Chapter 3.

50 2 0
                                    

“Janelle!!!” Malakas na hiyaw ng Manager kung kaya’t itinago ko sa bulsa ng coat ang perang nakuha ko sa lamesa mula kay Senyorito.

Papalapit na ako sa pinto ng bar ngunit biglang tumunog ang cellphone ko na nakaipit sa gilid ng suot ko. Ang bunsong kapatid ko na si Jessa ang tumatawag.

“Ate… Si Tatay naaksidente na naman kaya dinala ko sa hospital. Kailangan daw maoperahan.” Umiiyak na tinig niya sa kabilang linya.

“Papunta na ako diyan!” sabi ko.

“Kailangan natin ng pera para sa operasyon ni Tatay!”

“Oo na, ako na ang bahala roon!” Malakas ang loob ko na sabihin iyon sa pagka’t malaki-laki rin ang tip na ibinigay ni Senyorito.

“Ano ba, Janelle? Kanina pa kita tinatawag! Halika nga sa loob!” Paghila ng Manager sa kamay ko papasok sa loob ng bar hanggang sa dressing room.

“Aray ko! Ano ba?” Pagpupumiglas ko.

“Aba… Ang lakas na ng loob mo lumaban ngayon, bakit? May balak ka na bang layasan ako? Alalahanin mo na hindi pa bayad ang utang at interests ng Tatay mo!” Itinuon sa noo ko ang hintuturo niya.

“Aalis na talaga ako sa impyernong lugar na ito!” Matigas na usal ko. Pinuntahan ko ang mga gamit ko at saka inayos iyon. Sa hindi ko sinasadyang kamalasan. Nalaglag sa sahig ang makapal na perang ibinigay ni Senyorito. Iyon pa naman sana ang gagamitin ko para sa operasyon ni Tatay.

Lagot na!

Sinimot niya at ngumisi sa akin. “Kaya pala… Nanakawan mo pa ako!” Paghila niya sa buhok ko.

“Ano ba? Bitawan mo ako! Ang perang iyan ay hindi para sa iyo! Para sa Tatay ko iyan!” Pilit na kumakawala ako sa marahas na pagsabunot niya sa buhok ko.

“Para sa Tatay mo? E, May utang pa nga kayo sa akin, kaya para sa akin na ang perang ito!” Ibinalya niya ako sa upuan at hinila ang pisngi ko paangat dahilan upang magpantay ang aming paningin.

Bakla siya at hindi hamak na mas malakas kaysa sa akin dahil kung tutuusin ay isa pa rin siyang lalaki.

“Pinaghirapan ko iyan kaya sa…”

“Tigilan mo ako! Kulang pa nga itong kabayaran sa lahat ng naitulong ko sa Tatay mo.” Dinuro-duro pa niya ang mukha ko.

Dahil sa sakit na kaniyang ginagawa ay sinipa ko siya sa pagkalalaki niya. Nakawala ako sa kalupitan ng kamay niya ngunit hindi ko nakuha ang pera dahil dumating ang mga bouncer ng bar.

“Sa akin ang pera na iyan! Ano ba? Bitawan niyo nga ako!” Reklamo ko.

Itapon niyo sa labas ang babaeng ‘yan! Huwag na huwag niyo na papapasukin rito!” Sigaw pa ng Manager at ipinakaladkad na ako palabas.

Kahit naroroon ang trabaho ko ay ginawa nilang istranghero ako. Ibinalya ako ng dalawang bouncer sa labas ng bar, inihagis sa pagmumukha ko ang coat at iba pang gamit ko.

“Umalis ka na at huwag ka nang babalik pa rito!”

“Mga hayop kayo!!! Ibalik niyo ang perang pinaghirapan ko!!! Mga walang puso!” Umiiyak na bulyaw ko sa kanila ngunit pinagtawanan lang ako.

Sa halip na ako ay pakinggan, pinagsarahan pa ng pinto. Hindi ko mapigilan ang luhang kumakawala sa aking mga mata. Kung kailan kailangan ko ang halagang iyon ay saka naman nangyari sa akin ang kamalasan ngayon. Inayos ko na ang nagkalat na gamit ko sa gitna ng daan.

“Miss, Are you okay?” Pamilyar ang boses niya.

“May okay ba na ganito ang sitwasyon, pinalayas!?” Tiningnan ko siya ng tuwid.

𝑴𝒚 𝑺𝒆𝒏𝒚𝒐𝒓𝒊𝒕𝒐'𝒔 𝐖𝐈𝐋𝐃 𝖮𝖻𝗌𝖾𝗌𝗌𝗂𝗈𝗇. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon