𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗦𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗦𝗔𝗪
"Pangako, Diane. Magkikita tayong muli." wika ko habang may matamis na ngiting pinakawalan para sa aking kaibigan.. Ngumiti rin ito at saka nagmamadali ng umalis. May lungkot ko siyang pinagmamasdan habang papalayo.
_____________________
NAGKAKASIYAHAN na naman ang buong grupo ni Phileos dahil sa matagumpay naming pag-atake sa mga Tao sa isang Baryo.
Lahat ng Tao roon ay aming pinatay at ginawang pagkain. Wala kaming itinira. Tanging mga dugo lamang at mga sira-sirang bahay ang naging bakas doon.
Kami ang uri ng Aswang na kung tawagin nila ay Busaw na sabay-sabay kung umatake at maghanap ng pagkain. Kaya naman parati kaming tagumpay sa tuwing kami ay lulusob.
"Sige lang mga kasama ko, magpakabusog tayooo!" pasigaw na sambit ng namumunong si Phileos.
Dumistansya muna ako sa kanila dahil masyadong maiingay ang mga ito. Naglakad-lakad muna ako sa madilim na bahagi ng Gubat, hindi naman gaano kadilim dahil bilog na bilog ang buwan.
Hindi naman ako natatakot, ako pa nga dapat katakutan. Maya-maya, umupo na muna ako sa isang puno kung saan tanaw mula rito ang mga kabahayan sa syudad.
Napabuntong hininga na lang ako at napabulong sa hangin.
"Hanggang kailan ko ba ito gagawin? Hanggang kailan ako susunod sa kaniya? Gabayan niyo naman sana ako Inay, Itay. Ayuko ng magpatuloy pa sa pagpatay ng mga inosenteng Tao. Ngunit kailangan kong gawin para kay Yesha. Para sa'ming dalawa." malungkot kong turan na nakatanaw lamang sa kawalan. Si Yesha ay ang aking nakababatang kapatid.
Noon kasi ay hindi naman talaga ako kasali sa grupo ni Phileos. Ngunit dumating ang araw na nabihag ng mga ito si Yesha at nais ng pinuno na maging asawa ito subali't tumutol roon ang aking kapatid. At dahil sa galit ni Phileos ay napagdesisyonan na lang nitong patayin si Yesha ngunit mabuti na lang at dumating ako at hindi iyon natuloy.
Nakipagkasundo ako kay Phileos na buhayin ang aking kapatid kapalit ng pagsunod ko sa anumang iutos niya Pumayag naman ito.
Pero hindi pa rin naging malaya si Yesha dahil naging tagapagsilbi ito o naging katulong gaya ng ibang babaeng Busaw na walang kakayahanng makipaglaban.
At oras na sumuway ako sa anumang utos ni Phileos ay buhay ng aking kapatid, buhay naming dalawa ang nakataya roon. Kaya kahit labag sa aking kalooban ang pumatay ng mga taong inosente ay ginagawa ko pa rin.
Ilang-minuto pa akong nanatili sa kinaroroonan ko hanggang sa makarinig ako ng tila may sumisigaw, boses babae iyon.
Napatayo ako at pinakinggan mabuti kung saan nangagaling iyon----Sa may bandang kaliwa. Dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan akong naglakad patungo roon.
Isang babae ang nakita ko, umiiyak ito habang patuloy na sumisigaw.
"Bakit kailangan ko itong maranasan? Bakit kailangan kong magpatali sa lalaking hindi ko mahal! Ayuko na! Gusto ko ng mamatayyyyy!"
Mga rinig kong sigaw niya.
"Hindi mo kailangang sayangin ang buhay mo dahil lang doon." wika ko na lumapit sa kinaroroonan niya.
Napalingon ito sa akin at tila nagtataka kung bakit ako narito sa kinalalagyan namin ngayon.
"Sino ka?" ani nito.
"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Ngunit ang mapapayo ko lang sa'yo, huwag mo'ng sayangin ang buhay mo dahil lang sa pinagdaraanan mo. Ma's higit pa sa problema mo ang pinagdadaanan ko ngayon, ngunit ma's pinipili kong mabuhay. Kaya sana ganoon ka rin." mga saad ko.
YOU ARE READING
Aswang Stories One Shot Compilation
Short StoryCompilation of Aswang Stories by Yenyengirl18. All stories here are one shots kaya hindi ka na mabibitin. Hope you enjoy reading, Yennies!