Kabanata 9

389 8 0
                                    

KABANATA 9 ::

"Keirstana?"

Nakagat ko ng mariin ang pang ibabang labi. Nang tawagin niya ang pangalan ko ay saka ko lamang naisara ang bibig na naiwan palang nakabukas.

It's not like everyday I'm blessed with a man's physique like this.

"Keirstana, may sinasabi ka?"

"Huh? Ah... Blessed. I mean... God bless you! Labas na ako. Bye!"

Sapo ko ang noo nang finally maisara ang pinto ng silid.

Keirstana Meridae maghunos dili ka, mabuti na lang at bulag yung tao kung hindi nakakahiya ka.

"Thana!"

"Ay anim na abs!"

Hindi ko alam kung alin ang hahawakan sa sobrang gulat. Kung ang taklesang bibig ko ba o ang dibdib kong hindi pa rin tumitigil sa pghohost ng nagkakarerahang mga kabayo.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Asan alaga mo?"

"Huh? Hindi ko nakita katawan nya."

Hala! Nag short circuit bigla.

Tumalikod ako kay Ellias para itago ang nangangamatis na mukha.

I swear kung pwedeng magpalamon sa lupa, kusa na talaga akong sasama.

"Parang others naman..."

Panay ang asar sa akin ni Ellias hanggang sa makarating kami sa dining area kasama si Elliad.

"What the hell are you laughing at?" sikmat ni Elliad sa kapatid.

"Wala... Nandito na din ang Mama at Papa mo, kakain na," putol ko sabay lagay ng kanin sa plato niya.

Tumawa lamang ulit si Ellias natapos kong tapunan ng masamang tingin.

"I will eat alone."

Nagkatinginan kaming lima sa lamesa pero wala ni isang kumontra.

"Son, are you—"

"Mom, I said I'll eat. Alone."

Bumuntong hininga ang ginang at hinayaan na lamang ang anak aa gustong mangyari.

Nasa kabesera ang padre de pamilya, sa kanan nito ay si El at sa kaliwa naman si Mrs. Cabreira. Nasa gitna namin ni El sa Elliad at katapat naman ni Elliad si Ellias.

The family tried to act normal. Kinamusta ng ginang ang pag-aaral ni El at ang negosyo naman kay Ellias. Maayos ang naging daloy ng usapan, paminsan-minsan ay isinasali nila ako but I don't have much to share kaya kadalasan ay nakikinig lamang ako.

"So what's your plans nga pala iha?"

"Maybe continue modeling po hanggang makaipon pampatayo ng sariling bakery."

"Oh that's nice."

"Yeah but don't you want to finish your college degree? Sayang naman ay nursing ka pala."

"Hindi po talaga para sa akin ang med field. Mabu-burn out lang ako at aayawan ko din."

"Naku pareho kayo nitong si Eleonor, nag med tech ang batang ito noong unang taon sa kolehiyo..."

"Eleanor? El na lang, Mommy. Tsaka tama naman si Thana, pag hindi mo gusto nakakapagod."

Kung saan-saan pa napadpad ang usapan. Marami akong nalaman tungkol sa pamliya nila.

Tita Zanita is frustrated. She wanted to have a daughter so bad— which explains the sudden shift of her treatment when I came here. Kaya nang lumabas ang pangatlo niyang anak, na sa kasamaang palad ay lalaki pa rin ay Eleonor ang pinangalan niya.

Babysitting the Blind Billionaire (On Going)Where stories live. Discover now