Chapter 32

2 1 0
                                    

32| Chance




Pagkatapos namin kumain ni Imuthis ay dumeretso na kami sa kanya-kanya naming room sa Hotel. Takang-taka pa ako kung bakit parehas kami ng direksyong tinatahak hanggang sa makita ko na ang room niya ay katabi lang ng akin.



Naiinis ako sa sarili ko.




Bakit ba kasi pinayagan ko ang sinasabi niya? Di ko tuloy alam kung ano pang gagawin ko sa Island na'to ngayong wala naman pala akong ka-meeting at palabas lang ang lahat. Nakakainis!



Bugnutin kong inayos ang buhok kong malapit sa tenga, inilagay ko iyon sa likod nito dahil hinahangin.



Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang tubig ngayon dito sa may pool area ng Hotel. Bagaman may iilan akong nakikitang tao sa may pool area ay walang nagtatangkang maligo. Malamig din kasi ang simoy ng hangin...



Nilanghap ko ang sariwang hangin tsaka inilublob ang mga paa ko sa pool. Gusto ko rito, tahimik. Walang istorbo..



Maganda ang lugar na'to, pero hindi non makakayang libangin ako para pansamantalang kalimutan ang lahat. Maganda ang lugar na'to pero hindi maalis ang katutuhanan na kahit anong gawin ko ay nananatili pa rin akong nangungulila.



Mula sa magulang hanggang sa anak.



Would I feel infinite happiness if sinasariwa ko ang mga bagay na meron ako ngayon kasama sila?



Mapait akong napangiti. Malamang, Oo...sobra pa sa tuwang nararanasan ko kapag nakakatanggap ako ng kung ano-ano mula sa mga tagahanga ko o higit pa kapag nakakatanggap ako ng mga awards dahil sa mga pinaghirapang projects.



" Alone? "



Napatigil ako sa pag-iisip ng may boses akong marinig mula sa aking likuran. The voice is so familiar that it made me irritated. It came from one person only, Imuthis.



Hindi ako sumagot, nanatili akong nakamasid sa  pagluloblob ko ng mga paa sa tubig ng pool. Saglit pa ay sinimulan kong laruin ang mga paa ko ron. Umusog ako ng kaunti ng maramdaman kong u-upo si Imuthis malapit sa'kin.



Iniwasan kong mapairap o kung ano man na nagpapakita na naiinis ako sa presensya niya at siya ang nag-alis ng peace of mind ko.



" Why are you alone here? You can just call me earlier so that I could join you. You know? " Mahaba niyang sabi pero ni hindi ko siya tinignan o ano pa man. Wala rin akong balak na ipaliwanag ang lahat.



Tsk. Why would I want you to join me? bastard..


Lumipas ang segundo na hindi ako umiimik at narinig ko ang pag-aayos niya ng upo sa tabi ko. Sinundan iyon ng pagbuntong-hininga niya.




" Look..I know you're crazy mad at me, but can you please talk? Mapapanis ang laway natin." Tinignan ko siya dahil don.



Responsibilidad ko pa ba kung mapanis ang laway niya dahil ayaw kong magsalita?



" May toothbrush ka bang dala? " Tumingin ako sa kanya at tinanong ko siya.



Tumango ang lalaki. " Yeah, why? "




" Gamitin mo kapag napanis ang laway mo. " Sarkastika kong sagot ko sa kanya tsaka ibinalik ang tingin sa tubig.




" Ow..akala ko kasi hihiramin mo.." Aniya naman na nakapagpakunot ng noo ko.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now