CHAPTER 10

19 4 0
                                    

Nandito ako sa kwarto habang naka tulala lamang sa kisame nanc biglang may kumatok saaking pintoan.

“ Pasok.“ Sambit ko habang naka titig padin sa kisame at tinitignan ang mga designs namin nila mama at papa noon.

“ Anak.“ Tawag saakin ng dalawang pamilyar na boses sa bandang pintoan kaya napa lingon ako dito, “ Anak, kamusta kana?“ Dagdag pang tanong ng mga ito saakin kaya mas natulala ako habang tinititigan sila.

Totoo ba ’to?

“ Mama? Papa?“ Patanong kong tawag saaking mga magulang, napapaluha na ako nang makita silang dalawa nga ang mga ito. Pumunta ako sa kung saan sila naka tayo at niyakap ang mga ito.

“ How was our baby?“ Tanong ni mama, hindi ko ito nasagot ng madalian dahil naka yakap lamang ako sa kanilang dalawa.

Ang ganda sa feeling na may yumayakap na magulang.

“ I-i’m fine, s-sorry.“ Bulong kong sagot habang umiiyak.

I can't believe that I got a chance to see my parents, I can't believe that I am hugging them, I am so happy to hear their voices and how they call me their daughter.

“ For what? You didn't do anything.“ Ani ni papa nito habang hinahaplos ang aking likoran, biglang sumagi sa utak ko ang binigay nika saaking kwentas.

“ Wait, may kukunin lang po ako.“ Sambit ko at kumalas na sa yakap nila.  Mabilis akong pumatungo sa maliit na divider ko at hinahanap ang kwentas na naka tago dito.

“ Ito.“ Masaya kong sambit habang naka ngiting lumingon sa kung saan naka tayo ang aking mga magulang pero wala na sila dito. Mabilis ako tumakbo at binuksan ang pintoan pero nakita ko lamang ang sarili ko noong bata pa ako at kasama ko sila mama dito saaming bahay at inaaya itong pumonta sa resort.

“ Please??? Please, please, please, please... I just want to celebrate my birthday at our resort.“ Naka puppy eyes kong pagpipilit saaking mga magulang at Pagsisinungaling.

“ Fine, but in just 1hr.“ Sagot nito saakin na ikinangiti ko pero masakit padin sa pakiramdam na isang oras lang kaming magkakasama at may kondisyon pa, pero masaya ako dahil makikita nila ’yung inayos namin ng mga staff ng resort.

“ Thank you!!!“ Masaya kong ani at kinuha ang barbie doll kong si Ellie, my favorite Ellie.

“ Why did you agree?“ Rinig kong tanong ni mama kay papa ng nasa kotse na kami at nag d-drive si papa, “ We still need to go to work.“ Dagdag pa nito. Trabaho nanaman pala ang nasa isip ni mama.

Work is more important to her than me. ’yan ang tanging nasa utak ko habang nag d-drive si papa.

“ We are just going to spend our 20 minutes with our child and then iiwan ulit natin siya kay manang.“ Rinig ko ulit na sambit ni papa. Yes, Yaya is with us and I expected that already, pero akala ko ay 1hr? Bakit 20 minutes nalang? Hindi ko nalamang pinansin ito at nilaroan ko nalang si Ellie dahil magiging masaya naman kami kahit papaano.

Nagising akong masakit ang aking ulo at umuusok din ang aming kotse, nakita ko ding dûgóan lahat ng mga kasama ko, nakikita ko ang mga taong naka palagid pero malabo ito nant bigla akong mawalan ng malay.

Nagising ako sa isang kwartong may puting kisame habang wala sila mama at papa saaking tabi, kahit ba naman sa pag gising ko ay wala sila? Nasaan kaya Sila? Inaasikaso ba nila ang negosyo? Tatayo na sana ako nanh makita ang nurse na papasok, bakit may nurse? Bakit nurse ang nakikita ko? Bakit Wala si yaya? Wala naman akong sakit ah.

“ Are you fine?“ Tanong nito saakin habang naka ngiti.

“ Where is papa and mama po?“ Malumanay kong tanong.

“ Uhmmm...“ Hindi ng nurse matuloy ang sasabihin niya kaya nag taka ako.

“ Baki—“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maalala ang pangyayari. Anong nangyari? Bakit ba may mga dugo sila mama noon? Naaksidente ba kami? Bakit?  Bakit ganon, “ Nasaan sila papa?!“ Umiiyak kong pasigaw na tanong sa nurse.

