CHAPTER 18

366 5 0
                                    

CHAPTER 18

ILANG ARAW ang lumipas magmula nang hindi niya pagpansin sa Propesor tuwing nasa loob ng University. At alam niyang asar na ito at naiinis sa pag-ignora na naman dito ni Bianca ngunit wala siyang ibang magagawa. Kailangan niya itong iwasan.

Ngunit kahit naman gusto niya itong iwasan ay nais pa rin itong makita ni Bianca. Kaya naman  nang bumalik si Jake sa classroom nila galing sa opisina ng Propesor ay nagtaka siya nang hindi nito kasama ang lalaki.

Marahil ay pasunod na, na-late lang dahil maraming gawain.

“Guys, Sir Pietro wants to apologize for being not here today. He has bunch of paperworks that needs to be finished within today. As for now, let's do the activity he gave me. Then passed it to me after you're done. Saka manghihingi nalang daw siya ng oras sa ibang professor para mai-discuss ang na-miss na lesson.” Anito saka binuksan ang malaking monitor sa harapan upang ikonekta sa laptop nito. Siguro ay sinend doon ng Propesor ang gawain.

Napahinga ng malalim si Bianca. Dati-rati kahit marami itong gawain ay pinipili pa rin nitong magturo sa kanila dahil daw gusto siya nitong makita araw-araw. Ayaw ba siya nitong makita?

Ngunit imbes matuwa siya dahil hindi na siya mahihirapan pang iwasan ito ay kabaliktaran anh naramdaman niya. Lungkot at sakit ang bumalot sa puso ni Bianca.

Dahil hindi naman makapag-focus si Bianca sa ginagawa, nagpaalam muna siya kay Jake na mag-ccr pero ang totoo ay gusto niyang puntahan ang Propesor.

“Bumalik ka kaagad.” Ani Jake na tinanguhan naman niya.

Nakatatlong katok si Bianca sa nakasaradong pinto si Bianca bago narinig ang Propesor na nagsalita.

“That's open.” Simpleng sabi nito.

Huminga muna ng malalim si Bianca at inipon ang lahat ng lakas ng loob na  harapin ito bago pinihit anh sedura ng pintuan. Ang akala niya ay busy ito sa laptop o hindi kaya sa mga papeles na naman nito habang nakaupo sa swivel chair, ngunit iba ang kaniyang nabungaran.

Magulo ang buhok ng Propesor, kusot ang puting polo at parang stress na stress ito sa buhay. Nakatunganga ito sa kawalan ngunit nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Tila ba kaaway nito ang pader.

“Prof...” Mahina ang boses na tawag pansin dito ni Bianca. Agad namang napalingon sa kaniya ang Propesor, ang gulat na exspresyon ay agad napalitan ng pagtaas ng kilay.

“What can i do for you, Miss Martin?” Anitosa malamig na boses at bahagyang inayos ang sarili.

Kagat-labing naglakad si Bianca palapit dito, “uhm, hindi ka po kasi pumasok sa klase natin ngayon.”

“And so?” Mataray nitong sumbat sa kaniya.

Napanganga siya sa tinuran nito ngunit agad din naitikom ang bibig. “Uh, ano, uhm, wala. G-Gusto ko lang malaman kung bakit, busy ka ba talaga? Eh nakatunganga ka lang naman yata riyan kanina pa.”

Umirap ito sa kaniya, “i'm just doing you a favour.”

“Ano?” Takang tanong niya.

“You don't want to see me right? Now i'm doing you a favour by not attending my class. But you're here, didn't i give you an activity?” Naka-cross arms ito, malamig pa sa malamig ang mga titig at boses.

“Hindi naman kita iniiwasan...”

“Oh really? Then what? You just don't want to see my handsome face?” Sarkasmo nitong sabi saka umismid.

Mas maiintindihan siguro nito anh inaakto niya kapag sinabi niya sa lalaki ang dahilan niya. Bakit ba hindi niya kaagad naisip iyon? Marahil dahil wala pa naman siyang experience sa pakikipagrelasyon at nag-aaral pa rin siya kung paano maging mabuting girlfriend.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now