Chapter 38

10.2K 137 135
                                    


tw: self-harm
————————————————————





Chapter 38




"Huwag mong ibahin ang usapan."


"Oh bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo, 'di ba?"


"Hindi ko alam ang sinasabi mo."


Tinalikuran ko siya at humakbang na palayo. Agad naman akong napahinto nang muli siyang magsalita.


"Really? If I know... we're just both losing ourselves, Kye. Ang hindi lang natin alam... ay kung sino ba ang mauuna sa atin."


Kumuyom ang kamao ko at kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pagragasa ng alaala.


"He needs to be monitored... always. Pakilayo na lang din iyong mga bagay na pwedeng makasakit sa kaniya. Baka sa susunod na ma-trigger na naman siya, hindi na natin siya maisalba."


"But he will be okay na naman, doc, 'di ba?"


"We're hoping for that, Ms. Chenua."


Nakatulala lang ako sa view sa labas ng bintana habang kausap ni Tita Amanda ang doctor. Maya-maya ay narinig ko na ang yabag ng paa nitong palabas na sinundan ng paglubog ng kutson na hinihigaan ko.


"Kye, why did you do that? You scared me. A-Akala ko mawawala ka na sa akin."


Wala akong maramdamang kahit ano simula pa kahapon... namamanhid, pero nang makita ko siyang umiiyak ay doon lang ako nagkaroon ng pakiramdam.


"Tita, I'm sorry." Umalpas ang luha sa mata ko habang nakatitig dito.


"Huwag mo ng uulitin, please? Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin." Sinuklay niya ng daliri ang buhok ko. "Nakausap ko na ang lawyer. Nag-file na ako ng restraining order para hindi na makalapit sa 'yo ang mommy mo."


"Ano, Kye? Hindi ka makaimik, 'no?"


Napalunok ako. "Matagal na iyon. Nakausad na ako."


"Talaga ba? Kaya pala hindi pa rin kampante si Tita Amanda."


"Nagpa-install ako ng CCTV, pamangkin."


"He needs to be monitored, Ms. Chenua."


F*ck.


"We're just the same, Kye..." Pumwesto siya sa harapan ko at inililis ang sleeve ng bathrobe na suot. Napatitig ako sa mga l—slas niya roon. Tiningala niya ako na para bang binabasa ang iniisip ko. "Suic—dal."


Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.


"Dati lang iyon. I already stopped hur---"


"Yeah, you did." Kinuha niya ang braso ko. "Nag-fade na iyong mga peklat mo pero iyong sakit hindi pa rin nawawala."


"Okay lang ako... okay na po." Ngumiti pa ako bilang paninigurado.


I even laughed trying to make the atmosphere lighter but her facial expression didn't change, too serious. Bumagsak ang tingin niya sa sahig.


Ruling the GameWhere stories live. Discover now