Hinagpis Ng Inang Aswang

84 14 0
                                    

TAHIMIK lang na naninirahan sa may bandang gubat ang mag-inang si Cita at ng kaniyang anak na si Sophia. Pitong taon pa lamang ito ngunit nakakatuwang na ito ni Cita sa kaniyang pang-araw-araw na gawain.

Wala ng Ama si Sophia, nang malaman kasi nito na nagbubuntis si Cita ay agad na itong lumayo at hindi na muling nagparamdam pa. Pero gayunpaman, binuhay ay pinalaki pa rin ng maayos ni Cita ang kaniyang anak. Hindi niya ito kailanman sinisi o kinamumuhian dahil lang sa pagkawala ng kaniyang dating Nobyo. Bagkus ay minahal at tinanggap niya ito ng buong-buo.

"Bili na po kayo ng aming gulay,!" wika ni Sophia na nagtatawag ng mga mamimili. Na sa palengke sila ngayon at nagtitinda ng mga gulay na mula sa kanilang munting bukirin na pinagtataniman nila ng mga sari't-saring gulay.

Maya-maya pa ay, may lumapit na rin sa kanila para bumili. Hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Dumami ang mga bumibili sa kanila. Hindi naman na sila magtataka dahil araw-araw naman iyon.

Dala na rin siguro ng pagka-masiglahin ng mag-ina lalo na ng batang si Sophia na kahit bata pa ay parang alam na kung paano dumiskarte at humakot ng mga mamimili. At higit sa lahat, parating sariwa ang kanilang mga gulay at mura pa, hindi gaya ng sa mga katabi nilang nagtitinda din na kahit mga lanta na ay tinitinda pa rin. Kaya hindi talaga maiiwasan na sa mag-ina bibili ang mga Tao.

Hanggang sa hindi na nakatiis ang mga katabing tindahan nila. Nang hapon ding iyon, nag-aayos na ng mga gamit ang mag-ina para makauwi na. Pero pinuntahan sila ng tatlong magkukumare na kapwa niya rin nagtitinda ng mga gulay.

"Hoy ikaw babae, ano ba'ng problema mo, ha? Ano ba'ng mga pinaglalagay mo d'yan sa paninda mo at halos lahat sa 'yo na bumibili ha? Pati 'yong mga dati naming suki, nawala na at lumipat sa 'yo. Siguro may nilalagay kang gayuma d'yan sa mga gulay, ano?" sambit ng isang Ali na may masamang tingin sa dalagang Ina.

"Hindi ko po intensyon 'yon, naghahanap buhay lang din po ako para sa amin ng anak ko. Huwag n'yo naman po sanang bigyan ng malisya 'yon." sagot ni Cita na napatigil saglit nang dumating ang tatlong Ali.

"At bakit hindi, ha? Eh simula ng dumating ka dito nawalan na kami ng kita dahil halos puro na lang sa 'yo!" wika din ng isang Ali.

"Kaya kung ayaw mo'ng patuloy ka naming pag-initan, umalis ka na dito at humanap ka ng iba mo'ng pwesto!" sabi rin ng Isa.

Hindi naman na nakatiis ang batang si Sophia sa ginagawa ng tatlong Ali sa kaniyang Nanay. "Bakit kami ang aalis? Hindi naman po kayo ang may-ari ng lugar na 'to ah, kaya wala kayong karapatang paalisin kami. Tsaka, huwag n'yo ngang inaaway ang Nanay ko. Kasalanan n'yo naman kung bakit walang bumibili sa inyo, kasi nga mga lanta na ang gulay niyo! Parang kayo, mga kulubot na!"

Nagulat naman si Cita sa mga sinabi ng anak. Hindi niya inaasahan iyon. Samantalang nagtawanan naman ang ibang mga Tao na naroon na nakarinig ng sinabi ni Sophia. Pakiramdam naman ng tatlo ay napahiya sila doon. Kaya akmang susugorin ng isang Ali si Sophia pero mabuti na lang ay agad na humarang doon si Cita.

"Huwag na huwag mo'ng tatangkaing saktan ang anak ko kung ayaw mo'ng. . ."

"Kung ano ha? 'Yan ba ang tinuturo mo sa anak mo, ang sumagot sa mga matatanda?!" wika ng Ali na nagtangka sanang sumugod.

"Sa 'yo na rin mismo nanggaling na Matanda na kayo, kaya bakit n'yo inaaway ang Nanay ko na ma's bata sa inyo?" pasingit ulit na sabi ni Sophia. Na talaga namang lalong nagpagigil sa tatlong Ali.

"Bastos kang bata ka!" hindi na nakapagpigil pa ang isang Ali. Pilit nitong inaabot ang Bata na nasa likoran ng Ina nito. Ngunit hindi naman iyon hahayaan ni Cita. At dahil sa kagustohan niyang maparotektahan ang anak ay hindi sinasadyang naitulak niya ang Ali. Tumalisik ito sa gulayan.

Aswang Stories One Shot CompilationWhere stories live. Discover now