“ Sorry.“ Hindi ko maintindihan ang sagot niya, hindi ko alam kung bakit siya nag so-sorry nang biglang may pumasok na doctor.

“ Shhhh, your mother and father are just sleeping and your yaya.“ Sambit nito, sleeping? Bakit Sila matutulog sa ganitong oras? Apaka aga pa.

“ Sleeping?“ I curiously ask.

“ They are...“ Hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin niya nany biglang bumolongan ng doctor ito.

“ What? Why?!“ Umiiyak kong tanong.

“ Baby, your daddy and mommy are dead because of the car accident.“ Sagot nito, dead? Car accident? Bakit? Bakit? Hindi ko alam, hindi ko din alam sa sarili ko kung anong una kong itatanong kaya pumikit na lamang ako. Binigla nila ako at mula noon ay hindi na naalis sa utak ko ang salitang iyon... dead.

Nang imulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga relatives namin na galit na galit habang naka tingin saakin lalong lalo na si Lolo. Hindi ko na din nakita ang aking mga mahal sa buhay.

“ You're the curse of our family! You killed your parents and your Yaya because of your selfishness, and because you are a spoiled little brat! Damn!“ Galit na sigaw ni lolo saakin at itinulak lamang ako nito sa puntod ng aking mga magulang. Ang daming mga masasamang salita ang naririnig ko sa iba pa naming mga kamag anak na nag bulong-bulongan pero wala akong magawa kundi ang umiyak lamang. Bata lang ako that time, hindi ko kayang lumaban.

“ Sorry, sorry, sorry!“ Bigla akong nagising habang humihingal at gulat na gulat.

bangongot.

“ Sorry for what i’ve done.“ Paghihingi ko ng tawad habang humahagolhol padin dahil sa konsensya.

“ Sorry po, sorry, sorry.“ ulit ko pa habang sinasabonutan ang aking sariling buhok.

“ Bakit? Bakit... Bakit hindi nalang ako ang inagawan ng buhay? Bakit h-hindi ko kayo naligtas n-noong... noong araw na iyon, bakit?  K-kung... kung nag isip sana ako na kailangan ninyu ang tulong ko, at hindi ko nalang ininda ang sakit ng aking katawan ay buhay pa sana kayo.“ Hagolhol kong sambit, halos yakapin ko ang sarili kong mga tuhod habang umiiyak, at halos mabasa ang damit ko ng dahil sa mga luha ko, Hindi ko intensyon na mawalan ng buhay sila papa at mama, hindi ko intensyon na mawalan ng malay noong araw na ’yon.

Nagising nalamang ako habang masakit ang aking mga mata at parang bruhang hindi nanunuklay. Pumonta ako sa cr at nang maka harap ko ang salamin ay mapula padin ang aking mga mata at namumula padin ang aking mukha.

Nag madali akong naligo dahil beyernes na ngayon at may PE kami, ang bilis ng oras dahil noong martes ata ’yun ay nakikipag usap pa ako kay Alvrighte tungkol sa mga problema ko, pero ngayon ay nagising na ako habang masakit ang mga mata ko at dahil din iyon sa problema ko. Kahapon din ay may groupings kami sa English at madali lamang itong na report pero binigyan na kami ni ma’am ng free time, hindi ko nadin naabotan noong paguwi ko sila Lolo at Lola dahil umalis na ito ng wala manlang sinasabing kahit ano saaking si Lolo.

Ayos lang, hindi ko rin naman kailangan ng salita niya lalo at alam kong masama nanaman iyon.

Nag madali akong bumaba sa sala habang dala-dala ang aking bag, hindi naman na masakit ang aking braso at maayos nadin ito kaya nagagalaw ko na ito ng maayos kahapon pa.

Nang maka baba ako ay nakita ko si tita at Ace na kumakain pero hindi na ako nag paalam o kaya ay nag good morning, dahil hindi ko din gustong makita nilang maga ang aking mga mata, duduko nalamang ako mamaya kapag mag lakad ako papuntang classroom at hindi nalamang ako lilingon lingon para hindi nila makita ang mga mata kong namamaga.

Sana nga mamaya ay hindi na halata.

“ Manong, sa school po.“ Sambit ko nang maka labas ako at makita ang Taxi na walang naka sakay na pasahero. Hindi ko na inabala pa si manong Cano kanina nang makita kong nililinisan nito ang aming kotse, at ayuko din namang matanong pa niya kung bakit maga ang mga mata ko, chismoso pa naman ’yun.

MEMORIES WE CAN'T FORGETWhere stories live. Discover now