CHAPTER 24: The Land of the Red Sun

15 10 0
                                    

CHAPTER 24

The Land of the Red Sun

<=×==×==×=>

Leam's POV

"Ohhh... Nangyari sayo Babe?" tanong ni Patrick, na para bang nagaalala sa pagmumukha ko.

"Hehe, di lang ata ako nakasabay, ambilis kasi nila Tito Hans at Christian, ikaw ano say mo?" tanong ko sa kanya at napakamot nalang sya ng kanyang ulo.

"Pagiisipan ko," sagot nito at inilahad na ang kanyang kamay.

Naglakad na kami kung saan man kami pinapapunta nila Tito, ang sinabi lang nila akyat daw kami ng bundok.

Wala naman akong idea kung anong gagawin dito, sinusunod lang namin ni Patrick kung ano ang sinabi nila.

Marami rin naman kaming nakakasabayang mga tourista, kaya nakikisabay nalang kami.

Kalagitnaan palang ng paglalakad, ay halos maubusan na ako ng hininga, itong si Patrick naman pa ngiti ngiti lang.

"Di kapaba napapagod Babe? Break time muna tayo," aya ko sa kanya, nakita ko kasing may nagpapahingang mga tao sa gilid.

"Hindi pa naman ako napapagod, ikaw pagod kanaba?" tanong nito at napailing nalang ako.

Nahiya naman kasi ako sa kanya, kaya di na ako nagpahinga, bagkus dere deretso nalang kami sa paglalakad.

Matirik ang aakyatin, tapos nakakalula pa pagtumingin ka sa baba, di ko alam kung saan ba to patungo, sana naman may magandang kahahantungan to.

"Any idea kung anong meron dito?" tanong ni Patrick sa akin, ako naman tong pagod at lumulutang na sa daan.

"Wala eh, ang sabi lang ni Tito Chris, hihintayin nalang daw natin sila sa itaas, may susundo naman daw sa atin sa tuktok," sagot ko at tumango naman sya.

"Hayaaaa, wala bang katapusang hagdan to?" saad ni Patrick, at natawa nalang ako.

Salamat naman at nakaramdam na rin sya ng pagod, kala ko ako lang, magmumukhang mahinang nilalang ako pag ganun.

"Ouy malapit na tayo Babe, ayun na pala oh!" saad ko st tinuro sa kanya ang bubong ng temple.

"Heyaaaaa... Buti naman, tara na!" aya nito at nagholding hands na kami papaakyat.

Tamang tama naman at pagdating namin sa taas, napakalamig na hangin ang biglang dumampi sa amin.

Napakasarap sa pakiramdam, tapos yung lugar napakataas, at napaka ganda.

Una kaming pumasok sa temple, tapos may malaking Buddha Statue roon, at dahil di naman religious person tong kasama ko-

"Arigato Gudaimaste," rinig kong sambit ni Patrick na may pa yuko pang nalalaman.

"Shall we go?" aya nito at sumunod nalang ako sa kanya.

The next moment nasa harap na kami ng nagtitinda ng kakanin, kung ano ano nang pagkain ang tinikman namin.

GANGSTER NEIGHBOR [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon