Nakakita si Ken ng kawawang pulubi na malapit lamang sa kaniyang tinitirhan ngunit hindi niya ugaling magbigay ng pera sa mga namamalimos kaya ang ginawa niya, umuwi siya't nag-effort na magluto ng sinigang.
Mabuti na lang at nandoon pa rin ang nasabing pulubi sa dati nitong puwesto pagkabalik na pagkabalik niya. Excited na ibinigay niya ang kaniyang pinaghirapang sinigang sa kawawang lalaki.
"Naku, maraming salamat po sa pagkain." Mukhang natutuwa naman ang nasabing pulubi kaya natuwa rin siya dahil may napasaya siya ngayong araw.
"Walang ano man po. Kain po kayo. Mainit pa po iyan. May kasama na iyang kanin at tubig. Magpakabusog po kayo, Kuya," ani niya.
Ngumiti ang pulubi sa kaniya bago yumuko ng bahagya. "Pablo na lang po. Salamat po ulit dito."
"Sige Pablo, enjoy your meal. Mauna na ako." Masaya siyang umuwi habang pasipol-sipol pa.
Ngunit kinabukasan, nagulantang na lamang siya kung sino ang nag-doorbell ng pagka-aga-aga. Iyon iyong lalaking pulubi kahapon na binigyan niya ng pagkain.
"Hi, good morning po," bati nito sa kaniya ng nakangiti. "Hindi po ba ikaw iyong nagbigay ng sinigang sa akin kahapon?"
"Good morning. Ako nga po. Gusto niyo pa po ba? Pwede ko naman po kayong ipagluto ulit," tugon niya habang kamot-kamot ang batok.
"May ibibigay din ako sa'yo." May iniabot ito sa kaniya.
Nagulantang siya matapos malaman kung ano ito. "Bakit? Aanhin ko 'to?"
"Para hindi na mukhang sopas ang sinigang mo next time. Sundin mo na lang ang recipe ng yumao kong Lola na may-ari ng karinderya dati at sana sa susunod, mas asiman mo pa," kaswal na saad nito.
"H-Ha?"
"Maraming salamat pa rin sa pagkain. Sana masarap ang ulam mo palagi. Good morning ulit. Bye po!"
At umalis na rin ito pagkatapos habang naiwan si Ken na tulala, laglag ang mga pangang napatitig lamang siya sa lumang book recipe na kaniyang hawak-hawak.
"G-Gagi, sinigang kaya iyon. Sopas my ass!" angil niya sa hangin. "Ang choosy naman ng pulubing iyon. Siya na nga ang binigyan—amputa, picky eater pa nga yata."
YOU ARE READING
Nah, Just SeKen
FanfictionThis is just some random SeKen imagines or drabble on the writer's past time. Some might find this cringe-y, or maybe some butterfly flapping its wings on their stomach. Few would also tear up, who knows what to find inside; anything childish, daddy...