KABANATA 7 :: SHRIMP
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang walang makita si Elliad o ano.
Guia's words went straight to my core. Syempre tama naman ang sinabi nya. Totoo namang iniwan ako—kami ni Mama para bumuo ng bagong pamilya. Masakit pa ring marinig iyon.
I spent hours of crying bago ako nagpasyang magpahatid sa bahay ng mga Cabreira kung saan nag sstay si Elliad.
Ang ginang ay nasa kanyang silid para sa siesta habang wala namang bantay si Elliad.
Nasabi ng isang kasambahay na dalawang private nurse na naman daw ang magkasunod na nag quit.
"Gusto mong maglakad-lakad sa labas? Pagabi na kaya mas masarap mamasyal ngayon," aya ko kay Elliad.
Nanatili siya sa pagkakaupo, ipinagsasawalang bahala ang presensya ko kaya minabuti kong maupo sa couch bandang paanan ng kanyang kama.
Mukhang wala siya sa mood makipagtalo sa akin. Mas lalo naman akong wala sa katinuan para guluhin pa siya.
We spent the next moment in total silence. Dahil sa pag-iyak at pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nang magising ay mayroon na akong blanket sa katawan at si Elliad naman ay tulog na tulog sa kama.
Bakit ko alam? Banayad ang kanyang paghinga, mukhang payapa.
Lumabas ako ng silid. Nakasalubong ko ang parehong kasambahay na nagpapasok sa akin.
"Naku ate, salamat po sa pablanket ha. Sorry nakatulog pala ako sa couch kanina."
Napapantastikuhan siyang tumingin sa akin.
"Blanket po ma'am? Aba eh... Wala naman pong pumasok sa kuwarto ni Sir Elliad kanina pamula nang ihatid ko kayo."
Napamaang ako.
Siguradong nakaupo ako nang matulog at wala akong kumot.
"Ah... Ganon po ba?"
Tumigil ako saglit para mag isip-isip baka naman nag sleep walk ako para kumuha ng blanket?
Tama! Baka sleep walking lang. Mas makakabuti para sa akin na isipin iyon kaysa mag-isip pa ng kung anu-ano.
"Hindi ko na alam ang gagawin sa batang iyan, Thana..."
Mrs. Cabreira seems problematic.
Tapos na ang isang linggo niyang leave pero hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag adjust si Elliad sa sitwasyon nito.
He's still mad na kahit sa nanay niya ay malaki ang kanyang galit.
He refuse to eat, go out, and even talk. Palagi siyang nakakulong kanyang kuwarto. Halos paubos na nga ang mga gamit doon dahil palagi siyang nagbabasag.
"I actually want to suggest something po..."
Ginabi na ako kaya inaya na niya akong mag dinner. Nagpa unlak naman ako dahil sa totoo lang ay ayoko pang umuwi ng bahay.
"What is it iha?"
"Uhm... Since wala pang mag-aalaga kay Elliad, I... I want to volunteer sana."
Napatitig sa akin ang ginang at matagal na hindi nakapagsalita.
Nag iwas ako ng tingin.
Sa wakas ay nasabi ko na ang bumabagabag sa akin sa loob ng ilang araw. I want to take care of him kase kahit labag sa loob ay sumusunod si Elliad sa akin.
"Nakausap mo na ba ang Mama mo tungkol dito? Hindi ba nagsisimula kang mag model iha?"
Hindi pa nga pala.
YOU ARE READING
Babysitting the Blind Billionaire (On Going)
Romance"I will take good care of you that someday you won't have any other choice but to love me too." -Hot Hotelier Series 3 Warning: SPG [R-18] Language: Tagalog