang mga mata ng lahat. Mahirap aliwin at pasayahin ang hari ng impyerno. Ang kadalasan nitong hobby ay ang makipag-s*x sa maraming babae ng sabay-sabay. Kaya nga libo-libo ang concubines nito sa hell. Bukod doon ay ang pagp*tay. Pumap*tay ito in just a whim. Hindi ito pumipili ng edad, kasarian o estado sa buhay. He even k*lled his own father. Pero walang kumalaban dito dahil ang lakas ang batas sa impyerno. Nagawa nitong talunin ang ama kaya ito ang karapat-dapat sa trono. Kapag nagustuhan nito, gagawin nito. But to think na makukuha ang atensyon nito ng isang sanggol na tao lang?

"Let's go back for now. I want to be with this child a little longer," sabi nito.

"W-What?! Pero paano po ang pananakop, Panginoon? Kaya tayo nandito lahat ngayon para sakupin na ang buong kalupaan!" sabi naman ni Bael.

"Ako ang masusunod kung kailan ko iyon gustong gawin. Kapag pinigilan ninyo ako, papat*yin ko kayong lahat, naiintindihan n'yo ba?" 

Katulad ni Kazara ay kinilabutan din si Bael. Alam nito na kahit ito ang kanang kamay ni Deimos ay hindi ito mag-aatubiling tapusin din ang buhay nito.

Iyon lang at nagbukas na ng portal na apoy si Deimos na magsisilbing pinto papunta sa impyerno. Pumasok ito roon kasama ang sanggol. Nagsisunuran din dito ang ilan pang mga demonyo.

- To Be Continued...

Inspired by Hana To Akuma and Judge From Hell! Hahaha! Ano ang masasabi ninyo rito? Leave comments please!

The Demon's King Only Weakness.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon