Chapter 5: Cheeky Brat

2 2 0
                                    


Akala ko iyon na ang wakas ng pangungulit nya sa akin. Akala lang pala.

"Ate Sienaaa~~" napatalon ako dahil sa pagtawag nyang iyon.

Gosh! Ngayon pa kung kelan kasama ko sila Jen, Marcus at Jules.

"Siena, may tumatawag ata sa'yo" tinapik-tapik ako ni Jules sa balikat para tawagin.

"H-ha? Wala naman ata--" napahinto ako sa pagsasalita nang may nagtanggal sa pagkakahawak ni Jules sa balikat ko.

Napako sa lupa ang mga paa namin dahil sa nangyari.

"Wtf? Sino to? Kapatid mo?" Natatawang tanong ni Jules habang ipinapagpag ang kamay nya.

Ewan ko pero sa sitwasyong ito mas napansin ko ang pagkakalayo ng height nilang dalawa. Kung ikukumpara sa kanya parang bata lang si Jules na nawawalan ng candy.

"No!" Inis na sigaw ni Logan.

"Eh ano ka nya?" Balik na tanong ni Jules.

"Chat mate" simpleng sagot ni Logan sabay ngiti. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti nya ngunit naramdaman ko ang pagiging uneasy ni Jules.

"Wtf, Siena? Sino yan?" Marcus looks so disgusted. Siguro dahil nakilala nya kung sino ang taong sumingit sa pag-uusap namin.

"Ahh, hindi nagpapadvise kasi sya sa kukunin nyang strand sa grade 11..." Mukang hindi nakontento si Marcus sa pagpapaliwanag ko.

"...send ko na lang sa'yo mamaya yung list of courses para mashare mo na sa classmates mo."

"But I came for you. Like me ba--"

Hindi na nya naituloy pa ang gusto nyang sabihin dahil agad ko na syang hinila palayo sa kanila. Mamaya na ko mag-papaliwanag guys.

"Why do you keep hiding the fact that I like you? I like you, Siena."

This is the first time he called my name, dropping his honorifics. I would be lying if I said I hate it.

He rest his head on my shoulder gently.

"I like you. Can you like me back?"

"I'm sorry, I can't"


Present

"Ahhh hindi ko na alam anong kasunod na nangyari. That's the only memory I have of him." I continued.

Ilang taon na rin naman ang nakalipas, 7? 8? kaya medyo foggy na rin ang memory ko.

"If that's the case, then wala na syang reason na makipagreconnect pa sayo. I'm curious what he's really after?"

Kinuha ko ang beer na hawak-hawak ni Marcus at tinungga ito.

Kung talaga ngang may girlfriend na sya, there's no point in keeping in contact with him.

I restricted his message dahil alam kong hindi sya papayag kung ib-block ko sya. Knowing him, he's still that stubborn litttle kid na ginagawa lang ang gusto nya.

"I'll help them to bed" saad ni Marcus.

Tumango lang ako saka tinapos ang sigarilyo ko.

Jen and Marcus have been going out for nearly 3 years already kaya kampante din ako na sya na ang mag-asikaso sa kanila. I just wonder bakit inabot ng ilang taon bago nila marealize ang feelings sa isa't isa.

Maybe they were really made for each other. Or Maybe naglakas-loob lang talaga si Marcus.

Hah! So frustrating to have a fucked up life.

Maya-maya pa ay tumabi na rin ako kay Jen para magpahinga.

Naging panatag ako sa mga sumunod na araw dahil walang Logan Cooper ang nangungulit sa akin.

"Ma'am Siena, pakipirmahan po yung memo ng Excursion" saad ng intern ng company.

"Sige, iwan mo lang muna dyan sa desk"

Yearly ang excursion ng company namin. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin ako sanay. I still think it's a waste of money. Kesyo it's for the sake of building connections daw pero all of these were just to coat the fact that it's still for the company.

I don't even think I deserve to even have fun with this excursion.

Liv snapped her fingers in front of me to grab my attention.

"Siena, company dinner mamaya. Game ka?"

"Ahh, pass siguro muna uuwi ako sa'min ngayon eh".

ReplayWhere stories live. Discover now