Chapter 39
"Stop with your nonsense lies, Angel. Hindi ka nakakatuwa." Pinagsaklob ko ang mga daliri namin ni Kessiah at hinatak na siya palabas.
Tahimik lang siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Wala siyang reaksyon sa mga sinabi ni Angel. Dinala pa niya ang kaniyang milktea at sa sasakyan na itinuloy ang pag-inom niyon.
"I apologize for what happened. Huwag mo na lang pakinggan iyong mga sina---"
"You don't have to apologize for her."
"Yeah... I know. But I am still at fault on this. Nagagalit siya sa 'yo because of me. I'm sorry, Kess." I sighed. "Kung magagalit ka sa akin maiintidihan ko. Masyadong maraming nasabi tungkol sa 'yo si Angel dahil lang pinagseselosan ka niya sa akin."
"Wala akong pakialam sa opinyon niya. Palunok ko pa sa kaniya 'yan." Sumipsip siya sa straw habang malamig ang matang nakatingin sa harapan.
Tumahimik na ang paligid kaya naman nagmaneho na rin ako palayo sa lugar na iyon. Nagpahinga lang kami saglit pag-uwi tapos ay bumyahe na kami papunta sa mansyon ng mga Conzego.
"Bakit dito tayo dumaan? Hindi naman dito ang daan papuntang airport."
"Sa Conzego Residence ang meet up. Tita Namirah wants to meet you too."
"Namirah?" Kumunot ang noo niya.
"Asawa ng ex-husband ng biological mom ko."
"Step-mom mo?"
"Parang ganoon na nga."
"I see." Tumango lang siya.
"Don't worry, mabait iyon. Anyway, mahilig ka ba sa pusa?"
"Sakto lang. Why?"
"May pusa mga pusa kasi iyong kapatid ko. Ini-inform na kita ngayon para at least alam mo."
"Kapatid? You mean iyong Travis?"
"Yeah." Pinaikot ng kaliwang palad ko ang manibela pakaliwa.
"Ah oo mahilig pala ako. Hindi lang ako nag-aalaga pero gusto ko ang mga pusa."
"Gusto mo lang yata makita iyong kapatid ko eh."
"Nandoon ba siya?"
"Tss, interesado ka pa talaga."
She just giggled and she looked f*cking excited. Tangina excited ba siya sa outing o excited siyang makita ang kapatid ko? Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng inis.
Parang noong nakaraan lang inaway niya iyong pusa sa campus, tapos ngayon pinadaan pa niya ako sa pet store para bumili ng pasalubong na cat treats.
"Do you think they will like this?" excited na tanong niya habang nasa sasakyan kami.
Kalong-kalong niya ang paperbag at tinitingnan ang laman niyong cat treats na iba-iba ang flavor.
"Naks, worried pa nga na baka hindi magustuhan. Parang hindi mo sinipa iyong pusa sa campus nung nakaraan ah."
"Hoy! OA ka. Hindi ko sinipa, ano?"
"Pero minalditahan mo." Hindi siya nakaimik at nakabusangot na napasandal na lang habang naka-cross ang mga braso. "Cute mo d'yan." I suppressed my laugh and she just thanked me with an eye roll. "Later mami-meet mo iyong bago kong top," I told her pertaining to the white persian cat, Claudia, to tease her.