Chapter 41

9.9K 175 147
                                    


Chapter 41




"Kye, gusto kita."


Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang kaniyang tinuran. Kahit hindi ko hawakan ang aking dibdib ay ramdam ko ang malakas at mabilis na pagtibok niyon. Humugot ako nang hangin at napalunok pa nga.


Nang makakuha ng sapat na lakas ay dahan-dahan akong pumihit paharap kay Kessiah. Nakatayo siya, sampung hakbang ang layo mula sa akin. Nililipad ng mapaglarong hangin ang tela ng kaniyang suot ganoon din ang kaniyang buhok.


Madilim sa parteng iyon ngunit sapat na ang tanglaw ng buwan upang mabanaag ko ang kaniyang mukha. Bumuka ang kaniyang mga labi at nag-wika.


"Gustong-gusto kita!"


Sh*t. Nananaginip ba ako?


Parang may kung anong pumitik gilid ng tainga ko na nagpagising sa akin. Napaatras akong bahagya nang makita si Kessiah sa harapan ko. Walang imik nitong ipinulupot ang braso sa leeg ko at tumingkayad.


She closed her eyes and kissed me.


It was just a peck. Literal na inilapat niya lang ang labi sa akin. Parehas kaming napatitig sa isa't isa pagkadistansya niya. Hindi ako nakuntento at namumungay ang mga matang hinapit ang kaniyang beywang.


Ipinikit ko ang mata at siniil siya ng halik. It was deep yet gentle. Mabagal na humagod ang labi ko sa kaniya, dinadama ang bawat sandali. My left hand was on her waist while the other one was cupping her face. I rubbed her cheek after as a smile curved on my lips.


"So you like me, huh?"


Namumula ang pisnge niyang napaiwas ng tingin sa akin.


"Kanina pa kayo hinahanap. Nand'yan lang pala kayo."


Biglang dumating si Ate Jade kaya agad na napadistansya kami ni Kessiah sa isa't isa. Tuluyang naputol ang aming usap nang ayain na kaming bumalik doon. Lumalalim na ang gabi at mga pagod din kaya nauwi na sa pamamahinga ang lahat.


Nakapatay na ang mga ilaw at tulog na rin ang mga kasama ko ngunit ako ay nananatiling gising. Hindi mawala sa isip ko iyong kanina. Tumihaya ako at umunan sa kaliwang braso ko.


"Gusto niya ako? Totoo ba?" pagkausap ko sa kisame na para bang sasagot iyon.


Buong gabi ay iyon ang aking inisip. Gusto ko siyang tawagan para kumpirmahin iyon ngunit ayoko namang maabala ang kaniyang pagtulog. Ipinikit ko na lang ang mata at sinubukang matulog.
















Nagising ako dahil sa mga hampas ng alon. Kalmado lang iyon ngunit dahil malapit kami sa dagat ay rinig na rinig ko ang paghampas niyon sa dalampasigan. Hindi pa umaangat ang araw kaya medyo madilim pa rin.


Lumabas ako upang magalakad-lakad. Nais damahin ang malamig na hanging amoy dagat. Napahinto ako sa aking paglalakad nang madaanan si Kessiah. She was with Kuya Dustin. They were sitting in an individual deck chair.


Kalahating dipa ang pagitan ng upuan. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko rin magagawang basahin ang pagbuka ng kanilang mga labi. Hindi sila nagpapansinan. They were just sitting there, minding their own business. Para bang sapat na ang presensya ng isa't isa. Tumayo lang ako roon at pinanuod sila.


Hindi ko pa sila nakitang nag-usap nang sila lang simula noong dumating kami rito. But the way they sit beside each other... without conversation... made me realize how deep the connection they have with each other.


Ruling the GameWhere stories live. Discover now