Chapter 5

17 0 0
                                    

Ang saya pala pag may kaibigan ka, simula nung araw nayon ay parate na akong sinasama ni darryl sa grupo nila. Pagpupunta ng recess, kahit papaano nakakapagbahagi na ako ng mga nangyare sa buhay ko pero hindi ko inoopen pa sa kanila yung past ko.

Ive been through a lot, and i dont want their sympathy because of what happened in my past. I still dont know them yet, hindi ako pwedeng magpakampante sa kanila. Na experience ko na ng marameng beses na pagtaksilan kaya ngayon kailangan ko maging maingat.

“ Tristan, uuwi ka na kaagad?“ Tanong ni natalia.

“ Oo, malalate na ako sa trabaho. Kailangan ko nang bilisan.“ Sagot ko sa kanya.

“ Okay, sama ka ulit sa amin ah sa lunes.“ Bilin nito, tumango naman ako bilang tugon sa kanya.

Minadali kong tinahak ang daanan, syempre pag uwian hindi talaga maiiwasan na makipagsiksikan. Marame kasing mga studyanteng nakaharang sa daanan. Pero meron talaga, na siaira ng araw mo. May grupo na talagang humambalang sa daanan, sakop na sakop ng grupo ang daanan. Kahit nabainisigawan na silang tumabi, para silang walang naririnig.

“ Excuse me, please makikiraan.“ pagbabakasakali ko na makaraan pero hindi manlang nila ako tinapunan ng tingin. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na nakontrol ang pasensiya ko.

“ Please, excuse me! May trabaho ako, malalate na ako!“ malakas na sigaw ko sa kanila.

Doon lang nila ako tinapunan ng tingin, ang sama pa ng tingin nila. Kinabahan ako dahil ang dame nila tapos nagiisa lang ako.

“ sorry, kailangan ko lang kasi makadaan kaagad. Malalate na ako sa trabaho ko.“ Paumahin ko sa kanila, gumilid naman sila.

Buti naman at gumilid na sila, hayun nakadaan na ako at nagmadaling bagtasin ang daan papunta sa gate. Pagkalabas ng gate, ay sumabay ako sa mga tao na tumatawid. Nang may dumaan na jeep ay sumakay na ako kahit na punuan.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa lugar ko, madaling -madali akong pumunta ng apartment ko at nagpalit ng damet pantrabaho.

Palabas na ako nang may marinig akong hiwayan sa labas, hiyaw ng mga taong nanghihingi ng tulong. Binuksan ko ng konti yung pintuan, para makita ang nangyayare sa labas. May mga lalaki na nakasuot ng formal attire na nambubug-bog ng mga lalaki sa daan.

Sobrang takot ay sinarado ko ulit ang pintuan at naghintay na matapos ang nangyayare sa labas, wala akong sapat na lakas ng loob para patigilin sila. Tila dalubhasa sa martial arts yung mga nakasuot ng formal attire, gusto mabug-bog ako ay panigurado mababaon ako sa utang, wala pa naman inaasahan na tao na tutulong sa akin.

Naghintay ako ng ilang minuto at binuksan ko ng slight ang pintuan para silipin ang nangyayare sa labas. Nung makita kong wala nang tao sa labas ay lumabas na din ako, madali kong tinakbo ang daanan para makapunta na sa bar.

Pagkapasok ko dun ay nakita ko si manager na kasalukuyang nagaasikaso ng mga costumer. Nang makita niya ako, buti nalang at hindi naman siya galit.

“ Okay ka lang tristan? Balita ko mag bugbugan malapit sa apartment mo?.“ Nagaalalang tanong nito.

“ Okay naman po, hindi lang ako lumabas non dahil nandoon pa sila.“ Paliwanag ko.

“ Buti naman, o siya magsimula ka nang magasikaso dito.“ Bilin niya at naglakad na siya papunta sa office niya.

Mabait ang manager ko at understanding, kahit na hindi kame ganoong magkakilala ay napakacaring niya. Mabait siya at maganda, hindi ko lang maintindihan kung bakit ilag siya sa akin, ultimo pangalan niya hindi niya masabi sa akin.

Nagsimula na ako magasikaso ng mga costumer, hanggang sumapit ang hating gabi. Meron akong break ng 10 minutes para makakain ng sapat, sa oras nadin nayon kumakain na ako ng marame. Bonus na lang din yung treat sakin ni Darryl tuwing recess.

After ng break ay solve na solve ako dahil nabusog ako sa kinain ko, masarap kasi ang pagkain ng mga staff. Para daw ganahan kame magtrabaho, hindi nga nagkamali ang boss namen.

Nagumpisa nanaman akong magasikaso ng mga costumer, pero sa oras na ito ay konti na lang ang mga costumer. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya pumunta ako kaagad. Palapit palang ako nang mamukhaan ko yung mga taong pumasok.

Sila yung nakaformal attire na mga lalaki na nambubug-bog kanina malapit sa apartment ko. Hila-hila nila yung binubug-bog nila, nakakatayo pa naman yung mga yon pero kita sa lukot na mukha nila na may masakit silang iniinda.

Nakaramdam ako ng takot kaya hindi na lang ako lumapit.

Lumapit ang mga nakaformal attire na kalalakihan sa table sa pinakasulok. Sa kinaroroonan nung landon, tinulak ng mga ito yung dalawang lalaki sa sahig.

Tumayo si landon na may malawak na ngiti sa kanyang labi, kita sa mata nito ang tuwa sa pagdurusa ng dalawang lalaki sa sahig.

“ Anong feeling na kayo naman ang bugbog sarado?“ Bungad niya sa dalawang lalaki sa harapan niya. Sabay sipa sa isa at tinapakan niya ang mukha nito.

“ Please, pakawalan nyo na kame. Hindi na kame uulit!“ Pagmamakaawa nung dalawa.

Panandaliang natahimik si landon, tila nagiisip sa susunod niyang gagawen.

“ Hindi nyo naman na talaga uulitin yon eh, kasi sisiguraduhin kong magtatanda na kayo bago namen kayo itapon malapit sa hospital.“ Galit na sabi niyo at diniinan niya yung tapak sa mukha nung lalaki.

“ Opo, magtatanda na po kame.“ Ulit nung isang lalaki.

Inalis na ni landon ang paa niya pagkakatapak sa mukha nito at bumalik na za kanyang upuan.

“ Bug-bugin nyo ulit, siguraduhin nyong hindi sila mamamatay bago sila itapon malapit sa hospital.“ Utos nito.

Hinila nung mga nakaformal attire yung dalawang lalaki palabas, doon palang ako nakahinga ng maluwag nang lumabas na ang mga ito.

Bumaling ang tingin ko kay landon, sa likod ng maamo niyang mukha ay may natatago pala itong kademonyohan.

Nakaramdam ako ng takot, na baka ako ang isunod niya paghindi ko siya tinrato ng tama.

*****

Sorry kung di kaagad ako nakapagupdate last week. Pasensiya na.

(⁠´⁠;⁠ω⁠;⁠`⁠)

Bad boy Always BadWhere stories live. Discover now