Ch. XIX: Worries

2 1 5
                                    

"One, two, three, four, five, six, seven, eight." 

Nagpa-practice na ang boys sa bakanteng lote sa likod ng building kung nasaan din ang kanilang hideout. Ang kanilang pina-practice ay ang ipe-perform nila sa opening ceremony ng school fair at si Nate ang nagtuturo ng kanilang sayaw.

"Stop!"

Tumigil nga ang lahat nang sabihin 'yon ni Nate.

"Nagkamali ka na naman, Kuya Gelo," aniya.

Tahimik lang si Gelo sabay kamot sa kanyang batok.

"Sorry," bulong niya.

"Gelo, okay ka lang? 'Di ka naman ganyan, ah," saad ni Akira.

"Oo nga. Sa aming lahat, ikaw palagi ang unang nakaka-gets ng dance steps. Pero ikaw yata ang may pinakaraming mali ngayon," sambit naman ni Mikki.

"Sorry, may iniisip lang ako. Pero I'll get it this time, I promise. Ituloy lang natin," tugon ni Gelo.

Kahit pa may bumabagabag kay Gelo ay pinilit niyang isawalang-bahala ito dahil ayaw din niyang maging abala sa kanilang ginagawa at maging alalahanin ng kanyang mga kasama.

Pagkatapos no'n ay ipinagpatuloy na nila ang pagpa-practice ng kanilang sayaw.

---

"Kumusta na kaya sila?"

Tanong ni Michelle habang namamasyal sila ni Elanna sa gitna ng fair.

"Naku, okay lang 'yong mga 'yon. Besides, kailangan na nilang maghapit ngayon dahil mamayang hapon na 'yong performance nila."

Hindi kaagad nakapag-practice ang grupo kahapon dahil nawili silang mag-ikot sa fair.

"Hello!"

Napahinto naman ang dalawa nang may biglang bumati sa kanila.

"Oh, Elsie."

"Mukhang kayong dalawa lang. Where are the boys?" tanong nito.

"Ah, may practice sila ngayon ng performance nila mamaya," sagot ni Elanna.

"Oh, really? Hmm," ani Elsie sabay aktong nag-iisip.

"Parang may nabanggit nga sa'kin si Nate kanina," dagdag niya.

"Sige, diyan na kayo. Bye!"

Pagkatapos ay tuluyan nang umalis si Elsie at nagpatuloy na sa paglalakad sina Elanna at Michelle.

"Can I tell you a secret, Michelle?"

Napaangat ang kilay ni Michelle. "Ano 'yon?"

"About that Elsie girl. I don't know how to explain this pero may nararamdaman akong hindi maganda since I met her. It's like, you feel sick to your stomach. . .basta like that. Medyo mahirap i-explain—"

"Hindi. Gets kita, Elanna."

Nandilat naman ang kanyang mga mata. "Really?"

Tumango naman si Michelle. "Kasi parang gano'n din ang pakiramdam ko kapag malapit siya. Basta, hindi ko rin ma-explain. Akala ko, ako lang."

"Magi-guilty na sana ako na baka judgmental lang ako," dagdag pa ni Michelle sabay tawa.

Bigla namang napaisip si Elanna sa nalaman niyang 'yon mula kay Michelle.

"Bumili kaya tayo ng meryenda para sa boys? Dalhan natin sila."

Tila natinag naman sa pag-iisip si Elanna nang marinig niya si Michelle.

"Ah, sure."

Pagkatapos ay naglibot na sila sa stalls ng mga pagkain upang bumili.

Nang matapos naman sila ay agad silang dumeretso sa bakanteng lote na nasa likod ng hideout ng boys at nadatnan naman nila ang mga ito ro'n.

KALUWALHATIAN: Bathala's Talisman (BGYO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon