Chapter 7.

38 2 0
                                    

Janelle’s POV.

Hindi ako makaalis sa mahigpit na pagkabig ni Senyorito sa balakang ko. Halos saluhin na ng mga hita niya ang puwetan ko habang maririnig ang pagsusumamo. Malungkot nga siguro siya.

Marahan umangat ang kamay ko papunta sa likuran niya at hinaplos iyon upang pakalmahin siya.

“Pinatawad na kita Suzanne, ibinigay ko na ang kalayaan na gusto mo pero bakit hindi pa rin ako masaya?” Bulong niya. Kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya at kung ano ang katotohanan sa likod ng kalungkutan na bumabalot sa damdamin niya. Nakaramdam ako ng awa sa aking Senyorito.

Kung aking iisipin, labis siya kung magmahal. Totoo tapat at walang alinlangan na ibubuhos ang lahat para sa babaeng mahal na mahal niya.

“Mas makabubuti po kung kumain ka muna. Baka nagugutom ka po, Senyorito?” Marahil natauhan na siya sa tinig ko.

Nagulat siya at itinulak ako, mabuti na lang at marunong ako bumalanse. Nagpunas siya ng mga luha at tila bumalik ang pagiging masungit.

“Naaalala ko lang ang ex-fianceé ko kaya nasaktan na naman ako.” sabi niya.

“Sino po? ‘Yung Suzanne po ba?” Pag-uusisa ko naman. Tumango siya at saka ako tinugon.

“Siya ang dahilan kung bakit gusto ko lumayo at mapag-isa sa ganitong lugar kahit pa lamunin ako ng lumbay.” saad niya.

“Mas masarap mamuhay nang walang sama ng loob.” Ngumiti ako kaya ipinukol niya ang masamang tingin.

“Ano ba ang alam mo sa pagmamahal? Isa ka lang tagapag-alaga.” Pangmamaliit niya.

“Dapat ko po ba malaman ang rason kung paano masasabing mahal ko ang isang tao?” Ang sungit talaga niya.

“Wala ka pa rin alam!” Tumaas ang tono ng pananalita niya.

“Ngayon alam ko na kung bakit iniwan ka niya.” Pinatulan ko talaga siya.

“W-Why?” In his curiosity.

“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili.” Matigas na banat ko sa kaniya.

“I don't need you! Get out!” Ibinato sa akin ang mga unan.

“Subukan niyo po magbago kahit kaunting pagbabago lang, Senyorito. Malay niyo balikan ka niya.” May pang-aasar na ang payo ko.

Napikon ko yata siya.

“Janelle!!!” Sigaw niya sa pangalan ko.

“Kilala mo na po pala ako. Matalas ang memorya mo, Senyorito.” pilyang sabi ko at tumakbo na ako palabas sa pinto dahil nakahawak siya sa flower vase.

Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi niya itinuloy ang pagbato ng vase. Malakas talaga ang pang-asar ko lalo na kapag pikunin ang binibiro ko. Kaya lang, sa malalang sitwasyon ni Senyorito, mukhang hindi magtatagal ang pangungulit ko.

Habang nagpapahinga sa kaniyang kwarto ang masungit na Senyorito, sinamantala ko ang pagkakataon. Tinawagan ko si Trevor sa phone number na ibinigay sa akin.

“What happened?” Tinig niya ay may pag-aalala sa masungit na pinsan.

“Maayos naman siya pero may gusto lang ako itanong. Sino ba si Suzanne?” Pasubali ko.

“Are you serious? Tumawag ka lang para itanong ang ex niya?” Bulalas niya.

“Kasi… Nagbabaka sakali lang naman ako.”

“She’s not worth it to talk.” desmiyadong usal niya bago tuluyang pinutol ang aming pag-uusap.

Bastos na Senyorito!

𝑴𝒚 𝑺𝒆𝒏𝒚𝒐𝒓𝒊𝒕𝒐'𝒔 𝐖𝐈𝐋𝐃 𝖮𝖻𝗌𝖾𝗌𝗌𝗂𝗈𝗇. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon